Chapter 12

2.1K 109 20
                                    

tattoo

ELORDE'S POV

Napatingin ako sa katabi ko. Pangiti-ngiti ako habang binabalingan ng tingin si Acades sa tabi. Siya ang nagmamaneho ng sasakyan habang tinatahak namin ang university. Sa isiping university ay parang kinakabahan na ako, mahigit kumulang isang lingo rin akong hindi nakapasok magmula nung gabi na dinala ako ni Acades sa bahay niyang may kalayuan sa siyudad.

"Damon, doon na lang ako sa may malapit na remittance sa school ha." Paalala ko sa kaniya.

Masaya ako ngayon dahil kakatawag lang ng Lolo at Lola sa akin. Medyo naawa nga ako sa dalawang matatanda dahil humihiling sila na bumisita ako sa probinsiya pero hindi ko lubos maisakatuparan at mas lalong hindi ko mahindian. May pera pa naman ako kaya magpapadala ako sa kanila.

"And why is that? Kinakahiya mo ba ako, Elorde?" Madilim ang tingin niya akong binabalingan. Nagmamaneho siya pero patingin-tingin siya sa gawi ko.

"H-ha? Acades naman, bakit mo naman maiisip 'yan? Remittance kasi 'yon. Magpapadala ako kina Lolo eh." Inabot ko ang libreng kamay niya at hinawakan ito.

"Better be, baby." Napangiti ko siyang tiningnan ng marinig ko siyang tinawag ang palayaw niya sa'kin. Kahit anong itawag niya sa akin, basta sa kaniya galing, nakakakilig talaga.

"Do you need money?" Umismid ako sa kaniya na kinatawa niya.

"Sugar daddy ang ganap mo." Tukso ko sa kaniya.

"I bought you a jet for your birthday, baby. Call it whatever you want, but I'm still spoiling you." Kinuha niya ang kamay ko na malapit sa kaniya at hinalikan ito habang ang mga mata ay naka-sentro pa rin sa dinadaanan namin. Kapag nahinto ang sasakyan ay tinitingnan niya ako at binibigyan ng maangas na ngiti. Namumula ang pisngi ko sa mga sinasabi at ginagawa niya.

"May pera kaya ako at tsaka diba maghahanap ako ng bagong trabaho maya-maya? Si Ram na lang isasama ko, Acades." Palagi niyang tinatanim sa isipan ko na hindi ako mangagamit at pareho kaming nasisiyahan sa relasyon namin.

"Hmm..." Hindi siya tumango, hindi rin niya ako binalingan ng tingin. Iyon lang ang sagot niya. Masiyadong matipirin sa mga salita talaga ang lalaking 'to kapag ito ang binubuksan kong usapan.

"Hindi ko pinipilit na intindihin ang nakaraan ko Acades. Alam kong kahit labag sa kalooban mo ay pumayag ka lang na maghanap ng trabaho. Sana maintindihan mo rin na ang pagsasayaw at p-paghuhubad ang bumuhay sa akin at sa mga taong mahalaga sa akin. Alam ko na mayaman ka, pero 'di ako sanay na umako ng pera na hindi ko pinaghirapan, Acades."

Bumaba ako ng sasakyan sa harapan ng isang remittance outlet. Si Acades ay seryoso lang akong tinitingan ng tuluyan na akong nakababa sa sasakyan niya. Nasa gitna kami ng siyudad pero nakakaagaw pa rin ng atensiyon ang tindig ni Acades ng bumaba siya.

Tiningala ko siya at binigyan ng malapad na ngiti. Hindi pa gaano kataas ang tirik ng araw pero mainit na ang ulo nitong kasama ko. "Walang masama sa pagngiti, Acades." Ang paalala ko sa kaniya. Inabot niya ang ulo ko at ginulo ang buhok ko.

"They're not you, why bother smiling? My smiles are reserved only for you, baby." Tipid man ang pagkakasabi nito ay hindi pa rin nawala ang reaksiyon ng mga malalanding palaka sa tiyan ko!

Kinuha ko ang mga kamay niya at inayos ang manggas ng damit niya. Nakasuot siya ngayon ng mamahaling terno ng damit na kadalasang ginagamit sa opisina.

'Di niya nabanggit kung saan siya pupunta at wala akong plano na pakialaman ang oras niya.

"Pupunta ako sa isa sa opisina ko malapit dito sa siyudad, I will have there checked before my next destination. Ako ang susundo sa'yo mamaya, baby." Kagat-labi akong tumango sa mga salita niya. Batas ang mga salita ni Acades sa relasyon namin.

Enticing the Demon's Arousal [BL]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon