"Marie, I have something for you!" masayang sabi ni lola.
Kakarating lang nila. Ito na nga ba ang sinasabi ko! Nakabihis na ako eh! May usapan pa naman kami ni Engineer ngayon na susunduin niya ako sa high way dahil pupunta kami sa Condo niya, ipagluluto niya daw ako at ipagbabake ko naman siya.
"Wow lola! thank you po!" Sabi ko at kinuha ito, iaakyat ko na sana ng nagsalita ulit si lola.
" Fit it Apo, so I can see." Lola said. Wow lola! color red bacona dress, talaga naman oh lola.
No choice ako pumunta nalang akong Restroom para isuot ang dress na binigay ni lola.
"Wow!" bungad ni mommy sa aking nasa kusina, manghang-mangha.
"Mi naman! punta na ho akong sala." Sabi ko.
"Sige anak, sunod ako." Sabi ni Mommy.
"Ohmay! Ang Apo ko!" Sabi ni lola at lumapit sa akin. "Bagay na bagay sayo Apo, pwedi mong pang-graduation." Masayang sabi ni lola.
"Salamat ho, la." Sagot ko nalang.
"Meron pa Apo, ito, at ito pa!" Nagagalak na sabi ni lola.
Lola naman andami dami! Di mo ba napansin may lakad ako lola? I'm gonna meet your future grandson in law. Char.
"Sige po, la." Sabi ko at kinuha nalang ang mga damit na binigay niya at bumalik sa restroom para isukat ang mga damit.
'Where are you?' Chat ni Rao.
'Nasa bahay plang, kakarating nla lola eh, hirap takasan andaming pinapasukat.' Reply ko.
'It's okay. I'll also be late, just for a moment. Take time with your grandparents.' he reply immediately.
'Owkie. Ingat ka Engineer.' papakilala mo pa ako kay mama. Itutuloy ko pa sana kaso, asa naman ako eh friends lang kami.
"Wow! you look so beautiful Apo!" Bungad ni lolo sa akin.
"Lolo naman." suway ko.
"Bagay na bagay sayo!" Sabi ni lola at lumapit sa akin para suklayin ang buhok ko.
"Uh, Excuse me lang po, may pupuntahan pa po kasi ako, pwedi po ba?" Sabi ko sa kanila.
"San punta mo Ija?" Tanong ni lolo.
"Uh, kila Eda lang ho lo," Sabi ko, totoo naman kila Eda ang punta ko ah, sa pinsan nga lang ni Eda hindi sa mismong bahay nila.
"Ah ganun ba ija! sige mag-iingat ka ah." Nagulat ako sa sinabi ni lola dahil sa tuwing umaalis ako minsan ayaw niya akong palabasin.
"Sige po, una na po ako. Pa, Mi, Lo una na ko." Paalam ko sa kanila at tinanguan lang nila ako.
"Saan punta mo?" Bungad ni Manang Rain sa akin na galing lang sa labas.
"Ah, Manang! Kila, Eda lang." Sabi ko.
"Marie anak, itong cookies na binake mo." Habol ni mommy sa akin at daladala ang paper bag na pinaglagyan ko ng cookies.
"Salamat ho, Mi." Sabi ko at humalik sa kaniya. "Una na ako bye!" at agad na pumuntang gate.
"Hatid na kita!" Sabi ni Manang Rain.
"Haanin Manang!" Sabi ko at tumakbo na papuntang highway. ( Huwag na ate)
Naglakad nalang ako ng diko na matanaw ang gate namin. Hinihingal kung tinawagan si Eda.
"Hi sis, good morning!" Bati ko sa kaniya.
"Good morning din sis! anong atin?! may bago kang chika?" Sagot ni Eda. Basta chika ang bilis!
YOU ARE READING
This Is What I'm Praying For
RomanceMariella P. Mon was a girl who always dream about. She trusted God, she always trusted by God's will. Pero may minsang napasuko siya tama nga ba ang ginawa niya o mali.