CHAPTER 33

9 2 0
                                    

Jessica POV

"Hoy may pinagtatagoan kaba?" nagulat ako sa mukha ni Jake ng binaba nya ang libro na takip-takip ko sa mukha ko.

"H-huh wala ah hehe." pagsisinungaling ko dito.

"Tss. Ilang araw ka ng ganyan. Anh weird ng mga kinikilos mo eh." naku kilala na talaga ako nang kaibigan ko.

"Shhh, don na kayong dalawa ni Dianna, magdate nalang kayo kahit alam ko naman na araw-araw kayong magkasama." pagtataboy ko sa kanila.

"Hindi ka naman siguro bitter diba?" Dianna chuckle. Umirap nalang ako bilang tugon. Tinuon ko nalang ang pansin ko sa pagtatago.

Tinatagoan ko si John mar, kasi ba naman nahihiya parin ako sa kanya hanggang ngayon. Maaga akong umaalis ng bahay para hindi na nya ako maabutan, nagagalit na nga si mama dahil bakit ko daw ginagawa yon. Huhu nahihiya nga kasi ako sa kanya, ikaw ba naman ang mahimatay at binuhat pa talaga nya alo pauwi ng bahay dahil sa umamin sya sakin huhu.

Tumayo ako habang hindi parin inaalis ang libro sa kalahating mukha ko. Mahirap na baka nasa tabi-tabi lang si John Mar.

"Aray." daing ko nang may bumangga sakin, hayp yan nabalik ako nang upo dahil don eh.

"Opps may tao pala." pag-angat ng ulo ko ay mukha agad ni Rachel ang tumambad sakin, may kasapa pa sya at sa tingin ko ay bakla. Sayang gwapo pa naman pero anong magagawa natin at babae ang puso nya.

"Mas maganda ka talaga sis lalo na kapag malapitan." puri nang bakla sakin pero nakita ko naman kong paano samaan nang tingin ni bobita si bakla, inggit talaga sya sa beauty ko.

"Hoy ikaw!" turo nya sakin ano kayang problema nito? "Tss, ang kapal nang mukha mo para agawin si John Mar sakin."

"Hoy hindi ko sya inagaw sayo ah, saka ang alam ko ay hindi naging kayo."

"Huh! Aba wala ka nang galang, sumasagot ka sa senior mo, mas mabuti pa siguro ay buhusan kita ng malamig na tubig, malay mo make up lang ang nagpapaganda sayo." at bago pa ako makareact ay may tubig ng dumaloy sa mukha ko na ikinasinghap ko naman.

"Hala tingnan nyo may nag-aaway."

"Atay para akong nanonood nang teleserye, yong may buhusan."

"Ay gago awatin nyo."

  Nakuha na namin ang atensiyon nang nasa loob, t*ngn* lapitan talaga ako nang gulo.

"Hoy gago bakla, why mo naman ginawa yon?" tutulongan na sana ako ng kasama nya kaso bigla namang nagsalita ang bruha.

"Try mong tumulong dyan, baka gusto mong mabuhusan din." isip bata.

"Oh God Jessica, here punasan ko." mabuti nalang at nandito sina Dianna.

"Hoy ikaw-----"

"What the f*ck are you doing Rachel!!!" naputol ang dapat sabihin ni Jakw dahil sa may umalingawngaw na pamilyar na boses.

Seryoso itong naglalakad palapit samin habang hindi inaalis ang tingin nya sa akin. Ibang-iba ang aura nya ngayon, hindi tulad ng dati na smiling face. Hala baka galit din sya dahil sa pag-iwas ko.

"J-john Mar wala akong kinalaman dito ah, hoy bakla una na ako." saad nong baklang kasama nya at nagmamadaling lumabas ng Cafeteria.

"John Mar let me explain." ngunit hindi sya pinansin nito.

Nasa harap ko na si John Mar ngayon, nakakailang ang titig nya ngunit hindi ko man lang maagawang iwasan ang titig nya.

"Rachel, hindi kita mapapatawad dahil sa ginawa mo sa babaeng gusto ko." nanindig ang balahibo ko at bumilis ang tibok ng puso ko. Dyosko po wag lang sana ako mahimatay uli. "And you come with me." sabay hila nya sakin.

Akala ko eh kong saan kami pupunta sa likod nang campus lang pala.

"Isuot mo to." inabot niya sakin ang white T-shirt. Paniguradong malaki to sakin.

"Salamat. A-ahm-----"

"Tatalikod ako saka wala namang CCTV dito." saad nya at tumalikod na sakin.

May sando naman ako kaya safe parin, agad akong naghubad at pinalitan yon ng T-shirt nya wews.

"Tapos na hehe."

Humarap na sya sakin at tiningnan na naman ako ng seryoso naku.

  Napadaing ako ng  mahina ng pitikin nya ang noo ko, narinig ko naman ang tawa nya.

"Sa susunod ay antayin mo na ako, saka wag mo na akong iwasan. Mahal kita at nililigawan kita kahit anong mangyare, at kapag nahimatay ka naman ay bubuhatin kita gaya ng ginawa ko sayo dati." namula naman ako dahil sa sinabi nyang iyon. Mauubusan ata ako ng dugo dahil sa kanya, masyado nya akong pinapakilig eh. "Hehe, kumain ka ulit, ayaw ko pa namang nagugutom ka saka sa nangyare kanina, hindi na yon mauulit pa. Ako na ang bahala sayo." sabay kindat nya sakin. Pwedeng mahimatay ulit?

JD~

(Vote, comment, and follow)

MY SECRET CRUSH AND I (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon