light
ELORDE'S POV
Naalimpungutan ako ng maramdaman na wala na ang malaking bulas ni Acades sa tabi ko. Pagod ang katawan ko na iminulat ang mata at sinipat ang tabi ng higaan. Walang Acades akong nakita dito kung kaya't bumangon ako sa pagkakahiga.
Napahawak ako sa damit na nakasuot na sa aking katawan. Malaki at alam kong hindi ito akin dahil wala naman akong kahit anong gamit dito.
"Anong oras na ba?" Ang bulong ko at sinipat ang bedside table ni Acades.
Nakita ko ang cellphone niya dito kaya tiningnan ko ang oras dito. Masiyado pang maaga para magpakita ang araw.
Nasaan kaya si Acades? Alam kong tumabi siya sa'kin kanina dahil naramdaman ko pa na ang nagmumutok niyang braso ang ginawa niyang unan sa aking ulo. At ang mabango niyang amoy, naamoy ko ito kanina.
Tumayo ako sa pagkakahiga at nakitang halos umabot sa aking tuhod ang laki ng kaniyang damit pang-itaas. Wala akong nakapa na pang-ibaba maliban sa boxer short ni Acades.
Malamig ang sahig ng kwarto niya dahil sa bumubugang air conditioner sa loob. Kinuha ko ang remote at pinatay ito. Ininom ko ang baso ng tubig na hinanda ni Acades at nagdesisyon na bumaba patungong kusina at binaybay ang naka dim na ilaw ng buong bahay.
"Magkano kaya ang bayarin nila sa maintenance dito? Parang walang tigil ang mga AC eh." Ang sabi ko at wala sa sariling kinusot ang mga mata.
Alam kong wala pa ako sa sarili. Meron man ay parang hinihili pa rin ang ibang parte ng utak ko dahil sa antok.
Hindi rin ako makatulog dahil sa kakaibang lasa ng nasa bibig ko. Naalala ko na hindi pala ako nakapaglinis matapos gumawa ng kababalaghan!
Kumuha ako ng isang baso ng tubig at sumandal sa marbled kitchen island ng kusina at sinimulang linisin ang bibig. Binasa ko ang labi at kinagat-kagat ito dahil pakiramdam ko ay may kung ano pang natuyot dito!
Napanguso ako at gamit ang libreng kamay ay hinawakan ang makasalanang labi. Ano ba itong pinagagawa namin ni Acades? Kung makawaldas kami ng bawat-isang katawan ay parang mag-nobyo o ano kami. Siya lang ang lalaking may kayang baliwin ako ng ganito. Idagdag mo pa ang ideya na siya lang ang kauna-unahang lalaki na nakagawa sa akin nito. Ang may kayang painitin ang katawan ko at ang alisin ang mga natitirang inhibisyon ng aking katawan.
Nagiging makasalanan ako kapag si Acades na ang pinag-uusapan.
"Ano ba itong pinag-iisip ko. Tsk, Elorde naman kasi, ang rupok!" Ang dapat pinaglalaanan ko ng oras ay ang isipin sa kung papaano ko sasabihin kay Acades na pakawalan ako.
Papakawalan. Dahil literal na nakakulong naman ako dito. Hindi ito labag sa aking kalooban pero hindi niya ako dapat pagbawalan dahil may buhay rin ako. Paano na lang sina Lolo at Lola? Ang pag-aaral ko? At kung 'di ako makapasok sa university ay paano nalang ang kaibigan ko? Paniguradong mag-aalala 'yun!
Siguro kukumbinsihin ko na lang siya gamit ang mga rason ko. Siguro naman ay hahayaan niya ako. Hindi niya rin naman ako mapipigilan.
May buhay ako at may buhay rin siya. Maliban sa kung anong laro ang aming kinakasangkutan ay may kaniya-kaniya kaming desisyon.
"Are you lost, baby boy?" Muling bumalik ang ala-ala namin ni Acades. Ang mga salita niya. Ang magaspang at dominanteng boses niya. Ang mga salita niyang may laman.
Napapikit ako at akmang ibabalik na sana ang baso sa lababo ng may narinig akong putok ng baril! Namutawi ang tunog ng kung anong pagkabasag sa loob ng kusina at dito ko napansin ang nabasag na baso— nabitawan ko dahil sa gulat!
BINABASA MO ANG
Enticing the Demon's Arousal [BL]
Teen Fiction"Are you lost, baby boy?" - Acades Acel Villamayor-Zapanta REVAMP STARTED: 03-29-24 DATE FINISHED: OFFICIAL COVER: