CHAPTER 20

15 6 0
                                    

Jessica POV

Hirap talaga kapag inlove kulang nalang eh ngitian ko ang mha alikabok kada sulok  nitong laboratory.

"Ewww ang dami namang alikabok dito." reklamo ni Faye.

"Ugh nakakadiri." Karla na parang reyna kong humawak sa basahan.

"Shhh, wag kayong magreklamo baka isumbong tayo ni Jessica." napairap nalang ako sa sinabi nong Merlyn.

  Anong akala nya sakin sombungira, sampulan ko kaya ulit to. Hindi ko nalang sila pinansin pa at pinagpatuloy nalang ang paglilinis.

"Oh Jessica, inlove ka ata ah."

"Ahh good morning prof. Hehe."

"Morning, kamusta naman paglilinis nyo dito?"

"Ahh okay lang naman po." ako na ang sumagot mukhang walang balak magsalita ang tatlong bruhang iyon.

"Mabuti naman, By the way Jessica inutusan ako ni Brent na ibigay to sayo." sabay abot nya sakin ng isang supot. "Mukhang sya ang dahilan ng pagngiti mong iyan." pagdurogtong pa nya na may halong mapang-asar na ngiti.

"Naku hindi po."

"Naks, haha sige may klase pa ako maiwan ko muna kayo ah." wika nya at lumabas na nang kwarto.

Agad ko namang tiningnan ang laman ng supo na yon. Isang mamahalin na tsokalate at isang pulang rosas, pero iba ito sa nakita ko sa loob ng locker ko.

"Jessica wait." Papansin talaga ang tatlo na to eh.

"Bakit? Kulang paba ang pagsapak ko at sipa sa inyo?" Napansin Kong ngumiwi silang tatlo.

"Hindi hehe, magtatanong lang sana kami kong boyfriend mo sa si Brent?" Merlyn

  Aba interesado ang p*t*, mukha silang mga bata na bibigyan ng lollypop.

"Hindi." mukha namang pumalakpak ang mga tenga nila ng marinig ang sagot ko.

"Eh bakit ka binibigyan ng ganyan?" Aba tanggalan ko kaya ng kilay na drinaw nya lang itong si Faye, may pa taas-taas pa ng kilay eh.

"Bakit bawal na bang bigyan ang kaibigan? Tss. Diyan na nga kayo parang gusto nyo na atang mahospital pa dahil sa trato nyo sakin ngayon." Maangas king saad.

"S-sige, babalik na kami sa paglilinis pagpasensyahan mo na si Faye, baka hindi lang sya nakainom nga gamot." buti pa tong si Karla.

  Umismid nalang ako at tumungo sa aking bag. Hay may bagong pagkain na naman akong ilalagay sa ref. Tinapos lang namin ang paglilinis nitong laboratory. Ang dami ngang alikabok kulang nalang eh tirahan ng ahas, pero sabagay marami naman talagang ahas sa kong saang sulok ng mundo. Minsan kaibigan mo pa. Oops, My bad but I'm just saying the truth.

Pinapahinga nalang muna kami nong prof. Sabi nya may vacant pa naman daw kami sa hapon kaya itutuloy namin ang paglilinis sa computer room. Mag recess nalang daw muna kami, kasi alam nya ang pakiramdam ng nagugutom. Buti pa si Sir My care.

Dumiritso agad ako sa cafeteria, hay kahit isang araw palang na di nakapunta dito eh, parang namiss ko na. At paniguradong makikita ko ang damuhong Jake. Pumasok na ako at agad naman silang tumingin sakin, lakas ng presensya ko ah naku.

"Oi Jake." Halata naman itong nagulat.

"Oh Jessica h-hehehe." Tss. Parang gusto ko syang bangasan dahil sa hindi pagsundo nya sa akin kanina pati narin kahapon. Pero pasalamatan ko nalang sya dahil nakasakay ako sa motor ni John Mar.

"Mukhang wala ka atang sinasabi sa akin ah." Kinagat ko ang fudge bar at nginuya-nguya habang nakatingin kay Dianna'ng namumula. May bulaklak din ito sa mesa at My sticky notes pa.

"A-anong ibig mong sabihin ehehehe?" tss. Nahihiya ba ang ungas nato. Bigla kong binaling ang tingin ko kay Dianna.

"Kinware pa." pabulong kong saad. "Nanliligaw na si Jake sayo noh?" diritsahan kong tanong sa kanya, kaya bigla naman itong napayuko.

"Ahm hehe oo." Sabi ko pa nga ba.

"Kaya pala di ako sinundo at hinatid kahapon kasi ito na." usal ko. "Tss. Jake congrats di mo man lang pinaalam sakin ah, parang di mo ko kaibigan." pagtatampo ko dito.

"Nahiya lang ako."

"Hay naku, mahiya ka sakin kong nabusted ka kasi paniguradong pagtatawanan kita."

"Jessica naman." mukha na syang kingkong tuloy.

"Tss." tinuon ko nalang ang sarili ko sa pagkain.

"Nandito ka pala Jessica, pinuntahan kita don sa laboratory pero wala kana don."

"Ah haha, tapos na kaming maglinis don at pinapapahinga muna kami ni Prof. mayang hapon ay balik na naman kami."

"Ah  mabuti naman." Umupo sya sa tabi ko; at inilapag ang mga dala nya.

"Yan kasi takaw gulo." saad ng damuhong si Jake, sila lumalapit sakin hindi ako.

JD ~

(Vote, comment and follow)

MY SECRET CRUSH AND I (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon