CHAPTER 14

18 8 0
                                    

Jake POV

Hay kong hindi lang talaga ako pinilit ng mokong na yon baka hindi ko ginawa ang pinapagawa nya sa akin.

"Dianna sama kana sakin." Aya ko sa bebelabs ko.

Pansin ko ang pagpula ng pisnge nya at pag-iwas ng tingin narin. Nilalagnat kaya sya?

"May sakit kaba?" Sabay hawak ko sa noo nya, mas lalo namang namula ang magtimbang na pisnge nito at napahakbang pa ng paatras.

"W-wala naman akong lagnat haha." Itong mahal ko talaga, mas lalo akong nagkakagusto sa kanya eh, dahil sa pinapakita nya sakin. Ang cute nya kasi.

"So tara na panigirado eh iniintay na tayo ng bruha kong kaibigan."

"Hehe oo nga tara na." Napansin ko na ang weird ng kinikilos nya. Ano kayang nangyayare sa kanya?

Pumasok na kaming cafeteria, agad ko naman syang nahanap, napakunot pa ang noo ko ng may mapansing high school student na nakaupo sa gilid nya. Naku! Ang dami naman atang kakilala.

"Oh what sup!" Bati ko sa kanila, alam kong pilit na ngiti lang ang ginawad sakin ni Brent. Anong nangyare sa araw na to? Ang weweird nang mga kinikilos nila. Ako lang ba ang nakapansin o sadyang nabubuang lang ako ngayon.

"Hi sa inyo." Dianna at umupo sa tabi ko.

"Hello ate, hi kuya." Ani nong high school student na matamis na ngumiti pa samin. "Nga paka ako nga pala si Jane hehe." Pakilala nito.

"Pinsan ko sya." Sabat naman ni Brent.

"At kapatid sya ni John Mar hehe." Ngina talaga itong si Jessica pahalata masyado, hindi talaga tumulad sakin easy lang. Kasi ganito talaga kapag gwapo.





Dianna POV

Hanggang ngayon eh napakalakas parin ng kabog ng puso ko. Ikaw ba naman ang sabihan na *sama ka sakin* sinong hindi kikiligin don.

"Bakit ka nandito Jane?" Biglang tanong ni Brent sa kanya.

"Ah wala lang, bawal na bang pumunta dito? Saka nais ko lang makipagkaibigan kay Ate Jessica." Bibong sagot nito na niyakap pa si Jessica.

"Tss."

"Ilang taon kana pala Jane?" I ask.

"I'm just 15, bata pa ako." Grade 10 palang pala sya. "Ay nga pala ate gusto sana kitang yayain lumabas kapag free mo." Nakangusong saad nito.

"A-ako?"

"Oom papayag kaba ate? Hehe gusto kasi kitang makilala ng lubos." Masigla pa nitong saad.

"Ahm sige hehe."

"Ayon salamat ate. Thank you very much. Sige ate ah hahanapin ko pa ang kuya ko, may sasabihin din kasi ako sa kanya eh." Paalam nito samin, kumaway nalang sya palabas ng Cafeteria. Woah ang lakas ng hatak ni Jessica ah.









Jessica POV

Dagdag points na naman ako kasi kaclose ko na ang kapatid ni John Mar. Teka kaclose ko na ba talaga yon? Naku hayaan nalang natin nakidaldal naman sya sakin eh.

"Ay nga pala Jake, sino ang nagbigay sayo nong teddy bear?" Buti nalang di ko nakalimutan.

"A- eh---"

"I o u, p*t*ng*na Jake narunong din ako nyan." Pinapahigh blood talaga ako ng hinayupak na to eh.

"Easy ka lang pre ang init naman ng ulo mo eh, sana pala nandito nalang si Jane kasi mas maamo pa mukha mo kisa sa manok."

"Wag mong iniiba ang usapan, sino ang nagpabigay non sayo?" Napalunok naman ito ng dalawang beses.

"Ahm sorry Jes, pero nangako ako sa kanya na hindi sasabihin sayo ang pagkakilanlan nya." Yowo naman. Kaibigan ko ba talaga to? Nakakainis!!!

May pasecreto pang nalalaman ang deputa, pero sino kayang RN yon? Tiningnan ko si Jake ng masama nagbabakasakali lang naman na may makuha akong sagot, pero dahil nakakabweset sya nginitian nya lang ako.

  Wala talaga akong maasahan sa kanya, pagkatapos nang Recess at agad ko muna silang pinauna. May kukunin pa kasi akong gamit sa locker eh.

Pagbukas ko ay agad na tumambay naman sakin ang isang pulang rosas. As in parang kakapitas palang talaga dahil fresh na fresh pa. Agad ko namang kinuha abg papel na nakadikit don.

"Your smile can Heal my Tiredness... From your secret admirer." Hayp.

Napailinga-linga pa ako, nagbabakasakaling baka nandito pa sya sa paligid. Pakiramdam ko magkaiba ang nagbigay ng teddy bear at nitong bulaklak.

Hayp uso ba talaga ngayon ang pa Mysterious. Ang haba naman ng buhok ko no ba yan, baka maapakan nyo na ah.

Pero nakakahilo promise hindi man lang sila personal na nagbibigay. Nahihiya kaya sila?

JD~

(Vote, comment, and follow)

MY SECRET CRUSH AND I (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon