Chapter 22

2K 113 41
                                    

taste

ELORDE'S POV

Malakas ang buhos ng ulan kaya nagising ako. Marahan lang ang tunog ng bubong namin dahil gawa ito sa nipa, hindi katulad sa gawang yero dahil matunog 'yon kapag ulan habang mainit naman sa tag-init. Pikit-mata pa akong bumangon at inayos ang pagkakasalansan ng kurtina ng bintana dahil pumapasok ang ulan.

Sinipat ko mula sa bintana ang Luwal, ang baryo na nasa kabundukang bahagi ng Maraya. Mukhang babaha o lalaki ang tubig ngayon sa mga ilog dahil malakas ang buhos ng ulan mula sa ibabaw.

Gusto ko pa sanang matulog pero ang maalala na nangako pala ako kay Ram na pupunta ako sa mansion nila ang nagtulak sa akin na lumabas ng kwarto. Wala pa rin si Lolo at Lola, mukhang na stranded din sa lakas ng ulan. Hindi ko kailangan mag-alala dahil kapag ganitong panahon ay mabilis tumugon ang mga tauhan ng mga Buenavista lalong-lalo na pagdating sa mga magsasaka.

"Ito na siguro 'yong sinasabi ni Lola na dadalhin ko sa mansion nila Ram. Teka, mukhang may kabigatan 'to ah." Isang lanyera lang ang ginawa ni Lola Sanny para kay Donya Glenda pero ang bigat nito.

Sinubukan kong itaas ito gamit ang isang kamay, medyo nahirapan ako pero nadala naman gamit ang dalawang kamay. Ngayon ang tanging aalahanin ko na lang ay kung papaano ako makakapunta kina Ram sa ganitong panahon.

Pumasok ako sa loob ng kwarto at hinanap ang cellphone ko sa loob ng maleta. Tiningnan ko kung may message ba si Ram sa akin ng kahit anong updates sa byahi niya pero wala naman. Ngunit may isang mensahe doon galing kay Acades. Binaliwala ko muna ito at inunang e-message si Ram na mag-ingat sa lipad niya lalo pa at nararamdaman ko na may paparating na bagyo.

Binuksan ko ang message box namin ni Acades, bago na ito dahil nabura na lahat-lahat ang meron kami sa cellphone na'to. Buti at memoryado ko pa ang numero niya. Kagat-labi ko itong nilagay bilang isa sa mga contacts ko.

Kapitbahay na Hubadero:

Baby, pupunta ako mamaya sa site. I'll visit and check if everything's okay. I will leave you in the hands of Morgan and Xander. Tawagin mo lang sila kung may kailangan ka. I love you.

How could I forget the fact that this man has a multiple degree with multiple job descriptions? Acades Zapanta graduated in Civil Engineering, Business Administration, Law, and the likes. Iniisip ko pa lang kung gaano siya katalino ay namamangha na ako.

Should I reply to his message? Tiningnan ko kung anong oras ko ito natanggap. Halos isang oras na rin ang nakalipas. I composed a short but informative message for him.

Ako:

Pupunta ako ngayon sa mansion ng mga Dela Fuentes para kay Ramarie, ang kaibigan ko.

Binasa ko ulit ang message ko. Kompleto ang pangalan ni Ram para hindi mag-assume ang isa na baka lalaki ang kikitain ko. Mahirap na at baka biglang sumabog 'yon.

Wala pang isang minuto ay natanggap ko ang reply niya.

Kapitbahay na Hubadero:

I'll have my men assist you. Huwag kang pupunta doon ng mag-isa. Ako ang susundo sa'yo. Take care, baby.

Namula ako sa reply niya. Walanghiyang lalaki na'to. Alam na alam kung paano kunin ang loob ko. Hindi na ako nag reply dahil sa mensahe pa lang niya ay desidido na siya. No room left for an argument and clearly imposing his dominance on me. Maingat kong nilagay cellphone sa banig at nagpalit ng damit.

Matapos ang lahat ng pag-aayos ay tiningnan ko muna kong naka-uwi na ba sina Lolo at Lola pero wala pa naman. Buti at nakapagpaalam na ako kanina pa lang kay Lola para maiwasan na mag-alala 'yon ng wala ako dito pagdating nila.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 31 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Enticing the Demon's Arousal [BL]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon