CHAPTER 9

22 8 0
                                    


John Mar POV

"Ngayon ko lang ulit nakita na nakipagkaibigan ka sa babae maliban sakin."

"Ahh hehe wala namang masama don." Rason ko.

"Meron nagseselos ako, matagal ko ng pinaparamdam sayo na higit pa sa kaibigan ang tingin ko sayo pero hindi mo man lang nasuklian yon." Saad nya.

"Paumanhin pero ilang beses ko ng sinabi sayo na kaibigan lang talaga ang tingin ko sayo." Seryoso kong saad.

"Alam ko, wala paring bago ang pagtatanggi mo sakin."

"S-sorry." Agad nya naman akong hinampas ng pabero.

"Ano kaba, okay lang." Pero halata namang nasasaktan sya, sorry pero parang may babaeng nakakuha na ng attention ko.

"Nga pala mauna na ako, kailangan ko pang gumawa ng project at may tatapusin pa akong activities." Paalam ko sa kanya.

Education ang kinuha nya habang ako naman ay isang fire man. Ganito talaga kapag pogi palaging busy, idagdag nyo pa na inspired ako ngayon.





Jessica POV

Pinauna ko lang si Brent sa cafeteria alam ko naman na magkikita sila don ni Jake eh at pati narin ata ni Dianna, Saka ihing ihi narin ako. pagpasok ko sa banyo ay may tatlong babae ding sumunod.

Taka ko namang tiningnan yong isa dahil nilock nya yong pinto sya namang humarap sakin naka cross arm pa.

"Hoy ikaw!" Sabay taas pa ng isa nyang kilay na halatang eyebrow lang ang dahilan kong bakit makapal.

"Hindi ako si Hoy at hindi rin ako si ikaw may pangalan ako." Pamimilosopo ko at umirap pa sa kanila sabay pasok sa cubicle. Hayp naiihi na ako eh.

Nabunutan naman ako ng tinik ng mailabas ko lahat ng sama ng loob ko sa aking puson salamat naman. Ng matapos ako ay lumabas na ako sa cubicle at aba yong tatlo nandon parin tapos mahahalata mo talaga sa mukha nila ang inis.

"Hoy ikaw!"

"Hindi nga ako si Hoy at lalong si ikaw paulit-ulit naman kayo eh." Nakakainis naman eh, may pangalan kaya ako.

"Ang kapal naman ng mukha mo--" blah blah blah. Binuksan ko kasi yong gripo as in nilakasan ko talaga at sinadya ko yon. Kaya hindi ko narinig haha. "--- huh?" Yan nalang ang narinig ko pagkatapos kong saraduhan ang gripo.

Humarap ako sa tatlo na nangangamatis na ang mukha, baka need nila ng aircon. Tinaas ko ang isa kong kilay, sumandal ako sa dingding at pinag cross ang kamay.

"Anong kailangan nyo at ano yong sinabi mo kanina? Hindi ko kasi narinig eh." Narinig ko namang nagmura ang naka pony tale. Halos sobra pa sa airport na nilalandingan eh, as in malapad talaga. Hayp nagjudge lang naman ako ng tao kapag may masamang intensiyon sakin.

"Okay I'll repeat it for you." Woah english, k bye Earth, hello Mars. "Ang kapal naman ng mukha mo para lumapit kay Brent, akala mo ikakaganda mo na yon Huh?" Inulit nya nga.

Humikab naman ako sa harap nilang tatlo at bored silang tiningnan.

"Yon lang?"

"Walang hiya kang babae ka, wag mong ganyanin ang nakakatanda sayo." Halata ngang matanda na kayo.

"Wag nyo ding iganito ang mas bata sa inyo, ang tanda nyo na pero isip nyo bata, baka nasobrahan kayo ng  sa pagkachild abuse sino ba kayo huh?"

"I'm faye." Yong sa gitna.

"Karla." Lapad noo.

"Merlyn." Yong dada ng dada.

"And we are f*ck*rs." Muntik na akong maduwal dahil sa pangalan ng grupo nila. Halatang naghahunting ng lalaki sa gilid gilid ah.

"And so paki ko." Sabay ngisi ko sa kanila. Wahaha, kulang nalang ay umusok ang ilong nila dahil sa sobrang inis.

"Hindi mo ba kami kilala? Ang tapang mo ah." Faye.

"Baka kailangan mo ng sampol." Merlyn at masamang tumingin sakin.

"And? Ano naman ang ikakatakot ko sa tulad nyong walang ginawa kundi magpapansin sa mga boys." Nagugutom na ako, ayaw ko naman silang kainin panigurado panget ang lasa buti sana kong si John Mar Rorr.

"How dare you to say that to us!" Agad kong nasalo ang kamay ni Karla.

"At di naman ako papayag na masampal mo lang. Buong buhay ko hindi pa ako nasasampal ng mama ko kaya umayos ka." At padabog na pinakawalan ang kamay nya.  "Kahit kaylan hindi ako matatakot sa inyo, at lalong lalo hindi ako ang lumapit kay Brent, si Brent mismo ang lumapit sakin, at kong uutusan nyo akong lumayo, well desisyon ko na yon. Buhay ko to at walang kokontrol sa sarili ko kundi ako lang." Saad ko at naglakad na palabas, paniguradong gaganti ang mga yon. T*ng*n* nila masyadong desperada.

JD~

(Vote, comment, and follow)

MY SECRET CRUSH AND I (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon