"Can't sleep?" Nagulat ako ng biglang may nagsalita sa likod ko.
Pagkatapos kung patulugin si Mich sinubukan kung matulog ngunit hindi ako makatulog, dahil siguro first time kung matulog dito sa Condo ni Rao. Kaya lumabas ako at pumunta nalang sa Veranda at pagmasdan ang mga bahay sa baba.
Wala namang nagbago sa Condo ni Rao, wala rin akong makitang family pictures nila kaya diko makita kung anong itsura ng anak niya, kung sino ang kamuka, kung si Rao ba o si Crisanta.
"Yeah." Sagot ko at malayo parin ang tingin.
"Ang lalim nang iniisip mo, ah?" Ani ni Rao.
Pinikit ko ang isang mata ko at tumingin sa baba. "Ang lalim nga." Natatawang sabi ko at tumawa rin siya.
"Rao, salamat ah? pumayag kang dito kami matulog ni Mich." Ako.
"It's okay Marie, what my nephew wants, let her enjoy." Rao said.
"Wag naman lahat ng gusto niya. Ini-spoiled mo eh! kaya matigas ang ulo." Sabi ko.
"Okay then, wag lahat." Nagulat ako sa sinabi ni Rao, kaya napatawa ako nf mahina.
"Okay." Tatangong tango na sabi ko at bumaling ulit sa mga bahay sa baba.
"Uh, Marie, tomorrow is Sunday. San kayo mag-chuchurch?" Tanong ni Rao nang tumahimik ako.
"Uh, diko alam, matagal akong hindi nakapunta sa Sison, baka sa Rosario nalang?" Sagot kong patanong.
"Do you want to go in Pozorobio?" He ask.
"Dun ka ba bukas?" Tanong ko.
"Yeah, ako magpre-preach." Sagot ni Rao.
Namilog ang mga mata ko nang sinabi niya yun. Alam kung Pastor siya pero ni minsan diko pa siya narinig na mag-preach.
"Anong oras?" Tanong ko.
"9 am, baka umalis ako nang maaga bukas mga 8." Ani ni Rao.
"Sama kami." Sabi ko at bumaling sa kaniya.
Nakita ko ang gulat sa mata niya nang sinabi ko yun. "Okay."
"Sige, Pastor. Pag hindi kami nagising nang maaga gisingin mo kami ah?" Sabi ko na natatawa.
"Okay then, you should sleep now, so you can wake up early." He said.
"Okay." Sagot ko at nanguna sa pagpasok.
Magkatabi lang naman ang kwarto namin ni Mich ang kanya. Papasok na sana ako sa kwarto ngunit napa baling ako sa kaniya na hindi pa pumapasok sa kwarto niya at nakatingin lang sa akin.
"Good night." Nakangiting sabi ko.
"Good night, Marie." Sabi niya at pumasok na ako sa kwarto.
"Tita! tita!" Gising ni Mich sa akin at niyogyog pa ako.
"Mmhh." Sagot kung nakapikit parin.
"I want to pee." Mich.
Napabalikwas ako nang bangon nang maalalang may bata nga pala akong katabi! Sinamahan ko siyang umihi at tinignan ang oras. Mas lalo lang akong nagising nang makitang six twenty eight na!
"Baby, we're going to church." I said.
"We're going to church! we're gonna praise God!" Excited na sabi ni Mich.
"Yes, baby." Ako.
"Where Tita? In Sison or Rosario?" Mich ask.
"In Pozorobio." I answer.
"Where is that, Tita?" Mich asked curiously.
"Dun mag-pre-preach ang Tito Rao mo." Sagot ko.
"Tito Rao is a Pastor too, Tita!" Pagmamalaki ni Mich sa Tito niya.
YOU ARE READING
This Is What I'm Praying For
RomanceMariella P. Mon was a girl who always dream about. She trusted God, she always trusted by God's will. Pero may minsang napasuko siya tama nga ba ang ginawa niya o mali.