PROLOGUE

187 15 1
                                    

Prologue

*kring-kring-kring*

=bogshhhhhhhh=

Tangina sa sobrang gulat ko ay nahulog ako sa kama ko, sino kaya ang hinayupak na naglagay ng alarm clock sa gilid ng higaan ko? Tapos sobrang lakas pa, nakakainis naman oh.

Inis kong ginulo ang buhok ko at bumangon. Inayos ko nalang ang aking higaan, bumaba ako at dumiritso sa kusina para maghilamos. Hayop na Pimples to, kilan kaya sila lalayas sa mukha ko? Pero debale cute parin naman ako.

"Hoy Jessica!"

"Ay kabayo, mama naman papatayin mo ba ako sa gulat?" Tanong ko sa kanya at pinadyak ang aking paa.

"Tss. Buti naman at nagising ka kaagad no, may epek din pala ang bagong alarm clock na binili ko sa bayan." Natatawa nyang wika.

"Mama naman eh, inaasar mo talaga ako."

"Hoy ikaw na bata ka alam mo bang ngayon ang enrollment nyo sa college kaya tigilan mo ako sa kangangawa dyan." Saad nya.

Napatakip naman ako sa aking bibig dahil sa gulat.

"Ma anong araw ba ngayon?"

"Lunes, naku Jessica makalimutin ka talaga, hala kumain kana at maligo don, tumawag na yong kaibigan mong si Jake ba yon, dadaanan ka daw nya para sabay kayo." Ani nya.

Haysst naman oh, bakit nakalimutan ko pa na ngayon pala ang enrollment? Jusko naman Jessica, makakalimutin kana talaga.

Mabilis akong kumain at naligo narin, naglagay lang ng kunting pulbo at light lang na liptint.

I'm Jessica Dela Cruz, 18 and I'm single but ready to mingle charot, pero totoo pagbigyan nyo na ako, maganda naman ako eh.

MY SECRET CRUSH AND I (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon