Chapter 13

1.8K 102 27
                                    

kill

ELORDE'S POV

Naglalakad ako palabas sa school gate kasama si Ram dahil kakatapos lang ng aming klase. Hindi naman masiyadong dis-oras na ng hapon pero medyo may pagka-dilim na rin ang langit. Hindi naman ako sinita nina Albee, nakatayo lang talaga sila sa labas ng library habang may inaaral ako doon na isang libro.

"Kabog ka talaga, Kit. Tingnan mo oh, pinagtitinginan tayo dahil sa PBG mo." Sabi ni Ram at ngumuso sa dalawang lalaki na nasa unahan namin. Nagpapasalamat naman ako sa espasyo na binigay nila sa akin para makapag pokus sa ginagawang school activity.

Umiling lang ako sa kaniya at hinigpitan ang kapit sa strap ng bag. Naalala ko tuloy na si Acades ang susundo sa akin ngayon— posible kaya na inaantay niya pa rin ako kahit na natagalan ako? Hindi naman siguro.

Gamit ang isang kamay ay inilapit ko sa aking labi ang mamahaling kape na nilibre ni Ram sa akin.

"Huwag mo na ngang ipamukha sa akin, sa tingin pa lang ng ibang tao ay parang ang laki ng kasalanan ko." Napanguso ako sa sinabi lalo pa't nalasahan ko ang mapait na kape. Kasing-pait ng mga tinginan ng ibang naglalakad na estudyante. Alam kong nanibago lang sila sa akin, 'di nga nila ako napapansin noon kaya naiintindihan ko ang pagtataka sa mga mata nila.

Dahil dumidilim na ay kakikitaan na wala na masiyadong estudyante maliban sa mga maintenance na labas-pasok sa loob.

"Asus huwag mo yang isipin at ang isipin mo ay kung papaano mo ipapakilala ang lalaking nakabihag ng mailap kong kaibigan. Aba't kung inaakala mong I forgot, no sissy, I didn't!" Ang maarteng sabi ni Ram at nag hairflip. Natawa na lang din ako.

"Padilim na Ram, may susundo ba sa'yo?" Ang pag-iiba ko ng usapan. Dapat kasi nauna na siyang umuwi, ako lang naman talaga ang may kailangan e-catch-up pero sinamahan niya pa rin ako at tinulungan sa ibang written activities ko.

Napatingin siya mula sa binabasang kung ano sa cellphone. Malakas ang ilaw nito kaya tama lang para mailawan ang mukha niya. Nakahawak naman siya sa braso ko, naka-angkla, kung iyan ang tamang salita kaya kampante siya sa paglalakad. Buti na lang at bitbit nina Albee ang ibang gamit ko.

"Yes, my friend dear! Nag message na ang driver ko, siya raw ang kukuha sa'kin dito dahil malapit lang siya. Gaga siya eh dapat lang talaga kasi trabaho niya 'yon." Itinaas niya ang tingin at pinaslak ang cellphone sa handbag niya. Pareho kaming natawa sa sinabi niya. Oo nga naman, bakit parang utang niya pa na sunduin ang amo niya?

Tumigil lang kami sa paglalakad ng marating namin ang exit gate ng university. Mula dito ay nakikita ko na ang sasakyan na palaging ginagamit namin nina Aljoe at Albee. Tinuro ko ang sasakyan namin kay Ram pero sinabi ko pa rin sa kaniya na hihintayin muna namin ang kapatid niya bago kami umalis lalo pa't gabi na.

"So keylan mo ako personal na ipapakilala kay Mr. Acades Zapanta?" Akala ko ay nalimutan na niya ang diskusiyon pero mukhang hindi. Tiningnan ko siya at tinaasan niya lang ako ng kilay.

"Palaging may ginagawa yon Ram eh, hindi nga rin yon sa bahay tumatambay kapag may pasok ako, marami yong ginagawa kaya hindi ko talaga alam kung keylan siya ipapakilala sa'yo. Mukhang wala naman siyang problema kung ipakilala kita dahil alam niya na ikaw lang pinagkakatiwalaan ko." Hindi ako nagsisinungaling.

Maliban na lang kung nasa bahay lang ako, umuuwi talaga si Acades at nagbibigay ng oras para sa akin pero kung may pasok ako ay nasa trabaho siya tutok.

"Kung ako, okay lang na hindi mo siya ipakilala sa akin sa ngayon, pero Lord mafren, sana naman ay huwag mong itago sa mga magulang mo ito ah. They deserve to know what's happening with your life here. Maliban sa akin, sina Lolo at Lola na lang ang pamilya mo." Napa-isip ako sa mga sinabi niya. Dapat ko na ba talagang sabihin? Alam kong maiintindihan nila ako Lolo at Lola pero natatakot pa rin ako. Baka kasi kung keylan ko pa sabihin ay biglaan nalang magbago ang lahat. Natatakot akong baka magising ako sa isang panaginip.

Enticing the Demon's Arousal [BL]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon