breathe
ELORDE'S POV
"Elorde, apo..." Para akong binuhusan ng malamig na tubig at dali-daling tinulak palayo si Acades sa akin nang marinig ko ang boses ni Lolo. Lagot na!
Nakita ko kung paano bumusangot ang mukha ng lalaking kasama ko ngayon. Para siyang bata na inagawan ng candy at galit na galit. Pinanlakihan ko siya ng mata para umayos siya.
"Lo, nandito po ako sa bakuran, kasama ko po... ang lalaking nag-order ng kakanin kahapon." Ang sabi ko at nakita ko naman na lumabas si Lolo Ambo galing sa likurang bahagi ng bahay-kubo.
"Aba at sana ay pinapasok mo muna sa bahay ang bisita. Mainit pa naman sa labas." Tinanggal ni Lolo ang kaniyang salakot at hinarap ang kasama ko.
"Magandang hapon, tito. Napadaan lang ako para pasalamatan kayo sa ginawang kakanin. Nasarapan ako. It tastes extra good." Napakamot ako sa siko ko dahil sa makahulugang sinabi ni Acades. Ang loko sa akin talaga nakatitig habang sinasabing masarap ang kakanin.
"Mabuti naman at nagustuhan mo, malaki ang binayad mo sa asawa ko kaya pinag-igihan namin 'yong gawin kasama itong apo ko." Sus kung alam ko lang na siya pala ang nag-order ng kakanin ay baka hindi na ako nagpakita sa bahay niya.
"Too bad I'm still craving for more," ayan na naman siya sa mga salita niyang alam na alam kong may iba pang kahulugan.
"Ha? Ano iyon anak?" Ang naguguluhang tanong ni Lolo kay Acades.
Bago pa man siya makasagot ay ako na ang sumagot kay lolo, "pumasok na tayo sa loob, lo at uuwi na rin po siya. Yon ang sabi niya."
"But I don't want to go yet," at nagmaktol pa talaga! Naguguluhan namang tumingin si Lolo Ambo kay Acades at sa akin.
"Mukhang ayaw niya pang umuwi, apo. Hala sige, magkakilala na ba kayong dalawa?" Medyo kinabahan ako sa tanong ni Lolo kaya hilaw akong natawa sa tanong niya.
"Hindi," ang sagot ko.
"Of course," ang sagot ni Acades.
Pareho kaming nagsukatan ng tingin. Alam kong hindi magsisinunangaling lalong-lalo na sa nakikita kong determinasyon sa mga mata niya. Acades intends to meet my family, and he's there's no hiding for him. Looking at his powerful stance, alam ko na tama ako. Kung tama ang pagka-alala ko ay gusto niya ring humarap sa pamilya ko noon pa man.
Natapos din ang araw na 'yon dahil nakumbinsi ko si Lolo na uuwi na si Acades, ang bagong kapitbahay namin. At talagang kapitbahay ko pa talaga ang damuho. Hindi man lang nagtayo ng bahay niya sa ibang parte ng Maraya, dito talaga sa baryo namin at talagang sa pinakamalapit na lupain pa kung saan ako nakatira. Walang palya, lahat nakukuha niya pa rin.
Acades is still powerful. The thought calms my heart. If he can freely do things and act like the free man he is, I am certain that the organization kept its promise to me.
"Kami nga at tapatin mo apo. Nakita ko kung paano tumingin iyong kapitbahay natin kanina sa'yo. Anong relasyon mo sa taong 'yon?" Akala ko ay nakalusot na ako sa mapanuring mga mata ni Lolo pero hindi pa rin talaga.
Nanahimik lang siya kanina pero alam ko, basi pa lang sa naninimbang na tingin ni Lolo kay Acades kanina, nakilala na niya kaagad ito bilang isa sa mga taong nakakonekta sa akin. Ang hindi niya alam ay kung anong klaseng relasyon ang meron siya sa akin kaya ito ang tinatanong niya.
Ayaw kong magsinungaling, pero ayaw ko rin naman na malaman ni Lolo at Lola kung anong klaseng buhay ang meron ako noon. Dahil tiyak malalaman nila ang kung anong meron ako noon sa siyudad.
BINABASA MO ANG
Enticing the Demon's Arousal [BL]
Teen Fiction"Are you lost, baby boy?" - Acades Acel Villamayor-Zapanta REVAMP STARTED: 03-29-24 DATE FINISHED: OFFICIAL COVER: