Jessica POV
Napaunat ako ng matapos kong linisan ang buong library. Nyemas nakakapagod. Halos dalawang oras din akong nandito, hayp vacant kasi namin. Umupo ako sa sulok para punasan ang mga pawis na namumuo sa noo ko.
"Iha tapos kana ba?" nakangiting tanong sakin ng nagbabantay sa library.
"Ah opo hehe." saad ko sabay tayo.
"Magpahinga ka muna." tumango nalang ako at umupo sa isang sulok. Mabuti nalang eh mabait ang nakatokang guro dito. At dahil ito ang pinakamaalikabok at pinakamalaki na lugar ito ang unang binigay samin. Well kasama ko ang tatlo pero ang tahimik nila. Tss. Sila lang naman ang pinapatapon ko ng mga basura, sumusunod naman sila eh at kahit isang reklamo ay wala akong narinig sa kanila.
"Oh jessica buti nahanap kita."
"Brent ikaw pala." saad ko. Sinulyapan ko ng tingin yonh tatlong bruha. Aba halos pasukan ng langaw ang mga bibig nila tapos yong kamay nila eh nakadaop pa. Hahayss, masyado na ata silang baliw kay Brent.
"Dinalhan kita ng pagkain, recess na kasi alam kong gutom kana."
"Aba huh, ang galing naman. Nice Brent salamat." ani ko at iniilapag sa mesa ang dala nyang cup cake at soft drink. Maghahanap pa sana ako ng yakult pero ang kapal naman ata ng mukha ko non, nilibre na nga ako at sya pa mismo ang dala dito eh magdedemand pa ako.
"Naman, basta ikaw." saad nya sabay kindat. Kong ang tatlo siguro ang ginawan nya non baka may dinala na sa clinic.
"Haha."
"Una na ako ah, may gagawin pa kasi ako." saad nya at kumaway.
"Hay salamat makakain na rin sa wakas." susubo na sana ako ng may dumiing malamig na bagay sa pisnge ko.
"Fre kulang ng yakult." si Jake lang pala.
"Aba salamat sa tatlong yakult ah, ng dahil dyan may ilalagay na naman ako sa ref. Mamaya." saad ko.
"Pinabibigay yan ng RN na yon, sa kanya ka magpasalamat." saad nya. Taas kilay ko naman iyong tinanggap. Taenang bestfriend to, wala talaga syang balak na sabihin kong sinong RN yon. "Sige alis na ako ah."
"Teka lang."
"Oh bakit?"
"Wala ka bang dala sakin? Kit candy lang." nagbabasakali kong tanong.
"Wala, wala naman akong dalang pera eh, sige una na ako may gagawin pa ako eh." tss. Sinungaling nasa kamay nga nya yong pitaka eh. As if naman ay magpapacute lang yon kay Dianna. Hahayss yaan ko na nga lang ang importante ay malagyan ng pagkain ang tiyan ko. Kanina pa ako gutom eh.
Binuksan ko na ang yakult at ininom yon, hay nakakarelax talaga. Pero kong sino man ang RN na yan salamat nalang sa kanya kit curious na ako. Hay naku.
"Jessica." muntik na akong mahulog sa upuan ng biglang sumulpot sa harap ko si John Mar. Jusko aatakihin ata ako sa puso dahil don eh.
"I-ikaw pala." nauutal kong saad. Naku nakakahiya dahil nandito din ang tatlong bruha na to, pero bahala na.
"Okay ka lang ba? Namumula ang mukha mo." sabay lapat nang kanyang palad sa noo ko. Mas lalo tuloy uminit ang pisnge ko dahil sa ginawa nyang yon. Naku!
"H-huh? Sa pagod lang siguro to a-alam mo na buong library lininisan namin." pagdadahilan ko, hayp sino ba naman ang hindi mautal kong ganito kalapit ang crush mo. Oo malakas loob ko pero pagdating sa kanya tiklop ako.
"Aww buti naman." lumuwag ang paghinga ko ng lumayo sya ng kunti sakin.
"Bakit ka nandito? May hihiramin ka bang libro?" pagtatanong ko. Sobrang assuming ko naman ata kong iisipin ko na ako ang pinuntahan nya.
"Haha wala, kakamustahin lang sana kita saka dinalhan narin kita ng pagkain, alam kong gutom kana." sabay abot nya sakin ng isang supot. "Cake yan saka coke hehe wag kang mag-alala treat ko na yan sayo."
"H-hala nag-abala kapa." omay, kinikilig ako t*ng*n*. Buti nalang marunong akong magpigil.
Namanhid ang buo kong katawan ng bigla nyang guluhin ang buhok ko sabay ngiti ng sobrang tamis. Masasabi kong totoo talaga ang ngiti na yon kasi umabot yon hanggang mata. Halos hindi nga makagalaw katawan ko eh. Uwahhhh, pabigla bigla naman itong bebeloves ko eh.
"Haha, okay lang basta para sayo, sige una na ako ah." hindi ko na sya napansin pa dahil sa pagkatulala ko.
=okay lang basta para sayo.=
=okay lang basy para sayo.=
"Teka para sakin?" pabulong kong saad. Halos tumili ang aking kaluluwa dahil sa sobrang kilig. T*ng*na huhu, bakit kaya sya ganon?
JD~
(Vote, comment, and Follow)
BINABASA MO ANG
MY SECRET CRUSH AND I (Complete)
Roman d'amourunang kita ko palang sa kanya inlabo agad ako~ kasabihan ni Jessica Start: May 31, 2021 Done: ?