CHAPTER 25

15 5 0
                                    

Jessica POV

Ang daming nangyare ngayong araw hindi ko akalain na may tinatago palang pagtingin si Brent para sakin. Kahit na sabihin man niyang okay lang sya, alam ko naman na nasaktan ko sya.

Naku naman, ano kayang nakit nya sakin? Haysss. Pero sana ay makakita sya ng babaeng gugustohin din sya pabalik. Pero pano nya nalaman na may napupusoan na ako at alam ko na si John Mar ang tinutukoy nya. Masyado na ba akong halata?

Baka naman pati si John Mar ay nakahalata narin. Tapos iiwasan na nya ako, tapos wahhhh ayaw kong mabroken huhu. Teka naging kami ba para mabroke, ah basta masasaktan parin ako.

"Hoy Jessica!"

"Ay tipaklong!!!" napalundag pa ako nyan dahil sa gulat.

"Ano bang iniisip mo dyan? Kanina kapa tulala tapos mama't- maya pa eh umiiling ka." nakalimutan ko palang nandito sila sa bahay, kasama nya kasi si Dianna. Sana all sa kanila.

"Wala." irap ko sa kanya.

"Wala daw, nga pala rinig ko eh si Brent ay pupunta na daw ng America, at doon na nya ipagpapatuloy ang kanyang pag-aaral." dali talagang kumalat ng balita, sino kayang chismosa ang nagkalat nyan.

"Hala! Totoo? Bakit?" tanong naman ni Dianna.

Hindi ko alam kong dahil ba sakin ang biglaang pagdesisyo nya. Hay naku.

"Yon din ang di ko alam. Ito pala, hoy Jessica alam mo ba ang dahilan magkaibigan kayo diba?" hayop talaga tong Jake na to eh.

"Aba malay ko basta sabi nya lang sakin ay pupunta daw sya ng America para mag-aral." kong sabihin ko naman sa kanila na umamin si Brent sakin paniguradong aasarin nila ako.

"Nakakalungkot naman wala ng manlilibre satin."

"Aba Jake, don kapa talaga nalungkot eh noh?" natatawang samo ni Dianna, baliw talaga eh.

"Eh kasi ng dahil sa kanya nakatipid ako, sa sobrang takaw ba naman ni Jessica eh, laging ubos pera ko sa kanya."

Naningkit ang mata kong tumingin sa kanya."

"Eh di wow, makasabi ng takaw parang hindi patay gutom sa bahay ah."

"Ganon din sya sa bahay Jes, kulang nalang pati rice cooker kainin nya." natawa naman ako sa sinabi nya.

"Shhh, ka lang naku nakakahiya." namumula ang tenga nya habang nakatakip pa sa mukha nya ang kanyang kamay.

"Hindi ko akalain na may hiya ka pala Jake."

"Tss. Kinakawawa nyo na ako ah." sabay irap nya samin ni Dianna, kaya napahagikhik ako.

"Kong ako sayo Dianna 10 years mo pang sagutin yan."

"Haha pinag-iisipan ko na nga." agad namang lumukot ang mukhani Jake, ang sama ng tingin nya sakin na para bang ako ang sinisisi nya.








John Mar POV

"Oh kuya John Mar, nasisiraan kana ba ng bait? Kanina kapa kasi ngiti ng ngiti na para kang asong nauulol." puna ng kapatid ko sakin. Agad naman akong napatingin at tiningnan sya ng masama.

"Tss. Di ako aso."

"Dog lang." masyado na talagang mapang-asar itong kapatid ko. "Kuya sa ngiti mo bang iyan eh nakamit mo na ang matamis na oo ni ate Jessica?" ginawaran pa nya pa ako ng matamis na ngiti habang parang tanga na nag-aantay sa sagot ko.

"Hindi." napairap naman sya sakin.

"Akala ko eh sinagot na di pa pala, pero sa bagay hindi ka pa pala umaamin ng nararamdam mo sa kanya, naku napakahina mong nilalang." parang ako pa ang nagmumukhang nakakabatang kapatid dahil sa sermon nyang iyon. "Kong ako sayo kuya umamin kana, ang ganda pa naman ni Ate Jessica, hindi na ako magkailang marami ding naghahangad na jowain sya, kahit ako din kong lalaki lang ako, niligawan ko na sy-----"

"Tumahimik kana nga, napakaingay mo." sabay pasak ko ng cheaps sa bunganga nya.

"Tss. Angs chabihin mo nahihiya ka lang talaga."

"Shh gabi na natutulog na ang mga butiki sa kisame." hay naku, mama at papa sa inyo at nagmana ang anak nyong napakaingat.

"Wala akong paki sa butiki." di ko nalang sya pinansin.

Pero ang saya ko dahil wala na akong kaagaw kay Jessica. Gusto kong umamin sa kanya, pero hindi ko alam kong pano pa. Haysss masyadong na talagang malala ang pagkatorpe ko.

Pasalamat nalang ako dahil mas lumakas ang loob ko ngayon, pero masyado naman atang biglaan ang padesisyon nyang iyon. Ngayon ko lang nalaman na nagpaubaya sya at hindi pinaglaban ang taong gusto nya. Haysss bakit pinoproblema ko pa yon? Naku!

  Hmnn, bukas susundin ko sa bahay nila si Jessica para naman eh sabay kaming pumasok. Ang galing ko talagang mag-isip, pinaubaya sya sakin ni Brent kaya aalagaan ko sya.

JD~

(Vote, comment, and follow)

MY SECRET CRUSH AND I (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon