Dianna POV
Hapon na at nagsuggest naman si Jake na sya na ang maghahatid sakin. Sinabi ko naman sa kanya na isabay nalang namin si Jessica kasi kawawa naman kong iiwanan namin sya. Pero hindi Parin ako makapaniwala na nanliligaw na sya sakin. Hindi ko lubos maisip na pariho lang pala kami nang nararamdaman.
Pagkarating namin sa parking lot ay may naabutan kaming isang love triangle na scenario. Naku! Si Brent tapos yong isang lalaki eh pinapagitnaan nila si Jessica.
"Oh ano ganap?" sabat ni Jake dahilan para napalingon samin ang tatlo.
"A-ah e-eh." nauutal na saad ni Jessica.
"Ako na maghahatid Kay Jessica." pagprepresenta ni Brent.
"Ako na." saad naman nong isang lalaki.
Palipat-lipat ang tingin namin sa dalawa, kong sa tiningnan ko eh ayaw talaga magpatalo ang bawat isa sa kanila.
"Hoy stop!" nakataas ang dalawang kamay ni Jessica sa ere. Sumunod naman yong dalawa sa kanya na para bang maaamong Leon. "Ang gulo ninyong dalawa naku." saad pa nito.
"Sorry." nagmukha tuloy ang dalawa na maaamong tuta.
"Brent sorry ah pero kailangan kong sumabay kay John Mar. May kukunin pa kasi kami eh, tapos may dadaanan din hehe." pansin ko ang palulumo ni Brent sa sinabi ni Jessica.
"Ah ganon ba."
"Oo pasensya kana baka next time ikaw naman maghahatid sakin hehe."
"Sige game." Kahit anong pilit ni Brent eh alam kong nalulungkot sya sa kalooban.
"Anong ginagawa natin dito sa harap nila?" bulong na tanong sakin ni Jake."Aba malay ko dapat nga eh kanina pa tayo umalis." saad ko. Nagmumukha na kasi kaming ingot na para bang nanonood ng teleserye.
"Anong binubulong-bulong nyong dalawa." Mabuti naman at napansin na nila kami.
"Ah wala, sige Jessica mauna na kami sa inyo ah may maghahatid na pala sayo hehe. John Mar ikaw na ang BAHALA sa kanya ingatan mo yan." Nanliligaw kaya sya kay Jessica?
"Sige Jake salamat sa pagtitiwala."
"No prob. Tara na Dianna baka kasi pagalitan ako ng nanny mo kapag nagabihan ka ng uwi."
Tumango nalang ako sa kanya, lumingon muna ako Kay Jessica at kumaway. Habang nginitian ko naman si John Mar at Brent.
Nakasunod lang ako kay Jake ng may lalaki namang humarang samin.
"Oh ikaw pala."
"Ahm hehe." tinanggal nito ang sumbrero nyang suot kaya bumagsak ang buhok nito sa kanyang noo.
"Bakit may ipapabigay kaba sa kanya?" napataas kilay ako dahil sa tanong ni Jake rito.
Ibig sabihin ang lalaking ito ay si RN naku ang daming lalaking nabihag ni Jessica, hindi na ako magtataka dahil maganda naman talaga sya.
"Wala, pakisabi nalang sa kanya na pumunta sya sa rooftop makikipag kita na ako sa kanya, nais kong makipag-ayos sa kanya, kit alam kong malabo na." aniya nito, napansin ko ang panunubig ng mata nito. Mas malalang drama na naman ata ang masasaksihan ko ngayon. May iyakan na. Shut ano na naman itong iniisip ko huhu?
Pinatong ni Jake ang kamay nya sa kabilang balikat ni RN.
"Alam mo naman kong bakit nakipaghiwalay si Jessica dati, kaya Kong ano man ang maging desisyon nya wag mo na syang pilitin pa." Ibig sabihin ex to ni Jessica.
"Oo sige, mabuti na rin ang handa hehe." Pakamot ulo nyang saad.
"Una na kami ah, dumidilim pa kailangan ko nang ihatid itong nililigawan ko eh."
Matipid akong ngumiti ng tumingin sya sakin.
"Aba ang ganda naman nito, congrats ah."
"Naku wala yon. Sayo din good luck." tinapik nya nalang ito at hinawakan ang kamay ko na ikinakilig ko.
"Ex ba yon ni Jessica?" Pagtatanong ko kay Jake.
"Ah oo gusto nyang makipagbalikan sa kaibigan ko pero sa nakikita ko parang wala na syang pag-asa pa." Saad nya.
"Naku, bakit ano ba ang dahilan ng break up nilang dalawa?"
"Napakasaklap nang nangyare eh. Anniversary nilang dalawa non tapos itong si Jessica dinala ako para nga isorpresa sya pero pagkarating namin don hindi namin inaasahan na iyon ang aming makikita. May hinalikan syang babae at sabay sabing I love you. Haysss napaka chick boy kasi ng hinayupak na yon eh. Kaya yon ang dahilan ng break up nila." pagtatapos nya ng kwento. "Wear this, ihahatid na kita dumidilim na." tumango nalang ako at tinanggap ang helmet.
Kawawa naman pala si Jessica, paniguradong hindi nya pa nakakalimutan ang mokong na yon at pati na rin ang mga ginawa nya.
Saka Malabo na talaga na makipagbalikan sa kanya si Jessica, para kasing may napupusuan na ito, di ko lang matukoy kong sino sa dalawang iyon.
JD~
(Vote, comment, and follow)
BINABASA MO ANG
MY SECRET CRUSH AND I (Complete)
Romanceunang kita ko palang sa kanya inlabo agad ako~ kasabihan ni Jessica Start: May 31, 2021 Done: ?