Jessica POV
Patalon-talon akong pumasok sa bahay di ko nakita yong Jake na yon ah, ni Hindi man lang ako inintay deputa. Pero ano kaya ang ginawa ng hinayupak na yon? Nagmamadali talaga eh, tapos sa sobrang madali hindi na ako naalala na ihatid sa bahay hayop. Kawawa ako, buti nalang may pera akong dala para makasakay sa tricycle.
Pero pasalamat nalang sya dahil maganda ang araw ko. Dumiritso agad ako ng kusina para ilagay ang dalawang yakult at coke na binigay ni John Mar ehe. Syimpre keep ko muna yon bigay ni kwas eh.
"Oh nakangiti ka na naman."
"Hi mama." Masiglang bati ko sa kanya.
"Aba madalas na ata ang pagngiti mo ng ganyan ah, may nangyare ba? Oh may bago ka na bang nobyo?"
"Huh? Wala ah hehe."
"Sus, eh kilan ka ulit magnonobyo at ipapakilala sakin?" Exited talaga nitong nanay ko.
"Kapag naging kami ni crush ko ma." Masigla Kong saad at umakyat na sa taas.
"Aba, siguradohin mo lang." Natawa naman ako dahil sa sinabi nya. How I wish na maging kami ehe.
Umakyat ako para magbihis, haysss nakakapagod.
Jake POV
"Gagabi na Jake kailangan ko ng umuwi." Ani ni Dianna.
Inaya ko kasi syang lumabas, ito na talaga wala ng atrasan to. Huminga ako ng malalim bago humarap sa kanya, nagulat pa sya dahil sa biglaang paghawak ko sa kanyang balikat.
"Hoy a-anong ginagawa mo?" Takang tanong nya.
"Ahm Dianna, matagal ko na talagang pinag-iisipan to." Lumunok muna ako ng dalawang beses at tiningnan sya ng diritso. "Pwede ba akong manligaw?" Napakagat labi pa ako matapos kong sabihin yon. Nyeta ganito pala umamin? First time Kong umamin sa babae
"H-huh?"
"Alam kong nabigla kita pasensya na hehe, okay lang naman Kong di mo agad sagutin ang tanong kong yon hehe." Pakamot batok Kong saad.
"Pwede bang pakiulit Yong tanong mo kanina baka kasi nabingi lang ako." Wika nya. Parang dinapuan na ako ng hiya.
"A-ahm, pwede bang manligaw?" Pag-uulit ko at umiwas ng tingin, nahihiya talaga ako.
"Hindi nga ako nabibingi teka penge tubig." Agad ko namang inabot sa kanya ang tubig okay lang kaya sya? Baka mafriend zone ako nito naku naman.
"Nabigla nga kita sorry." Aniya ko.
"Jake." Ito na mababusted na ako. Hayp paniguradong pagtatawanan ako ni Jessica pagnangyare yon. "Pwede ka namang manligaw sakin, akala ko talaga si Jessica ang gusto mo kaya nawawalan na ako ng pag-asa. Hindi ko alam Kong anong sasabihin ko ang saya ko ngayon." Saad nya kaya naman ay Hindi ko napigilang mapangiti. Taena ang saya ko, sobrang saya ko. Thank you Lord.
Brent POV
Ano kayang kailangan ni mommy saka daddy sakin. Pagod na nga ako tapos pinapalabas pa ako ng kwarto.
"Buti naman at nandito kana." Agad na bungad sakin ng tatay ko.
"Nak, namiss kita. Halos isang buwan din tayong hindi nagkita." Palihim akong umirap.
"Nga pala may photoshoot tayo sa America family portrait, yon ang concept kaya kailangan ka naming isama."
"Nag-aaral ako." Mariin Kong turan.
"Pwede naman kitang excuse." Tsk.
"Kahit sandali lang pwede nyo ba akong pakinggan at pahingain?" Saad ko kaya naman ay nakatanggap ako ng isang malutong na sampal.
"Umayos ka Brent, para sa magandang kinabukasan mo naman to. Next week ang alis natin at kailangan mo ng maghanda." Sa akin? Tss. Baka para sa inyo.
Inis akong tumayo at diritsong lumabas ng silid na yon.
"Oh kitam kaya ganyan ang anak mo kasi kinokonsinte mo."
"Hayaan mo nalang muna sya."
Tsk. Parang mabuti pa kong wala sila dito. Kapag nandito naman sila halos patayin naman nila ang katawan ko dahil sa trabaho na yan. Sobrang nakakainis kasi kailangan ko pang tumakas makapagliwaliw lang.
Padabog kong sinara ang pinto at pasalampak na humiga sa kama. Sobrang sama pa ng araw ko dahil kanina tas dumagdag pa to. Ang lakas ng loob nya para hawakan si Jessica.
Hay pano ako nito makaka amin Kay Jessica kong next week eh pupunta na ako ng America. Sobrang tagal na sa akin ang 1 week na yon. Nakakainis naman, paniguradong malayang makakascore si John Mar habang wala ako dito.
"T*ng*nang buhay to oh, sobrang nakakainis."
Gusto ko lang naman maging malaya, gusto ko lang naman maranasan ang buhay na ordenaryo lang. Ngina naman bakit pa ako napasok sa ganitong buhay?
~JD
(Vote, comment, and follow)
BINABASA MO ANG
MY SECRET CRUSH AND I (Complete)
Romanceunang kita ko palang sa kanya inlabo agad ako~ kasabihan ni Jessica Start: May 31, 2021 Done: ?