Jessica POV
Naglalakad ako sa hall way, inutusan kasi ako ng prof. Na kunin ang libro nya daw. Kailangan ng maretired si Ma'am makalimutan eh. Di joke lang. Mabuti nalang hindi na nagpumilit si Brent na sumama, napaka ano eh parang linta na ayaw humiwalay sakin.
"Oi Jessica, good morning."
"Oi J-John Mar ikaw pala." Bat ngayon pa? Hindi man lang ako nakapaghanda.
"Oo hehe, nga pala sabay na tayo, alam ko naman na sa office rin ang punta mo."
"S-sige." Bigla nya namang ginulo ang aking buhok, sabay ngiti pa ng ubod tamis na ikinatulala ko.
"Mabuti naman at makakasabay kita kit sandali lang." Masaya nyang turan na ikinangiti ko. Kinikilig ako ano ba?
"Hehe oo nga."
"Nga pala baka next week eh hindi na ako busy, baka makasabay ako sa inyo tuwing recess. Baka lang naman di pa ako sigurado." OMG!!! Gusto nya akong makasabay. "Oi nandito na pala tayo." Hindi ko man lang namalayan na nasa harap na kami ng office, hayp ang bilis naman namin makarating. Sinusulit ko pa nga na kasama sye eh naku naman.
Pumasok na kami sa office at hinanap ang table ni ma'am Shiela, kinuha ko naman ito agad ng makita ko ito.
"Nahanap mo na?" Akala ko eh nauna na syang lumabas.
"Oo nandito na hehe." Nauna na akong lumabas habang sya na ang nagsarado ng pinto.
"John Mar." Napalingon kaming dalawa ng may tumawag sa kanya.
Mahaba ang buhok nito habang may seryosong mukha, pinasadahan nya pa ako ng tingin bago tumingin kay John Mar na biglang ngumiti ng sobrang tamis.
Napairap naman ako sa aking isip, sino kaya ang hipokritang ito? Grabe kasi sya makakapit sa baby John Mar ko.
"Oh ikaw pala Rachel." Hala Jhon mar, bakit ka naman ngumiti ng ganyan katamis sa kanya? Ng dahil sa ginawa mong iyan eh napupunit ang puso ko.
"Oo hehe." At mas lalo pa syang dumikit hayssss.
"Ay nga pala si Jessica, freshmen palang sya. Jessica si Rachel kaibigan ko." Kaya nakahinga naman ako ng maluwag, salamat naman at kaibigan nya lang wehehe.
"Sero soon to be hes Girlfriend." Ang kapal naman ng pislak nito nyeta.
"Hoy anong pinagsasabi mo dyan?" Humarap naman si John Mar sakin ng may ngiti sa labi. "Pasensya kana sa kaibigan ko, sadyang sabog lang talaga sya." Halata naman wahaha.
"Ah hehe, nga pala mauna na ako, hinihintay na ako ni prof. Don."
"Ah sige mag-iingat ka." oo naman aking mahal, mag-iingat ako syimpre, dahil ako ang future mo sa panaginip huhu.
At dahil may kasama kaming bruhilda tumango nalang ako. Parang kakatayin kasi ako sa tingin nya palang. Pagbalik ko ng classroom ay tinginan naman sila sakin. Ano kayang nangyare? Saka samantalang hindi naman ako natagalan ah, sakto lang. Hehe.
"Mabuti naman nandito kana Miss Dela Cruz."
"Bakit po prof.?" taka kong tanong, malakas namang kumabog ang puso ko. Nyeta kinakabahan ako, may nagawa kaya akong kasalanan?
"Kanina pa kasi hindi mapakali si Brent. Susundoin kana nga sana pero bigla kang dumating, sige maupo kana." tumango nalang ako.
Kaya pala nakatayo ang buang nyeta. Kala ko eh may nagawa na akong kasalanan naku naman, pinakaba lang ako.
"Bat ang tagal mo?" tanong nya sakin tapos nakakunot pa noo.
"Hindi naman matagal yon ah. 10 minutes lang naman ako nawala tas ikaw dyan parang ano na naku naman Brent."
"Syimpre namiss kita agad." bulong nya kaya di ko narinig.
"Anong binubulong-bulong mo na naman dyan?"
"Hehe wala." sabay kamot pa nya sa kanyang ulo.
"Aww, nga pala nakasabay ko pinsan mo kanina hehe."
"Talaga." nakangiti naman akong tumango sa kanya. "Anong pinag-usapan nyo?" aba kailangan ba talagang malaman yon.
"Wala naman hehe."
"Aww haha." teka bat parang bumigat ata ang piligid. "Nga pala libre ko mamaya kaya pumili ka lang ng makakain mo."
"Yiehhh talaga, usto ko yan. Salamat agad Brent advance." natawa naman sya sa reaction ko.
Hehe syimpre libre yon, sino ba naman ang hindi matutuwa sa libre noh. Sya tipid kana busog kapa wews.
"Welcome, makinig nalang tayo, baka kasi pagalitan tayo ni prof. Shiela." bulong nya.
"Oom." bulong ko naman pabalik.
Kaya gusto ko sa lalaki makipagkaibigan eh wala kasing plastikan na nagaganap.
JD~
(Vote, comment, and follow)
BINABASA MO ANG
MY SECRET CRUSH AND I (Complete)
Romansaunang kita ko palang sa kanya inlabo agad ako~ kasabihan ni Jessica Start: May 31, 2021 Done: ?