limits
ELORDE'S POV
Closer, I grip the tool inside my bag. I could easily finish those three bigots with the thing I'm clutching right now, but this man came.
Acades came.
In this world, a hero came. A person who willingly embraced me with no disgust or remorse for the dirt other people saw me. For the first time, someone was willing to be dirty just so he could reach my level. This time, I didn't need to push my limits just so I could reach him— the devil rose from his seat and lowered himself for me.
But I'm no damsel in distress. I know I can protect myself. Slowly, I let the tool slip from my hands and into my bag again.
-
Kung sa ibang pagkakataon ay baka tumakbo na ako sa takot sa mga oras na'to. Gaya ng palaging ginagawa ko, tumatakbo ako sa problema. Isang katangahan lang din ang tumakbo ako sa mga problema ko, pero heto ako ngayon— ang problema na mismo ang sumusunod sa akin.
Pero ngayon hindi. Malakas ang kutob ko na walang problema ang dadating sa akin, dahil akap-akap ng taong kung tutuusin ay estranghero sa akin— Acades Zapanta. Sa katunayan ay malakas ang kapit ko sa mamahaling suit ni Acades habang karga-karga niya ako sa kaniyang mga bisig.
Pilit kong pinipigilan ang sarili na magpakawala ng hikbi. Kagat-kagat ko ang aking labi para pigilan ito. Ewan ko, pero malaki ang kompyansa ko sa aking sarili na maiyak at magpakita ng kahinaan sa harap ng lalaking 'to. Nararamdaman ko, iba siya sa inaakala ng iba.
Takbo. Tatakbo. Tumatakbo. Tatlong salita pero iisa lang ang salita. Dapat 'yan ang unang ginawa ko noong mamulat ko ang mga mata sa ospital na 'yon. Sa paggising ko, nakilala ko na kung sino ang lalaking nasa loob ng kwarto.
Paano ko makakalimutan ang isa sa tatlong tao na nakita ko sa kabilang unit. Nandoon si Acades pero ang tinawag sa kaniya ng kaniyang mga kasama niya ay Acel.
Dapat tumakbo na ako nun, dapat nagtago at hindi nagpadarang sa init ng damdamin. Ngunit ang tukso ang nagiging kakampi ko sa oras na 'yon. At nakita ko na lang ang sarili na nadadarang sa apoy na sinimulan ni Acades.
Lupaypay ang kanang kamay ko, habang ang kaliwang kamay ay walang lakas na nakasuporta sa balikat ni Acades. Gusto kong gawin ang iniisip ko, na dapat nagtatakbo na ako palayo sa lalaking ito dahil delikado. Mas delikado pa sa tatlong manyakis na 'yon.
Pero ayaw ng puso't-isipan ko. Nagsisigaw sila na tama na ang pagtatakbo. At kahit ngayon lang, hayaan naman namin ang aming pisikal na katawan ang magpahinga.
Dahil pagod na pagod na ako. Ang gusto ko na lang ay makaalis sa lugar na ito.
"Uuwi na ako, Acades..." Ang nanghihina kong bulong sa kaniya. "Gusto ko ng magpahinga. Pagod na ako." Naramdaman ko ang paghigpit ng kapit niya sa aking katawan habang patuloy lang siyang naglalakad.
Sa kung saan? Wala na akong pakialam pa. Wala akong ibang ini-isip kundi ang malayo sa lugar na'to.
"Kung dumiretso na lang sana ako pauwi sa apartment ay baka 'di nangyari sa akin 'to." Bakit parang naging kasalanan ko pa na may mga taong halang ang bituka? Bakit parang naging kasalanan ko pa na kahit ang ayos-ayos ng suot ko— sa huli ay napagtripan pa rin ako.
Alam ko sa sarili na maraming gago sa daan pero nagpabaya pa rin ako sa sarili.
Naglalakad lang ako, pero nabastos pa. Bakit parang kasalanan ko pa? "Bakit ba kasi ang t-tanga ko?" Talaga bang tanga ako sa isiping kahit wala naman akong pinapakitang tukso ay meron pa ring natutukso?
BINABASA MO ANG
Enticing the Demon's Arousal [BL]
Novela Juvenil"Are you lost, baby boy?" - Acades Acel Villamayor-Zapanta REVAMP STARTED: 03-29-24 DATE FINISHED: OFFICIAL COVER: