Chapter 18

1.6K 106 35
                                    

tracked

ELORDE'S POV 

Walking the distance of Ehito and Luningning is a peaceful errand thing to do. Kahit pa umulan o mainit ang panahon, there should be no problem with basking in the clean and refreshing air of Maraya.

Hawak ang basket na pinapadala ni Lola Sanny ay payapa kong nilalakad ang gilid ng daan papuntang Luningning. Napag-utusan ako ng Lola na puntahan ang mansion ng mga Buenavista at ibigay ang mga gulay na inani ng Lolo.

Hindi ko nga maintindihan kung bakit pa kailangan bigyan ng Lola ang pamilyang 'yon eh ang dami-dami nga nilang pananim. Pero ang isipin na kukuritin ako ni Lola kapag hindi ko susundin ang gusto niya ay mas pinili ko na lang ang sumunod.

Ang tanda-tanda ko na pero kinukurot pa rin ako ni Lola sa tagiliran. Napanguso na lang ako habang iniisip ang hapdi ng kurot niya.

Dumaan ang malamig na hangin kaya napahawak ako sa laylayan ng sweatshirt na suot ko. Inayos ko rin ang suot kong bonnet sa ulo ko.

"Umaambon na naman. Kailangan ko ng magmadali at baka maabutan pa ako ng ulan." Ang bulong ko sa sarili.

Nadaanan ko na ang sakahan at rancho ng mga Buenavista pero nasa puso ng Luningning ang mansion ng Buenaventura. Mula sa kinakatayuan ko ay natatanaw ko na ang matayog nitong estraktura.

"Magandang umaga," Ang bati ng mga kababaehan na kasing-edad ko rin naman.

Ngumiti ako sa kanila at tumango, "magandang umaga rin sa inyo." Ang bati ko sa kanila pabalik.

Gaya ko ay ngumiti lang sila at nagpatuloy na sa paglalakad. May mga bata rin akong nakakasabay sa paglalakad na naka-uniporme. Ang alam ko ay may malalaking paaralan na ang Maraya na pinatayo ng mga Buenavista. Kung noon ay nagsisimula pa lang madagdagan ng paaralan ang Maraya simula ng mamahala si senyorito Jakob, ngayon ay nabalitaan ko na may external studies unit na ng isang state university ang Maraya.

Tiningnan ko ang punong-puno at may kabigatan na basket, "hindi ko masisisi kung bakit malaki ang respeto ng mga tao sa mga Buenavista dahil malaki talaga ang pinagbago ng lugar dahil sa kanila."

Naiintindihan ko kung bakit halos lahat ng tao ay paliguan ng pasasalamat at mga bagay na pwedeng ibigay sa mga Buenavista.

*BEEP* *BEEP*

Halos mapatalon ako mula sa malalim na pag-iisip ng biglang dumaan ang dalawang SUV sa aking giliran. Nakilala ko kaagad na isa sa mga Buenavista ang mga sasakyan dahil sila lang naman ang nagmamay-ari ng ganitong klaseng sasakyan sa lugar namin.

Huminto ako at pinanood na dumaan ang unang SUV na may pinapagitnaan na isang puting Rolls Royce Phantom, habang sinusundan naman ito ng isa pang SUV. Wala akong intensiyon na alamin kung sino ang lulan ng sasakyan pero kumalabog kaagad ang puso ko ng mapagtanto ko na kilala ko ang taong ito.

Nakababa ang bintana ng sasakyan niya kaya kitang-kita ang magandang mukha ni senyorito Miracle.

"Ang ganda..." Ang bulong ng isang batang babae na nasa tabi ko. Pareho kaming nakatitig sa mukha ng taong lulan ng sasakyan.

Tumitingin si senyorito sa daanan at kumakaway sa mga nadadaanan. Nakita ko kung paano huminto ang sasakyan sa gilid ng daan, sa pwesto ni Nanay Consolacion, ang matandang nagbebenta ng barbeque. Nagsibabaan ang mga securties na kasama ni Senyorito at pinagbuksan siya ng mga ito.

Tahimik lang akong nanonood. Maligalig si Nanay Consolacion sa walang arteng si senyorito Miracle. Kahit ako ay hindi pa nasasanay na sa kahit anong yaman nitong taong ito ay walang arte itong tinutlungan si Nanay Consolacion sa pag-iihaw ng paninda.

Enticing the Demon's Arousal [BL]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon