Jane POV
Kahit kaylan talaga itong si kuya napaka OA balak pa niyang ipabalik sakin ang pinakakamahal kong hellow kitty kay mamang nagtitinda. Naku buti nalang at nandyan si ate Jessica na magrescue sakin ehehe. Excited talaga ako na maging sila ni kuya para naman eh lagi akong may kasama at kasangga.
Hawak-hawak ko ang binili ni ate habang nakasunod lang sa kanila, sa nakikita ko palang sa dalawang ito ay may maganda silang kinabukasan. Hindi tulad kay ate Rachel hmp, naiinis talaga ako kapag nasa bahay ang hinayupak na yon. Ang bait-bait kasi nitong kuya ko, ni simpleng pagsungit hindi magawa. Pero kapag sakin eh kala mo dragon na kulang nalang ay magiging sya na si Natsu na bubuga ng apoy.
"Jane." nilingon ko naman ang lalaking tumawag sakin, naku si Drake. Ang makulit na lalaki na ayaw akong lubayan. Pero sa totoo lang eh gwapo naman sya pero hindi ko type ang makulit na katulad nya.
"Naku hehe tinadhana talaga tayo mahal."
"Ahh oo mahal yong tinda dito." masungit kong saad. Tsk.
"Haha mas lalo akong ginaganahan kapag nagsusungit ka eh."
"Jane sino yan?" buti nalang nandito kuya ko, siguro magiging malaya ako sa kamay ni Drake panget kapag nasermonan sya nang kuya kong mapagmahal.
"Kuya oh kinululit po ako." sumbong ko sabay nagmamakaawang tumingin sa kanya.
"Hi kuya." saan kaya napunta ang hiya nitong hinayupak na to? Sobrang kapal ng pagmumukha may nakapatonh sigurong hallow blocks dito.
"Oh hi," hala totoo ba nakikita ko? Nginitian sya ni kuya, nginitian ni kuya ang tukmol nato! I can't believe this. Oh God baka magugunaw na ang mundo huhu. Kadalasan kasi yan eh kapag may nakikita syang umaaligid sakin ay tinitingnan nya ng masama, ayaw nya kasing may manligaw sakin.
"Nanliligaw kaba sa kapatid ko?" ayown ito na. Hehe humanda kana Drake ito na ang katapusan mo sa paglapit at pagsunod sakin. Makakamit ko na ang tunay kong kalayaan.
"Gusto ko sanang manligaw sa kanya pero ayaw nya akong payagan."
"Bro ako ay pumapayag na manligaw ka sa kanya, wag mong pansinin kong ayaw nya basta ang importante ay botong-boto ako sayo," napanganga ako ng wala sa oras sa binitawan niyang salita, "nga pala iiwan ko muna sayo kapatid ko ah, bantayan mo yan, saka hatid mo na rin pag-uuwi." pagdurogtong pa nya.
"What the? Seriously kuya, pinamimigay mo na ako sa tukmol na ito?" singhal ko sa kanya.
"Tss. Wag kana umangal diyan," mataray nyang saad. Bahagya syang lumapit sa tenga ko, "sige gusto ko pang solohin si Jessica storbo ka lang." ang sama talaga ng ugali huhu, gumaganti na sya sakin.
"Bweset ka kuya mga sampu!!!" pagmumura ko sa kanya pero ang bweset kumaway lang at kumindat. Wala na akong nagawa pa kundi magpaiwan dito sa bweset n Drake.
"Pano ba yan pinagkatiwala ka na nang kuya mo sakin." nakangising saad ng tukmol.
"Who cares." irap ko at naglakad. Mas mabuti pang kausapin ang hello kitty ko, kahit hindi sumasagot cute parin, kisa dito sa hinayupak na ito gwapo sya pero sobrang daldal amp. Tsk. Tsk.
John Mar POV
Hay sa wakas wala na ring sagabal sa amin ni Jessica. Sa itsura palang nong lalaki ay alam kong makakapagkatiwalaaan naman. Malaki na naman sya, syaka ang mahalaga ay makasama ko si Jessica at gagala kami na kaming dalawa lang.
"Nagugutom kana ba?" pagtatanong ko.
"Ahm, ang totoo nyan kanina pa ako gutom hehe." pakamot ulo nyang saad.
"Ah sige, dapat kanina kapa nagsabi nyan sakin." pinatong ko sa ulo nya ang aking kamay, halatang nagulat sya sa ginawa ko pero hinayaan nya nalang yon.
Mabuti nalang at nagkaroon ako ng oras ngayon.
"Saan mo gustong kumain?"
"Don." agad nyang turo sa isang maliit na karenderya. Samantalang nasa harapan lang namin ang isang malaking restaurant.
"Sigurado ka?"
"Oo, dali tara na." napangiti ako ng tipid ng hawakan nya ang kamay ko. Kaya gustong-gusto ko sya dahil wala syang arte.
Pagpasok namin ay agad syang naupo kays sumunod nalang din ako sa kanya. Magiging masaya sana ang kapatid ko ngayon. Tss. Gumante lang naman ako sa mga kahihiyan na pinagsasabi nya kanina kay Jessica tungkol sakin. Pati ba naman spider Man na brief ko dinamay.
"Siguro mag-eenjoy ako nito." napangiti ako sa aking isipan.
Mas lalo syang gumaganda kapag nakangiti sya ng ganyan kasigla. Parang gusto ko tuloy syang titigan habang kumakain pero baka kong anong sabihin nya.
"Ay nga pala alam mo bang aalis na si Brent?" tumango ako bilang tugon, " hay nalulungkot ako dahil mukhang aalis sya dahil sakin.
"Pano mo nasabi?"
"Eh kasi umamin sya sakin pero hindi ko yon sinuklian dahil wala naman akong gusto sa kanya." kong ganon, yon pala ang nangyare.
Pero ano kaya ang ibig sabihin ni Brent na nanalo na ako? Kahit kaylan talaga ay napakalabo nyang kausap.
"Hayaan nalang natin sya, alam ko naman na makakamove-on agad yon." ani ko nalang.
JD~
(Vote, comment, and follow)
BINABASA MO ANG
MY SECRET CRUSH AND I (Complete)
Romanceunang kita ko palang sa kanya inlabo agad ako~ kasabihan ni Jessica Start: May 31, 2021 Done: ?