Jessica POV
"Nak may bisita ka." naalimpungatan ako dahil sa katok ni mama sa pinto ng kwarto ko.
"Ma naman araw kaya ng sabado ngayon, eh sino naman bibisita sakin ng ganito kaaga?" inaantok kong tanong sa kanya.
Tinatamad pa nga akong bumangon eh.
"Ate Jessica gising kana po may lakad tayo nina kuya." dali-dali akong bumangon na dahilan para mahulog ako sa kama. Mahina naman akong napadaing. Yowo sa pagkagulat ko to eh huhu. Ang sakit tuloy ng pwet ko buti nalang at nasama ang kumot kaya hindi kumabong ng malakas. Bumangon na ako at inayos ang higaan ko. Naku! Ano kaya ang ginagawa ng magkapatid na to dito?
"Saglit lang maliligo lang ako saka magbibihis narin." saad ko.
Naku, nakakahiya naman to Me God.
Dali-dali akong tumungo sa bango at naligo, pagkatapos ay nagbihis at suklay narin. Halos ipaligo ko sa katawan ko ang pabango bago lumabas sa kwarto ko. Syimpre para sa pang-amoy ni baby John Mar ko ay kaakit-akit ako. Hayop hindi talaga bagay sa akin ang pagiging malandi.
"Jessica halikana dito."
Hayp talaga itong nanay ko basta-basta nalang akong hinihila eh. Babati na sana ako don sa dalawa.
"Ma naman ano ba kailangan mo sakin? Naku mag-gogood morning na sana ako kaso hinila mo naman ako."
"Teka nak sya yong nagbigay sayo nang bulaklak?" matalas talaga ang memorya ni mama.
"Oo sya yon." kinikilig ko naman syang sinagot, napadaing ako ng bigla nyang hinampas ang balikat ko.
"Nak ang gwapo naman nya, pero pamilyar ang mukha nya. Naku sya ata ang lalaking laging kumakain sa restaurant natin," hala lagi talaga syang pumupunta don? Pero di ko man lang sya napansin ah. Baka di ko naaabutan. "Pero mukhang makacrushback ka ata anak."
"Naku ma pinapaasa mo na naman ako eh. Ma mahirap ng umasa masakit yon diba? Halikana nga nag-aantay na sila oh, baka nagtataka na yon Kong bakit ang tagal natin?" hinila ko sya palabas, agad ko namang inayos ang mukha ko at kumaway sa dalawa. OMG ang gwapo talaga ni John Mar, nakasuot lang naman ito ng white V-neck na damit habang nakaitim na fitted na pantalon, white din ang shoes nito tatak Fila.
"OMO ate ang bago mo naman." sabay singgit sakin ni Jane, "kuya subokan mong amoyin si Ate, ang bango nya." bigla namang uminit ang pisnge ko sa sinabi ni Jane. Naku di ko carry masyadong heavy char haha.
"Ahaha, tigilan mo yan Jane, pasensya na po kayo sa sinabi ng kapatid ko Ma'am----"
"Naku tita na pero pwede ding mama nalang." panikreto ko namang tinapik si mama, jusko po mas malandi pa sakin nanay ko eh huhu.
"Haha di ko akalain na mapagbero din pala ang nanay mo Jessica, sige po tita nalang hehe." pakamot ulo nyang saad. Ang cute nya tuloy tingnan.
"Bakit pala kayo pumunta dito?" tanong ko.
"Magpapaalam lang sana kami sa mama mo kong pwede kang isama sa lakad namin?" yiehhhh date ba to? Ehehe ang swerte ko naman. Ayy nakalimutan ko kasama pala namin si Jane kaya hindi matatawag na date yon huhuhu.
"Naku pwedeng-pwede, kong pwede nga eh wag mo ng ibalik yan." hayop, ang lakas naman ng trip sakin ni mama mabuti nalang nasalo ako ni John Mar dahil tinulak nya ako ng sobrang lakas.
Wait nasalo ako ni John Mar? Oh my gulay dahan-dahang umangat ang ulo ko at sinalubong naman ako ng gulat na mukha ni John Mar.
"Bagay sila no? Agree ka ba don tita?" dinig Kong saad ni Jane kaya mas lalong uminit ang pisnge ko.
"Oo bagay na bagay." gatol pa ng nanay ko.
Dali-dali akong tumayo ng tuwid at sinabayan ko pa ng pagtighim.
"Sige po tita, maraming salamat po. Halika na." aya nya sakin, nagulat naman ako dahil sa pagsukbit ng kamay ni Jane sa Braso ko.
"Yiehhhh makakalabas din tayo kasama si ate Jesica." masiglang usal nito.
"Tss. Jane umayos ka ah, naku."
"Sus, ayaw mo lang akong isama eh. Alam mo ba ate yang si kuya sya lang sana ang pupunta dito kaso dahil kontribida ako syimpre gusto ko ring sumama." nakanguso nyang balita sakin. Ang cute ng kapatid nya, mukha syang girl version ni John Mar.
"Arg, Jane tumahimik ka nga kahit kaylan ka talaga napakatabil ng bunganga mo, ni hindi man lang yan madapuan ng langaw."
"Wahaha, ang ibig sabihin nyan kuya nahihiya ka lang kay ate." pang-aasar ng nakakabatang kapatid nito sa kuya nya.
"Arg, ikaw talaga! Tumigil ka na nga!"
"Ohh bat ako ang pinapatigil mo eh ikaw naman nauna dyan?" hanggang sa pagpasok namin sa kotse ay ayaw parin sila magpapatalo sa isa't-isa.
Ang cute tuloy nilang tingnan, pero mas cute si John Mar kapag naasar, sumasalobong talaga ang kilay nya, tapos ang tenga ay namumula.
~JD
(Vote, comment, and follow po)
BINABASA MO ANG
MY SECRET CRUSH AND I (Complete)
Romanceunang kita ko palang sa kanya inlabo agad ako~ kasabihan ni Jessica Start: May 31, 2021 Done: ?