Ramdam ko ang init na tumama sa mukha ko, kaya naman ay napahikab ako at napaunat ng wala sa oras. Ang sarap ng gising ko idagdag nyo pa dahil first day ngayon yiehhh. Sana naman ay makita ko ulit ang crush kong si John Mar My loves.
"Good morning!"
"Putangina Jake pano ka nakapasok dito?" Tanong ko sa kanya sabay takip ng kumot sa katawan ko ngina wala akong Bra, bweset na lalaki to eh.
"Haha, syimpre dahil sa mama mo, alam mo naman malakas ako sa nanay mo eh." At malakas din ako sa nanay at tatay nya tss. Tiniklop nya ang libro habang nakangising nakatingin sakin.
"Asus! Alam ko naman na sinisilip mo lang ang anak ni Aleng Doring eh." Agad nya naman akong sinamaan ng tingin. Nyahaha, gago kasi to pag dating kay Dianna, biglang nagiging tanga. "Tss, labas maliligo muna ako, antayin mo ko sa baba." Pagtataboy ko sa kanya.
"Bilisan mo gumalaw."
"Ang aga mo nga eh, alam ko naman na si Dianna lang gusto mong makit--- awww..." Hayop binato ako ng unan, sapol talaga ako sa mukha.
"Tahimik!!! Ligo kana!" Singhal nya at lumabas na sa kwarto ko, napaka ano talaga hayssss.
Nyahaha asar ang puta, palibhasa baliw, baliw na baliw kay Dianna.
Jake POV
Tss, nakakaasar talaga itong si Jessica, bistado talaga ako ng hinayupak na yon. Kainis!!! Nagbasa nalang ako ng libro habang nag-aantay sa kanya, ang tagal pa namang gumalaw ang babaeng yon.
"Aling Jana." Utomatikong umikot ang ulo ko pagkarinig sa boses na yon, pamilyar kasi at hindi nga ako nagkamali.
Ang mga ngiti nya sa labi at singkit nyang mga mata ay mas lalong nagbibigay ng mabilis ng pagtibok ng aking puso. Ang ganda nya talaga.
"Oh, Jake nandito ka pala." Muntik na akong mahulog sa upuan dahil sa biglang pagtawag nya sakin.
Oh Gosh, sana mabuhay pa ako ng matagal.
"G-good morning." Bati ko sa kanya at dahil sa kaba ko ay nautal pa ako.
"Good morning din, nandyan ba si aling Jana?" Pagtatanong nya.
Sasagot na sana ako ng biglang lumabas ang kaibigan ko, nagmumukha naman syang tanga dahil sa ngisi at pagtaas baba ng dalawa nyang kilay inaasar na naman nya ako.
Alam ko naman yon dahil sa mga galaw nya tss, kinware ay tinuon ko nalang ang tingin ko sa libro pero syimpre ang totoo ay makikinig ako sa kanila. Alam nyo kasi kay gandang pakinggan ang tinig nya.
Jessica POV
Tss. Pakinware pa itong si Jake eh alam ko namang tsismoso sya. Haysss. Torpe.
"Magandang umaga, narinig ko na hinahanap mo si Mama."
"Ah oo, nais ko lang sana na ibigay itong pinabibigay sa kanya ni mommy regalo daw yan." Sana all may regalo, mag best friend kasi yong nanay ko at nanay nya. "Pero ikaw nalang ang magbigay sa kanya ehehe." Kinuha ko nalang ang inabot nya sakin.
"Hehe salamat."
"Ay pala sibat na ako, good luck nalang satin sa First day."
"Oo sayo din, see you nalang sa Campus." Tumango nalang ako at kumaway.
Pagkalabas nya ng gate ay pumunta na ako sa sofa at inilapag ang binigay ni Dianna sa maliit na table.
"Ano maganda parin sya noh?" Tanong ko kay Jake na binaba ang libro pero pansin ko na baliktad. What a stupid guy. Iwan ko ba kong pano ko to naging kaibigan masyado syang tanga.
"Syimpre walang kupas." Parang tigang na sya, napailing nalang ako at tumayo, tumungo ako sa kusina.
Kailangan kong mag-almusal ngayon, para naman eh kapag nakita ko ang baby ko ay may energy ako. Ang gwapo pa naman nya baka kasi sya ang makain ko ng wala sa oras. Ehe. Landi ko ata.
"Hoy, gaga niti puno na yong tasa." Muntik ko ng itapon ang thermos sa mukha nya."tss, yan kong ano-ano kasi ang iniisio." Sermon nya, sya na ang nagpunas ng mesa.
"As if naman makikikain ka lang." Ngumiwi naman ang bibig nya sabay taas ng balikat tss. Hindi nga ako nagkamali. "Wala bang pagkain sa inyo?"
"Meron naman pero mas masarap ang pagkain nyo dito."
"Anong masarap sa puro karne?" Irap ko sa kanya.
"Haha favorite ko karne e, kaya dito ako." Baliw talaga. Ang sarap nga magluto ng mama nya eh pero iwan bakit sya ganyan baka naman eh napurol yong utak.
Kumain lang kami ng tahimik, sya pa ang nahuli eh, ang daming kain akala mo naman sa kanya yong bigas. Ang mahal na pa naman ng kilo ngayon.
Nagpaalam lang kami kay mama bago umalis nang bahay, at ito na nga nasa harap na kami ng campus, bumuga muna ako ng hangin bago ngumiti ng sobrang tamis, mahigpit kong hinawakan ang bag ko at sumunod kay tukmol.
Hehe, mas excited pa akong makita ang Crush ko kisa sa mga bagong makikipagplastikan sakin.
JD~
(Vote, comment, and follow)
BINABASA MO ANG
MY SECRET CRUSH AND I (Complete)
Romanceunang kita ko palang sa kanya inlabo agad ako~ kasabihan ni Jessica Start: May 31, 2021 Done: ?