Chapter 1

5.2K 247 51
                                    

hard

ELORDE'S POV

Palagi nalang ganito. Kailan ba matatapos ang sakit at pighati sa mga puso ng mga tao? Naitatanong ko sa aking sarili kapag ginagawa ito, ano ba ang meron ng iba para sila ay mas maging malaya? Kamahal-mahal? At maswerte sa buhay?

Swerte. Mula pagkabata ko, ang sarili na 'ata ang pinakamalas na nakilala ko.

Lumaki na walang kapiling na magulang maliban sa mga matatanda, pumuntang Maynila para mag-aral pero sa kasamaang palad ay dinaganan ng malaking kamalasan. Ang maghirap ng todo.

Kayo ba? Minsan niyo na ba naitanong ang mga ganitong bagay sa mga sarili niyo? Yung iiyak ka kasi hindi mo makuha ang bagay na gusto mo?

Ang mga kaedad ko ngayon ay masasaya sa mga buhay nila, may problema, oo naman. Pero hindi rin katindi ng sa'kin. Siguro iiyak sila dahil hindi nabilhan ng cellphone o yung mga mamahalin at sikat na mga bagay ngayon. Pero ako ay iiyak dahil hindi mabilhan ng gamot ang Lolo at Lola. Ang mature na kung mag-isip. Nasanay na rin. Nasanay na ako.

Nagreklamo ba ako? Siguro ay hindi mo na mabibilang ang mga araw, oras at pagkakataon na umiyak ako ng palihim habang kinamumuhian ang panginoon na meron ang iba. Pero nakuha ko ang punto ng buhay na sa halip na magreklamo ay maghanap nalang ng trabaho, pera, at mag purisgi ng mabuti. Dahil sa huli, ikaw at sarili mo ang tanging aasahan mo.

Sabi nila napakabuti ng panginoon pero bakit may naghihirap? Bakit kailangang magdusa habang ang iba ay nagpapakasasa sa kayamanan nila? Bakit ganon? Bakit ganito ang mundo?

Sa tanang buhay ko hindi ko naranasan ang maging isang taong malaya; ang maging masaya kasama ang mga kapwa tao. Dahil halos ng mga tingin ng tao sa akin ay nakakadiri at walang mararating.

Ganito ba ang isang taong dapat magpasalamat sa panginoon? Ang ibang tao ngayon ay mahimbing ng natutulog pero ako nakalambitin at nagpapakahirap para mabuhay ang sarili at ang mga taong naka-asa sa akin.

Bumalik ako sa tunay na mundo ng madapian ako ng kamay ng isang nakakadiring lalaki. Hindi ko man gustuhin ay wala akong nagawa pero kimkimin ang galit at ipagpatuloy ang pagsasayaw.

Sa gitna ng entablado, isang tao ang nakalambitin at nagsasayaw na kulang na lang ay maghubad ng buong damit.

Pinagsisigawan at hinihipuan, kinuktya ng mga lasinggo, at tinatapunan ng mga pera. Walang magawa ang taong ito bagkus ay lunukin ang sakit ng buhay, sa isipan niya ay wala namang magbabago, nasanay na siya.

At ang taong 'yon ay ako...

"Ganiyan nga! Sige pa, giling! Tangina ang sarap mo!" Pinikit ko ang mga mata ko para hindi makita ang mga taong nanonood sa bawat galaw ko.

"Pare ang seksi! Pwede ng gawing kabit! Ang sarap i-kama eh!" Hayop sa hayop, kailangan nilang magpasasa sa kung ano ang kailangan nila, at ang makita ako na magsayaw sa entablado ang nagpapa-init ng kalamnan nila.

"Wohoooo tanginang kinis ng katawan 'yan!" Lumiyad ako at pinakita ng husto ang paggiling ko sa dance pole na nasa gitna.

Mapupula ang mga labi, nakaka-akit ang mga mata, at malambot na kamay ang hinahagod sa sarili. Ni-hindi ko maramdaman ang hiya sa katawan ko kahit sa kakarampot na damit.

Walang lugar ang hiya sa trabaho ko, libre lang ang magsisigaw sa galit pero ang mahiya ay parang nahihiya ka na rin sa pera.

Sayaw sa makamundong pagnanasa ng mga tao habang kumikinang ang lugar, pero ang kinang na ito ay wala sa kinang ng mga niluha ko.

"Ganiyan nga, giling pa! Sige pa! Tanginang pang-upo na 'yan ang sarap dilaan!" Nakakatindig balahibong musika, pero hindi dahil sa saya kundi dahil sa mga pagnanasa ng iba. Sigawan ng mga kalalakihan, pero hindi dahil sa saya ngunit sila ay kulong sa makamundong pagnanasa.

Enticing the Demon's Arousal [BL]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon