Jessica POV
Tudo paypay ako sa sarili ko, ang haba kasi ng pila tapos ang init din.
"Ang init hayop." Reklamo ni Jake.
"Shh, tumahimik ka nga dyan, kanina kapa reklamo ng reklamo eh." Saway ko sa kanya.
Nakakahiya sya kasama promise, kanina pa sya ngawa ng ngawa kaya naman ay pinagtitinginan na kami ng studyante.
"Eh ang init eh." Irap nya hayp yan nagmumukha tuloy syang bakla.
"Pwede ka namang magreklamo sa isip Jusko." Mahina kong usal.
"Yaan nyo sila tumingin sakin pogi naman ako eh." Muntik na akong masuka dahil sa sinabi nya.
"Pogi? Asan kaya banda yong pogi noh?" Asar ko sa kanya.
"Kahit kaylan wala kang support sakin." Parang nagtatampo nyang saad pero hindi ko na pinansin pa.
Natapos lanv ang pilahan naming dalawa na puro reklamo lang naman ang naririnig ko galing sa kanya. Gusto ko ngang sabihin sa kanya na =wag kana kayang mag-aral.=
"Hay sa wakas natapos narin, o san tayo?" Pagtatanong nya sakin. Sya ang may hawak ng payong ko, kaya naman ang mga studyanty na nakakasalubong namin ay panay lingon at titig samin, tapos nagsasabi na =sana all may jowa.=
Ewww yuck, like duhh ito jowa ko tss. Best friend ko lang to at never kong magiging bf, best friend lang oo. Mga tao nga naman ngayon porke magkasama jowa na agad. Patayin ko sila eh.
Makahanap nga nang bagong kwas, para may idagdag naman ako sa listahan ko, saka para di naman boring yong college life ko, kalerkey kaya.
"Kakain syimpre."
"Tamang-tama, gutom na rin ako eh, tara sa Jollibee tayo." Aya nya kaya naman ay may nabuong kalokohan sa isip ko. "Jec, nakakatakot naman ata yang ngiti mong iyan."
"Libre mo ko total ikaw naman nag-aya eh."
"Jec naman eh!" LT yong mukha nya.
"Tss, bala ka dyan Jake kapag hindi mo ko ilibre hindi na ako sasama sa mga kalokohan mo wahaha." Pananakot ko sa kanya, pangblock mail ko lang, alam ko namang kulang ang araw nya kapag di ako kasama sa kalokohan nya, saka hindi nya ako matitiis duhhh.
At ito na nga ako nakaupo habang iniintay sya, nyehehe. Paniguradong mabubusog na naman ako dahil sa libre nya, hay ang sarap talaga sa pakiramdam kapag libre.
"Miss." Tawag sakin ng kong sino kaya naman ay napalingon ako sa kanya.
Para bang nagliwanag ang aking paligid dahil sa kanyang mga ngiti at malaanghel nyang mukha. Ito na ba ang pinadalang anghel ng langit sa akin. Ehe! Ang swerte ko naman ata hehe.
"Y-yes?" Bweset na bunganga to nautal pa nga.
"Pwedeng makiupo dito? Ito nalang kasi ang bakante eh." Nakangiti nya paring saad, close-up kaya gamit nyang toothpaste ang puti nang ngipin nya.
"S-sure." Nauutal parin ako, tangina self umayos ka.
"Peri may kasama ka ata-----"
"Don nalang sya sa kaharap nating upuan h-hehe." Ngina masyado ata akong halata.
"Aww, haha thanks." Aniya nya at inilapag na ang foods sa mesa. Parang ayaw kong alisin ang paningin ko sa kanya.
At dahil pinilit kong pakalmahin ang aking sarili ay, hindi ako nagmukhang tanga sa paningin nya.
"Maya-maya ay dumating narin si Jake kasunod ng mga waiter, tinanong pa nya ako gamit ng mata kong sino daw tong katabi ko?
"Ahh haha makikisalo satin kasi wala ng upuan."
"Pre makisalo lang ah, nga pala I'm John Mar Bergarette, 2nd year college. At sa tingin ko ay freshmen pa kayo." Bakit sakin di ka nagpakilala babay? Hayop landi ko.
"Jake Brent Samonte." At nagkamayan na sila, lumingon naman sakin si John Mar My baby tapos inabot ang kanyang kamay. Ohhh it's My turn to hold hes hand uwah!!!
"You?"
"Je-jessica Dela Cruz."
"Nice name."
Wag kang ngumiti ng ganyan mahihimatay ako ng wala sa oras.
"Hay naku may nahulog ata sa kisami." Dinig kong bulong ng bweset kong kaibigan kaya naman ay ginawaran ko sya ng masamang tingin.
Nahalata na naman ako ng boybest ko, malamang sa tagal ba naman naming magkasama eh alam na alam na nya galaw ko.
Kumain na kami kasama tong si John Mar, pati nga pagkain ko eh dalagang pilipina. Ang hirap gumalaw juskoh huhu.
Tapos itong isa panay pahalata, laglagan ang puta, ang sama talaga ng ugali ng gago.
"Sige salamat nag-enjoy ako na makasama kayong kumain, sana ay magkita tayo sa Campus." Sabay kindat nya sakin. Pakiramdam ko umiinit na ang pisnge ko huhu. "Sige mauna na ako sa inyo, kinagagalak ko kayong makilala." Saad nya at kumaway na. Syimpre kinawayan ko din sya pabalik.
"Hanggang sa muli aking mahal." Sambit ko, muntik na akong masubsob dahil sa malakas na batok na iginawad ng hayop kong boybest ngina wala talagang suporta.
JD~
(Vote, comment, and follow)
BINABASA MO ANG
MY SECRET CRUSH AND I (Complete)
Romanceunang kita ko palang sa kanya inlabo agad ako~ kasabihan ni Jessica Start: May 31, 2021 Done: ?