Chapter 14

1.8K 95 16
                                    

brat

ELORDE'S POV

Kaharap ang malaking salamin ay tinitingnan ko ang sarili. Halos 'di ko makilala ang sarili ko dahil sa suot. Maingat kong nilakbay ang aking mga daliri sa bawat detalye ng damit. Mula sa aking kinakatayuan ay naririnig ko ang mahinang huni ng musika sa loob. Mahina lang ito at mapapansin mo dahil sa katahimikan ng buong paligid.

"Sagapó vasílissa mou." Kaagad kong tiningnan sa repleksiyon ang lalaking pumasok sa loob ng pribadong silid.

"Acades," Pabulong man ay alam kong narinig niya ang pagtawag ko sa kaniyang pangalan. Mula sa aming repleksiyon ay nagdaan ang pagnanasa at humali sa dilaw niyang mga mata. Kitang-kita ko ang reaksiyon niya ng makita ako.

Nakatingin ang mga mata niyang mapanuri sa katawan ko habang naka-sentro ang mga titig ko sa kaniyang gwapong mukha- sa kung papaano umigting ang panga niya, kung papaano siya palihim na ngumiti, at sa kung paano siya nailing sa sarili at pasaring na inalis ang tingin sa akin at kalaunan ay binalik sa mukha ko. Pinasadahan niya ang buhok at tinitigan ako sa mga mata.

Binigyan ko siya ng matamis na ngiti at hinarap siya.

"What's the problem, baby?" May nagmamalaking ngiti ang labi nya kaya nailing ako. Kung abot-kamay ko siya ay baka nakurot ko na siya. Alam kong iniisip na naman niya na bilhin ang lahat dito para lang ma-satisfy ako.

"Ang ganda nga, ma-presyo nga lang." Tiningnan ko ang sarili ulit at maingat na sinuri ang mga detalye ng damit.

Hinding-hindi mawawala sa akin ang manibago sa klase ng buhay na tinatamasa ko dahil kay Acades.

"I can pay your bills, baby." Napanguso ako dahil sa sinabi niya. Alam ko naman dahil ni-isang beses ay wala akong nilalabas na pera para sa kaniya.

"Gusto ko man na tanggihan ay alam kong hindi mo pa rin susundin ang mga sinasabi ko." Nakita ko ang nagmamalaking ngiti niya dahil sa sinabi ko.

Nakuha ko na ang paraan niya kung paano ipakita na mahal niya ang isang tao. Ito ay ang pagbibigay ng regalo. Gusto ko man na baliwalain na lang ang mga ginagastos niya sa akin ay hindi ko pa rin kaya. Iniisip ko pa lang ang mga regalo niyang mga kotse, damit, alahas, hanggang sa isang pribadong eroplano ay nalulula ako!

Gaano ba kayaman 'tong lalaking 'to at parang sentimo lang ang ginagastos niya sa akin?

"Then what's the longing face for, hmm?" Ang mga kamay niya ay nasa bawat bulsa ng kaniyang suot-suot na puting suit.

Tuluyang lumapit si Acades sa akin at nilabas ang mauugat na kamay at sinakop ng maiinit niyang palad ang mukha ko. Tiningala ko siya at binigyan ng isang kontentong ngiti.

"Nakikita ko sa mga mata mo na hindi ka masaya, Elorde. Ano, hindi ka na masaya sa akin?" Ang kaninang nagmamalaking ngiti ay napalitan na ng nakakatakot na awra.

Nagdilim kaagad ang paligid.

Mula sa bawat tagiliran ay iniyakap ko ang dalawang kamay sa kaniya at sinandal ang ulo ko sa dibdib ng tigre, "Ikaw lang ang lalaking minahal ko, mamahalin ko, at aalayan ko ng pag-ibig ko, Acades. Wala sa isipan ko ang bumitaw sa mga pangako natin sa isa't-isa."

Ang kalmadong musika ang tanging natirang ingay sa pagitan namin. Tanging mga tibok ng puso namin ay sapat na para ipahiwatig kung gaano namin kamahal ang isa't-isa.

"Ikaw ang pinakamahalagang tao sa buhay ko, Elorde. Iniisip mo pa lang na iwanan ako naka-posas ka na sa kama natin. Tandaan mo 'yan." Pinakiramdaman ko ang mainit na hininga niya sa tuktok ng noo ko. Tiningala ko siya at tumango. Wala akong makitang dahilan para layuan ang taong nagligtas sa buhay ko. Utang ko ang buhay ko kay Acades.

Enticing the Demon's Arousal [BL]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon