"Marie, may nagpapabigay sayo ng bulaklak." Sabi ni Penny na bumalik pa dito sa room para lang iabot sa akin ang bulaklak.
"Kanino nanaman galing yan!?" Sigaw ni Micah na ready ng gumala.
Nagkibit balikat nalang ako dahil hindi ko naman talaga alam kung kanino galing. Kinakabahan ako.
"Patingin!" Agaw ni Eda sa akin at binasa ng mga kaibigan ko ang letter.
"Aaahhhhhh!" Nagulat ako ng sabay sabay na nagtilian sila Eda, Jai at Penny.
"Bakit?" Tanong ko.
"Omaygash omaygash! Sana all!" Sigaw ni Eda.
Inagaw ko nalang sa kaniya ang card.
Hi Marie! How's your day? I'm here in front of the gate, waiting. Can I have early dinner with you?
-Engineer RaoGrabe siya ah, simple pero nakakainlove. Mmmmm naman!
"Huy bruha ka! bakit may pabulaklak na!?" Sabi ni Eda sinabunotan pako.
"Sabi ko sainyo eh nililigawan niya na ako, ayaw niyo kasing maniwala." Sabi ko at hinila ang buhok ko.
"Pak! Sanaoil nalang may gwapong Engineer. Una na ako maghahanap lang ako ng akin." Paalam ni Penny at tumakbo palabas.
"Seryoso?" Tanong ni Jai at mahihimigan ang pag-aalala niya.
Tumango nalang ako. "Nalilito nga ako nung sabado eh, kasi sabi niya fifteen daw ako nung nakita niya."
"Marie, guard your heart." Seryosong sabi ni Annie.
"Yeah. Don't worry Pastor din naman siya." Sagot ko, kampanting kampante.
"Even though." Sabi ni Micah na ikinagulat ko.
"Alam naming Pastor siya, pero Marie," Nag-aalalang sabi ni Eda.
"Alam ko naman eh, pero liligawan ba ako ng pinsan mo kung alam niyang mali na ang ginagawa niya?" Tanong ko sa kanila.
"Hindi." Sagot ni Eda at Jai.
"Hayaan niyo na lang." Sabi ni Micah, lumapit siya sa akin para mahawakan ang buhok ko. "Kung saan ka sasaya duon ako. Hashtag support ako sa pinsan ko hindi katulad ng iba dyan."
Tinawanan ko lang si Micah sa huling sinabi niya. "Thank you, Micah." Sabi ko at niyakap siya.
"Oo na nga! may tiwala naman ako kay Rao at mas lalong sayo! Basta sali rin ako sa hug niyo!" Sabi ni Eda at nakisali din sa amin.
"Halika na Annie, sali din tayo!" Sabi ni Jai at hinila si Annie para sumali sa amin.
Nagyayakapan lang kaming limang mag-kakaibigan nang may kumatok mula sa pinto kaya sabay sabay kaming bumaling doon.
"Hoy ikaw! pag-sinaktan mo kaibigan ko, kahit na nililigawan mo palang siya! sabi ko sayo kakalimutan kung mag-pinsan tayo pati pagka-Pastor mo!" Sigaw ni Eda at tinuroturo pa ang taong nasa pinto.
"Eda," Suway ko sa kaniya.
"Una na ako, may shoot pa pala ako. Bye guys enjoy!" Paalam ni Jai at nginitian lang ang pinsan bago lumabas na ng tuluyan.
"Ako rin una na ako mga sis, bye! Rao ikaw na bahala kay Marie." Paalam naman ni Micah.
"Uh, nasa gate na raw yung driver ko, sa bahay kasi ako ngayon uuwi. Eda halika na, sabay ka na sa akin. Una na kami." Sabi ni Annie at hinila si Eda.
"Huh? Sige! Bye guys enjoy kayo ah! Engineer, ikaw na ang bahala sa kaibigan ko! iuwi mo ng maayos yan!" Sigaw-sigaw ni Eda habang hilahila siya ni Annie palabas.
YOU ARE READING
This Is What I'm Praying For
RomanceMariella P. Mon was a girl who always dream about. She trusted God, she always trusted by God's will. Pero may minsang napasuko siya tama nga ba ang ginawa niya o mali.