CHAPTER 11

23 7 0
                                    

Please do vote and follow po thank you for supporting my story😍

Jessica POV

Simula nang nasapak ko si John Mar eh parang wala na akong mukhang ihaharap sa kanya. Sobrang nakakahiya talaga kasi ang ginawa kong iyon.

Pero may nangyari namang maganda habang kaming dalawa lang ehehe

Flashback~

"Okay ka lang ba talaga?" Pagtatanong ko ulit, nakita ko kasing may namumuong pasa sa gilid ng labi nya. Sa lakas ba naman ng sapak ko kanina eh dudugo talaga yon. Buti nalang at may dala akong panyo para pamunas don.

"Ano kaba, pang ilang bises mo na yang tinatanong sakin. Wag kang mag-alala okay lang ako. Saka malayo naman uto sa bituka eh." Saad nya at ngumiti.

Kahit na may pasa sya sa mukha eh ang gwapo nya paring tingnan hahaysss. Why naman kaya ganyan?

"Nga pala anong ginagawa mo dito?" He ask.

"Lalanghap lang sana ako ng sariwang hangin, eh ikaw?" Balik kong tanong.

"Nagprapractice ako para sa Music namin. Magpeperform kasi ako." Sabay angat nya ng kanyang gitara.

Kong ganon sya pala ang taong nagtutugtog non.

"Ahh ganon ba."

"Oo gusto mong marinig ang kanta ko, tamang tama para naman eh masanay akong kumanta na may nanonood sakin." Nakangiti nyang saad.

=omo haharanahan nya kaya ako?=

Ang assuming ko naman, kakanta lang naman sya okay. At ako ang gagamitin nya bilang isang taga panood, pero pwede din namang isipin ko na hinaharanahan nya ako minsan lang naman to eh wehehehe.

"S-sigurado ka?" Nauutal kong tanong sa kanya.

"Oo naman." He widely smile at me sabay strum sa gitara nya.

Nakakatunaw ang ginagawa nyang pagtitig sakin pero di ko naman magawang iwasan yon. Pamilyar ang tinutugtog nyang kanta.

->Just play sa susunod nalang

Sana totoo nalang na nag-aantay ka sakin sa labas ng bahay huhu.

Ehehe, masaya ako non oi, sobra hindi kita ipagtataboy.

Hayp finifeel ko ata yong kada lyriko ng kanta.

At kinindatan pa nya ako, kaya naman ay unti-unting namanhid ang pisnge ko. Nyeta I can't breath.

End of flashback~

Iyon na ata ang pinakamasayang ala-ala sa college life ko, at dahil naadik ako sa kanta non paulit-ulit kong plinay ang kantang sa susunod nalang By: Skusta Clee. Iniimagine na sya ang kumakanta, ni hindi ko nga makalimutan boses nya lalong-lalo na ang kindat nyang yon huhu. Iba na talaga ang tama ko sa kanya sobrang lala na.

"Hoy Jessica! Nakatutula ka na naman dyan. Ilang araw ka ng ganyan ah." Pukaw ng aking ina.

"Po?"

"Wag mo kong ma po po dyan, haysss kulang nalang ay ipapadala na kita sa mental dahil sa sobrang kalutangan mo. Hala bilisan mo dyan, kailangan mong dalhin ang order na to sa kabilang table." Saad nya.

"Opo."

May sarili kaming resto na syang tinataguyod ni mama. YUMMY PA ang pangalan, ang badoy talagang magpangalan si Mother earth. Pero pasalamat nalang ako kasi binigyan nya ako ng maganda pangalan, kasing ganda ko ehehe.

At dahil linggo ngayon eh, pagkatapos ko magsimba dumiritso agad ako here, para tumulong. Ang boring naman kapag nasa bahay lang ako eh, saka tapos ko na namang gawin ang mga activities na pinapagawa nong mga guro ko sa bahay.

Inayos ko na ang plato sa tray para dalhin don. Ang takaw naman ata ng nag-order nito, alam kong 3 cups yong kanin tapos may dalawang fried Chicken pa syimpre hindi mawawala ang sauce. Kong pwede lang itago itong isang paa naku.

Tapos nakakagutom pa, ang bango naman kasi ng mga putahe dito ni mama eh. Makakain nga mamaya sa kusina wahahaha.

"Sir ito na po order nyo." Ani ko na hindi man lang sya tiningnan. "Enjoy your food."  Ani ko at iniwan na sya don.

Hay sikat talaga resto ni mama halos mapuno na ang mga upuan.

JD~

(Vote, comment, and Follow)

MY SECRET CRUSH AND I (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon