Jake POV
Hay sa wakas nandito narin ako sa bahay, hinatid ko lang kasi yong bruha. Buti nalang at kotse yong dinala ko sa dami ba naman ng pinamili nya. Ngina kulang nalang ay pati yong buong mall ay hakutin nya tss. Pero dibale nalibre naman ng ilang peraso ng short saka damit, dagdag mo pa ang relo. Oo na mabait na sya sa lagay na yon wahaha.
"Oh mabuti at nandito kana, tamang-tama at may pupuntahan kami." Saad ni papa na nag-aayos ng kanyang kurbata.
"May business trip kayo?" Tanong ko.
"Oo eh, at importante talagang puntahan baka bukas ng gabi ay balik na namin. Ikaw na muna ang bahala sa bahay." Mama talaga, nagmumukha tuloy na wala syang tiwala sakin. Tss.
"Mama don't worry hindi naman maglalakad yong bahay." Natatawa kong saad, naramdaman ko nalang ang matigas na bagay na tumama sa ulo ko.
"Ikaw talagang bata ka kahit kaylan ka talaga, puro kalokohan lang alam mo." Mama.
Hayop ang sakit naman.
"Jake umayos ka ah, ge alis na kami. Mag-ingat ka nalang dito." Saad nya.
"Oo na." Sinundan ko nalang sila ng tingin.
Mabuti pa eh manood nalang ako ng anime, total tapos narin naman ang mga gawain ko sa school, mamaya nalang din ako kakain. Napadami kasi nakain ko kanina nyahaha. Libre eh kaya sakit na dapat.
Brent POV
"Brent kailangan totoong ngiti ang ipakita mo halata kasing walang kabuhay-buhay ang iyong mata." Saad ng photographer ko. Hayop naman, kanina pa sya reklamo ng reklamo.
Sinubukan kong ngumiti ng totoo, kailangan ko syang sundin para matapos na to.
"Okay... 1 2 3." Sabay flash at click ng camera.
Agad kong tinulak ang babaeng kapartner ko, daig pa nya ang linta kong makakapit. Kulang nalang pati hinaharap nya eh idikit sakin. Tss.
"Siguro naman ay tapos na, pagod na ako kailangan ng magpahinga." Saad ko.
"Pahinga lang at hindi kapa pwedeng umuwi." Wika ng photographer.
Itong lalaki talaga ay nakakataas ng dugo.
"Sarili ko to, kaya ako ang masusunod." Sabay talikod ko sa kanya.
Narinig ko pa ang pagtawag nya sa akin at dahil matigas ako sa kanya hindi na ako nag-abala na lumingon pa sa lahat ng pwedeng kunin ni mommy ay yon pang matandang iyon, kulang nalang eh talian nya ako sa leeg at parang manikang susunod sa kanya.
Alam ko naman na hindi nya magawang iwan ako, malaking kawalan sa kanya kapag iniwan nya ako. Sa akin lang sya umaasa para makakuha ng maraming pera. Pero parang masaya kong ako mismo ang aalis sa puder nya, kaso nga lang sakin pala nakasalalay ang kompaya ng mga magulang ko tss.
Mabilis akong sumakay ng kotse at pinaandar agad, mabuti pa eh punta nalang ako ng mall para naman ay makapagrelax ako. Mamayang gabi nalang ako babawi sa tulog. Mabilis akong nakarating sa patutunguhan ko. Nagsuot ako ng mask na kulay itim at sumbrero bago lumabas sa kotse mahirap na, baka pagkaguluhan naman ako ng mga fans ko hayssss. Ang hirap pa naman tumakas.
Agad na huminto ang aking paligid ng makita ang babaeng nagpapatibok ng aking puso.
(Tara na Jake, wag ka na ngang mag-inarte dyan.) Hila nya sa boybest nya. Nagslowmo pa ang pagdaan nya sa harap ko pati narin ang paglipad ng maganda nyang buhok.
Ang lakas talaga ng tama ko sa kanya, hindi naman masama kong sundan ko sya diba? Hehe ang gwapo ko namang stalker.
Sinundan ko lang sila kahit saan man pumunta, buti nalang eh hindi ako nahahalata. Minsan din ay natatawa ako dahil sa pinanggagagawa nya sa kay Jake, kinakawawa na nya si Jake. Parang gusto ko tuloy tulongan pero baka magtaka sya, tapos nakakahiya din.
Hanggang sa Restaurant ay sinundan ko sila, syimpre nasa gilid lang nila ako. Nag-order ako ng rice at fried chicken narin.
At dahil paborito ko ang apple ay apple juice ang tinuro kong drinks, tiningnan ko muna sya ng ilang minuto habang nag-aantay sa mga order ko.
Ng tumayo na sila dali-dali kong tinapos ang pagkain ko at sinundan na naman sila, kaya ngayon alam ko na ang bahay nila. Ang swerte ko naman ata, ang saya.
JD~
(Vote, comment, and follow)
BINABASA MO ANG
MY SECRET CRUSH AND I (Complete)
Romanceunang kita ko palang sa kanya inlabo agad ako~ kasabihan ni Jessica Start: May 31, 2021 Done: ?