eggs
ELORDE'S POV
"Baby boy," 'Yan na naman tayo sa pangalan na 'yan eh. Tinawag niya ako muli dahil hindi ako kumibo. Tiningnan ko lang siya.
Bakit siya nandito? Sinundan niya ba ako? Bakita baby boy ang tawag niya sa akin? Mukha ba akong paslit na uhugin sa paningin niya? At isa pa, may pangalan naman ako ah. Sinabi at nagpakilala ako sa kaniya.
Ang sabi ko, ako si Elorde Sol Concepcion at hindi si 'baby boy' niya. Hawak-hawak ang pinamili ko kanina, tinitigan ko siya, mata-sa-mata. Prente lang ang tingin ko sa porma niya pero ayaw akong tantanan ng makamundong iniisip dahil sa kung gaano siya kakisig at gwapo.
Ngayon lang ako nakakita ng lalaking ganito ka gwapo. Yung kalbo niyang buhok, pero may buhok pa rin naman. Ang kakaibang kulay ng kaniyang mata, habang ang kaniyang mukha ay papasa na bilang actor sa pelikulang aksiyon at romansahan. 'Di ko tuloy maiwasan ang mapakagat-labi dahil sa mga iniisip ko.
Ano ka ba Elorde! Bakit ganiyan ang mga iniisip mo? Baka nga sinundan ka talaga niyan dahil may utang ka sa kaniya. Oo, paniguradong sa bayarin sa hospital kaya siya sumunod sa akin. Pero binangga niya ako kaya dapat libri na, hindi ba at ganun naman dapat?
"U-Uhm, k-kaya ko naman na maglakad pa pauwi, sir. Maraming salamat na lang po." Ayaw ko ng idagdag pa ang tungkol sa posibelng utang ko sa kaniya.
Dominante at parang isang hari kung maglakad siya papunta sa harapan ko. Sa bawat hakbang niya ay ang unti-unti ko naman nap ag-atras. Ganoon ang nangyayari sa amin. Tumigil lang siya ilang dangkal ang layo ng mukha ko sa kaniyang dibdib. Oo, ako na ang maliit.
Parang namuo ang butil ng pawis at kinapos ako ng hininga ng bumaba ang labi niya malapit sa tenga ko. Ilang lunok na ang nagawa ko bago ko narinig ang boses niya na nakakapanghina ng kalamnan.
"No escaping from daddy, baby boy." Isang mahinang ungol ang lumabas sa bibig ko dahil sa pagdampi ng kaniyang labi sa tenga ko.
"Dadd— ha, sino ka?!" Nawindang ako ng maalala na 'di ko pala siya kakilala man lang.
Bakit ba rumupok ang panindigan ko pagdating sa lalaking 'to? Natural lang ba sa parang isang lalaki na katulad niya ang maging dominante at nakakapanghina ng kagaya ko? O sadyang marupok ang katawan ko sa init ng kaniyang katawan.
Dali-dali na sana akong tatakas pero nahawakan niya na ang likurang kwelyo ng aking damit at inikot ako. Nabusangot naman ang mukha ko at napayuko. Tinarayan ko na lang ang dalawa niyang sapatos na parang ito ang may kasalanan sa kamalasan ko ngayong araw.
"Wala talaga akong pambayad sa'yo. Mahirap lang ako k-kaya pakawalan mo na ako, p-please?" Kahit man ay hindi ko gusto ang trato niya sa akin ay kailangan ko rin ang magpakumbaba.
Ako ang tagilid ngayon sa sitwasyon namin. Baka mabugbog pa ako dito. Paniguradong wala man lang tutulong sa akin. Napahawak ako sa pulsohan ko at kagat-labing pinigilan ang sarili na maiyak.
Tiningnan ko siya sa mukha at gaya ganina ay parang walang paki-alam ang ekspresyon pero may nabasa ako sa mga mata niya. Siguro isa siya sa mga tao na malihim dahil malimit itong magsalita.
"Sumakay ka na. Ihahatid na kita." ...at kung masalita naman ay parang may galit sa kaharap niya. O baka nga galit talaga siya sa akin? Hindi na ako masosorpresa pa.
Pero teka. H-Ha? Ano daw? Tama ba ang dinig ko sa sinabi niya? Ihahatid niya raw ako? Eh bakit?
At kung ihahatid man niya ako, kailangan talagang ganito kung pigilan ako? Dapat talagang hawakan ang kwelyo at itaas hanggang sa halos hindi na maka-apak sa sahig ng daan? Ang bastos naman!
BINABASA MO ANG
Enticing the Demon's Arousal [BL]
Ficção Adolescente"Are you lost, baby boy?" - Acades Acel Villamayor-Zapanta REVAMP STARTED: 03-29-24 DATE FINISHED: OFFICIAL COVER: