Split Again by JellOfAllTrades
Chapter 9
"Raegan?"
Nagising ako nang maramdaman kong wala sa tabi ko si Raegan. Umupo ako sa kama at tumingin sa kadiliman ng paligid. Sabay naman kaming nakatulog kanina. Asan na siya?
"Raegan?" Tawag ka ulit pero walang sumagot. Baka nasa CR?
Nahiga na lang ulit ako at hinintay siya. Siguro dahil gabi na nga ay nakatulog ako ulit, kung gaano katagal, hindi ko alam. Basta naalimpungatan ulit ako pero wala pa rin si Raegan sa tabi ko.
Tumayo ako ng kama at pumunta sa may CR pero wala naman siya doon kasi hindi naka-lock yung pinto. Paglabas ko, naaninagan ko ang ilaw sa may study room ni Raegan.
Bumaba ako ng hagdan at lumapit sa glass separated room ni Raegan. Normally ay makikita mo ang loob noon pero dahil nakaharang ang blinds ay hindi ako sigurado kung anong ginagawa ni Reagan sa loob.
Marahan kong binuksan ang pinto at narinig ko ang boses ni Raegan.
"It's not that easy!" Frustrated niyang sabi tapos may narinig akong parang may pinupunit, ginugusot na papel tapos naaninagan ko ang mabilis na paglipad ng bolang papel sa kabilang parte ng maliit na kwarto.
Binuksan ko na nang tuluyan ang pintuan at tumama sa mukha ko ang malamig na hangin ng kulob na kwarto. "Raegan?"
"Genesis! Gising ka pa?" Nagulat si Raegan sa akin.
"Nawawala ka eh," Sabi ko at nilapitan siya. Naka-full blast ang aircon sa study room pero may mga butil ng pawis sa noo niya. "Anong ginagawa mo dito?"
Umiwas siya ng tingin. "Stuff,"
"Sinong kausap mo?" Tanong ko. Wala namang nakaopen na video call sa computers niya.
"Wala. Naiinis lang ako sa sarili ko."
"Pwede bang ipagbukas mo na 'yan? Gabi na. Tulog na tayo." Hinawakan ko ang kamay niya at naramdaman ang panginginig noon. "Raegan, pagod ka lang."
Pumikit siya saglit at tumango. "Okay, let's go."
Pinatay na niya ang computers niya, ang aircon at ang ilaw sa study room bago kami sabay na umakyat ng hagdan. Pagkahiga namin sa kama ay pina-unan niya ako sa braso niya at saka niya ako niyakap ng mahigpit.
"Sky, ang bilis ng tibok ng puso mo. Are you sure you're okay?" Tanong ko kasi rinig ko ang pagtibok ng puso niya.
"I'm fine. Hindi pa lang ako kumakalma sa ginawa ko kanina." Mahina niyang sagot.
"Ano bang ginagawa mo?"
"Multi-tasking,"
"Ha?"
"I was doing my thesis and drafting a report for the airlines. Nafu-frustrate lang ako sa pagkakamali ko sa calculations kanina."
Lumayo ako ng onti at hinaplos ang pisngi niya. Pinatay na namin ang ilaw kaya tanging ilaw mula sa labas ang umaaninag sa mukha niya. "Kalma lang ha? You're overworking yourself na naman."
"I'm just doing my best."
"Pero wag sosobrahan. Baka mapaano ka niyang ginagawa mo. Matutong magrelax."
"Relax naman ako ah?" Sabi niya at hinalikan ako sa noo. "I'm with you, how relaxed can I ever get?"
Napangiti ako sa sagot niya at niyakap na siya. "Just tell me when you need me, okay? I'm always here for you."
"Thank you."
------------------
Kinabukasan, binisita kami nila Alexa at Leah sa mansyon.
"Asan sila Dan?" Tanong ni Raegan nang makaupo na sila Leah sa couch.
"Oh, ba't mo hinahanap?" Asar ni Leah.
"Ba't hahanapin ang andito? Siyempre ang hahanapin ko yung wala." Pilosopong sagot ni Raegan.
Napangiti tuloy ako. Iba talaga 'tong dalawang 'to mag-asaran eh.
"Galit agad, boss?" Tawa ni Leah. "Wala si Dan kasi busy sa thesis niya. Alam mo na, nagreready sa pagpasok ng med school. Saka busy din siya sa girlfriend niya."
"Aww, bitter pa rin, Leah?" Asar ni Alexa. "Mag-iisang taon na sila Violet at Dan ah?"
"Kasi naman eehhh." Sumandal si Leah sa couch. "Bakit si Dan? Bakit hindi ako?!"
Natawa na lang kami sa kanya. Ang tagal na kasi niyang ganyan, hindi maka-move on kay Violet. Madami naman daw siyang flings at girlfriends pero hindi pa rin niya mahanap yung taong hihigit kay Violet.
"Baka naman kasi nakita mo na yung hinahanap mo pero dahil duling na duling ka kay Violet hindi mo siya mapansin?" Sabat ni Raegan. "Move on na kasi, Leah."
"Ang daling sabihin, hirap gawin." Nagtakip si Leah ng unan sa mukha.
May sasabihin pa sana si Raegan pero biglang tumunog ang cellphone niya. Nag-excuse siya para sagutin ito.
"So, Gene. Musta?" Tanong ni Alexa sa akin.
"Buhay pa naman." Sagot ko.
"Bakit, may pumapatay ba sa'yo?" Sabat ni Leah.
"Si Katarina, remember?" Sagot naman ni Alexa dito.
"Oh, oo nga pala. Sorry, I forgot. So, anong ginagawa niya para paghiwalayin kayo ni Raegan?" Tanong ni Leah sa akin.
"Wala pa naman. Civil kami sa office although feeling ko ang sama ng tingin niya sa akin minsan." Sagot ko. "Nagkausap na kasi kaming labas ang personal problems namin sa trabaho namin."
"Oh, fierce!" Tawa ni Leah. "Ligawan ko na lang kaya yun para di na kayo guluhin?"
"Asa," Tawa ni Alexa. "Si Violet nga na hindi naman naging girlfriend ni Raegan hindi mo makuha, yung ex pa kaya niyang naghahabol sa kanya ngayon?"
"Oy, oy, ba't pinaguusapan niyo 'ko?" Bumalik na si Raegan.
"Hindi naman ikaw pinaguusapan eh, si Katarina!" Sagot ni Leah. "Sa tingin mo, magandang ideya ba na ligawan ko yung ex mo?"
Natawa lang si Raegan. "Dude, you'd rather look for somebody else. Kahit ako nahirapang manligaw sa kanya."
"You're saying na hindi ko kaya yung ginawa mo?" Hamon ni Leah.
"I'm saying na unless sobrang determinado ka talaga, hindi mo siya mapapasagot. Kilala kita, Leah. Naghahanap ka lang ng fling." Sagot ni Raegan. "Unless gusto mong literal na ma-fling ni Kat, iwasan mo siya."
"Ayaw mo lang atang makuha ko ex mo eh,"
Natigilan si Raegan sa sinabi ni Leah pero agad naman itong ngumiti at inakbayan ako. "Leah, why would I even care for her anymore?"
Tinaasan siya ng kilay ni Leah. "Sure ka?"
"Absolutely sure," Tango ni Raegan. "Oo nga pala, may party ang Aphrodite house two weeks from now. Kasama ang barkada sa guest list nila Venus and Violet."
Bakit parang iniiwasan ni Raegan na pagusapan si Katarina? Saka bakit parang wala namang ginagawa si Katarina para paghiwalayin kami? Teka, baka naman inaahas na siya ni Katarina pag wala ako? Hindi naman siguro kasi kung ganoon nga ang nangyayari, sasabihin agad sakin yun ni Raegan.
"Si Violet ba yung tumawag?" Tanong ni Leah.
"Si Venus." Sagot ni Raegan. "I haven't actually heard from Violet lately. May ipapakiusap pa naman sana ako."
"Ano yun?" Tanong ni Alexa.
"Our closet needs to be arranged properly. And maybe even some few clothes." Sagot ni Raegan.
"Oh," Tango ni Leah.
"So, ano, punta tayo sa Aphrodite party?" Tanong ni Alexa.
"I think we should," Dagdag ni Leah. "Don't want to disappoint them. And besides, they throw the best parties other than the Dionysus House and the Grand Order."
"Gusto mo ba pumunta?" Tanong sa akin ni Raegan.
"Hala, ba't ako?" Balik ko sa kanya.
"Eh, ayoko naman pumunta ng kung anong party without you."
"Jusko, hashtag walang forever. Please, wag masyadong cheesy, Raegan." Singit ni Leah.
"Bitter ka lang eh." Pangaasar ni Raegan. "Inggit!"
Natawa na lang kami sa kanilang dalawa.
"Ano, punta ba kayo?" Tanong ni Alexa sa akin.
"Hindi ko alam eh," Pag-aalangan ko. "Familia Olympia party na naman. Ayoko na ng ganun eh."
"Gene, the Heir of Zeus yang girlfriend mo. She's bound to attend parties like that. Kasama mo naman siya kaya wala kang dapat ikatakot."
Kinilabutan ako sa pagbanggit niya ng Heir of Zeus. Matagal tagal na din kasi noong huli kong narinig iyon. Napatingin ako kay Raegan na nakikipagwrestling na kay Leah at naalala na naman ang lolo't lola nito.
"Pupunta kaya ang grandparents ni Raegan?" Tanong ko kay Alexa.
"Most likely. Si King Leo and Queen Olivia kasi yun. Insulto kung hindi sila iimbitahan sa isang House party." Paliwanag ni Alexa saka tumayo para awatin ang paghaharutan nila Leah at Raegan.
Tumigil nga ang dalawa pero pulang pula na si Raegan dahil sa kakatawa. Si Leah naman namumula din ang pisngi dahil sa pangungurot ni Raegan.
"Kayo talagang dalawa hindi pwede magsama!" Pangaral ni Alexa. "Umayos kayo ha! Di na kayo bata!"
"Minsan na nga lang eh. Ang KJ mo, Alexa." Sabi ni Leah.
"Kasal na kasi," Asar naman ni Raegan.
"Sige lang, Raegan. Wag mo 'kong simulan sa kasal kasal na yan. Uupakan kita, makikita mo!"
"Makikita ang alin?" Pilosopong sagot ni Raegan at ayun, hinabol na siya ni Alexa.
--------------
Ilang araw mula nang maimbitahan kami sa Aphrodite party ay dumating si Violet sa mansyon. Kasama niya ang isa pang babae na mukhang assistant niya.
"Thank you for coming," Bati agad ni Raegan sa kaibigan.
"Oh, please, I didn't came for you. I wanted to see Gene!" Dinaanan lang siya ni Violet at dumiretso para makipag-beso sa akin. "Hi, Gene!"
"Hello, Violet!" Natatawa ako kasi gulat na gulat si Raegan sa ginawa ng kaibigan. Siguro nasanay siya na hinahabol siya ni Violet kaya nabigla nang daanan na lang siya nito.
"Okay, that was uncalled for," Kumento ni Raegan. "Best of friends na pala kayo?"
"Soon enough," Kindat ni Violet kay Raegan.
Dumiretso muna kami sa drawing room at doon ay sinukatan ako ni Violet. Yung assistant niya ang nagsusulat ng size ko.
"Do you have a specific style, Gene?" Tanong ni Violet habang kinukuha ang waist line ko.
"No," Sagot ko.
"Dresses, shorts, pants, tshirt, blouses." Sagot ni Raegan para sa akin. Nakaupo lang siya sa couch at may kinakalikot na naman sa cellphone niya.
"Favorite color?" Tanong pa ni Violet.
"Green and white." Sagot ko.
"Wow, very Lasallian." Tawa ni Violet at natapos na ang pagsusukat sa akin. "Do you want me to add something else? Do you like floral, simple prints or you'd rather have no prints at all?"
"I can go with anything." Ngiti ko.
"Shoes?" Dagdag pa niya.
"May shoes na ako. Thank you very much." Ngiti ko at mejo nabobother na sa gagawin niyang pagayos sa closet namin ni Raegan. Kinausap na ako ni Raegan tungkol dito pero ayaw niya makinig sa akin na hindi naman namin kailangan ng wardrobe change.
"Okay. Raegan, your turn." Tawag ni Violet.
Tumayo si Raegan sa tapat ni Violet at ako naman ang naupo sa couch. Pinanuod kong sukatan siya ni Violet.
"Same style?" Tanong ni Violet.
"Yes."
"Colors?"
"The usual."
"Shoes?"
"I have them all, thank you."
Habang nagsusukat si Violet ay napatingin siya kay Raegan. "Wait, you've grown an inch from the last time I measured you."
"Its been three years, of course I've grown." Sagot ni Raegan. "Girls don't stop growing until at least they're twenty-one years old and I'm just twenty."
"But still, you've grown!" Diin ni Violet. "You're like, an inch and a half away from reaching six feet!"
"Wag mo na lang pansinin height ko, pwede?"
Nagpatuloy lang sa pagsusukat si Violet. "You can pass for a man you know. With that height of yours and this very flat chest. You just need a man's hair cut."
"I'm not sure if you're insulting me."
Natawa ako sa sinabi ni Violet. Tama naman kasi siya, mejo flat chested talaga si Raegan.
"Ge, tawa pa Genesis." Lingon ni Raegan sa akin. Dinilaan ko lang siya.
"By the way, are you coming to the party?" Tanong ni Violet matapos sukatan si Raegan.
"Yes." Sagot ni Raegan.
Napagusapan na kasi namin iyon ni Alexa and wala din akong nagawa kundi ang pumayag since sabi nga nila, kailangan kong masanay. Hindi rin naman kasi pwedeng hindi pumunta si Raegan dahil hahanapin siya ng mga tao.
"Do you need me to make your dresses?"
"Nah, I already have our dresses prepared." Sagot agad ni Raegan.
Napatingin ako sa kanya. "Meron na?"
"Yep."
"Oh, yeah, right. I forgot." Tango ni Violet at nginitian ako. "I've seen the designs, you'll love it, Gene."
"Ha?"
"It's a surprise," Sabi ni Raegan.
Sunod noon ay pumunta kami sa walk-in closet namin ni Raegan at tiningnan ni Violet ang mga damit at sapatos na andoon. Sabi ni Raegan kalahati lang naman daw ang mga damit na papalitan kaya sinulat na ni Violet ang mga dapat niyang gawin.
"So, I'll be back in three days time to fill in your closet. I'll send the bill the day after." Sabi ni Violet kay Raegan. "At least one of you should be here when I fix your closet, is that okay?"
"Okay." Sagot namin ni Raegan.
Nagpaalam na din kaagad si Violet at ang assistant niya kaya hinatid namin sila palabas. Pagkaalis nila ay naisipan naming libutin ang mansyon. Ngayon lang kasi kami nagkaoras pareho and honestly, hindi ko pa naeexplore ang buong bahay.
Hawak hawak ang kamay ko ay pinakita sa akin ni Raegan ang mga kwarto sa bahay. Maingat siya nang pinasok namin ang kwarto ng mga magulang niya at doon ko lang napansin na malinis ito pero parang hindi nagagalaw.
"Pinapalinis ko 'to kila Manang Yolly pero mahigpit ko silang pinagsabihan na wag gagalawin ang mga gamit nila mommy at daddy. This room is almost the same as when they left." Paliwanag ni Raegan habang tinitignan namin ang family pictures nila.
Malungkot na naman ang mga mata ni Raegan kaya't hinila ko na din siya agad palabas para ipagpatuloy ang tour namin.
Pinakita niya sa akin ang ilang guest rooms at ang music room nila. Aside sa itim na grand piano ay madami pang ibang instrumento sa kwarto. May drums, mga gitara, violin, cello, flute, madami. Pakiramdam ko nga lahat ng intsruments sa orchestra ay meron sa music room nila.
"Mom wanted us to play at least one instrument when we were kids kaya nag-aral kami ni kuya ng piano." Paliwanag ni Raegan at pinindot ang ilang keys sa piano.
"Yung ibang intsruments?" Tanong ko. "Andami pa oh."
"Mom knows how to play the piano and the violin. Pero si kuya Alex?" Mapait ang tawa ni Raegan. "He's a genius."
"Kaya niya lahat yan?!" Hula ko kaagad. Sa pagkakakilala ko kay Raegan natuto na akong magexpect ka agad ng malaki sa kaniya at sa pamilya niya.
"Yep. Pero yung guitar, piano, violin and cello lang ang namaster niya. The rest he only knows how to play amateurly."
Pinanuod ko lang si Raegan habang hinahawakaan niya yung ilang instruments na para bang inaalala ang nakaraan ng pamilya niya.
"Reiniel learned the piano, too. But he kind of hated it and saw it as a chore."
"So, kayo lang talaga ng kuya mo ang artistic?"
"Reiniel focused on the sciences kaya sobrang magkasundo sila ni dad."
Lumabas na kami ng music room at bahagyang pinakita sa akin ni Raegan ang studio room nila. Magulo kasi ang laman noon at sabi ni Raegan, hindi pa nakukuha ni Mam Marian Perez ang natitirang paintings ni kuya Alexander. Hangga't hindi niya daw iyon nakukuha ay walang ibang pwedeng pumasok sa studio room.
Sunod na pinakita sa akin ni Raegan ang library nila. Puno ito ng mga libro at may mga couches din and tables na pwede mong gamitin sa pagbabasa. Habang iniikot ko yung kwarto ay pakiramdam ko ako si Belle sa 'Beauty and the Beast' sa pagkamangha ko sa dami ng libro nila.
Habang tinitingnan ko yung collection nila ng Haruki Murakami books ay napansin kong tahimik si Raegan na nakaupo lang sa couch at nakatingala sa chandelier.
Tinabihan ko siya.
"Sky, okay ka lang?"
"This place seems so oddly empty without them." Mahinang sagot ni Raegan. "Hindi pa rin ako sanay kahit ilang taon na ang nakaraan."
"Ngayon mo na lang ba ulit inikot tong mansyon?"
"I stay in my room as much as possible."
Hinaplos ko ang pisngi niya at nang magtagpo ang mga mata namin ay kitang kita ko ang lungkot sa brown eyes niya. Ayoko talaga pag ganito siya.
"Andito naman ako oh, don't be sad."
Ngumiti si Raegan. "I know and I thank you for that."
----------------------------
"Ang ganda mo, nakakainis ka!"
"Ay wow, ginagawa ko sa'yo?" Natatawa si Raegan kasi kanina ko pa siya pinupuna. "Maganda ka rin naman kasi, ano ba. Di ka lang sanay na makita akong ganito."
Nasa kotse na kami at papunta na sa Laguna kung saan gaganapin ang party nila Venus and Violet.
Nasorpresa pa ako nang makita ko yung dress namin ni Raegan. Halos pareho ang design, mirrored nga lang at kulay green yung akin at sa kanya ay blue. Ito na ata ang pinaka-clingy na ginawa namin. Napapaisip tuloy ako sa pang-aasar na gagawin nila Leah mamaya sa party.
Pagkarating namin sa venue ay madami nang tao. Agad naman kaming sinalubong ni Violet at tuwang tuwa siya sa suot namin ni Raegan.
"You two are going to be the talk of the party!" Nanggigil niyang pisil sa braso ni Raegan.
"As always," Mahinang sagot ni Raegan.
"C'mon in. The gang's already here."
Dinala kami ni Violet sa table kung nasaan nakaupo na sila Alexa. Nang makita kami ay malakas ang tawa ni Leah. Nakurot tuloy siya ni Alexa dahil pinagtitinginan na sila.
"My goodness, Raegan!" Simula ni Leah. "Ang clingy mo talaga kahit kailan!"
"Inggit ka lang," Banat ni Raegan.
"Dude, ibang level eh!" Hagikgik ni Leah.
"Ano ba yan, Leah. Clingy naman talaga yang si Raegan eh." Sabi ni Jenny.
Si Alexa at Dan naman nakangiting nakatingin lang sa amin.
Nagsalita muna si Venus sa isang stage bago inihain ang mga pagkain. Kwentuhan at asaran lang ang ginawa namin sa dinner. Pagkatapos noon ay nagkaayan nang sumayaw. Siyempre, kami ni Raegan ang partner.
"Nageenjoy ka ba?" Tanong ni Raegan.
"Oo naman, kasama kita eh!"
Napangiti si Raegan at lalo pa akong inilapit sa kanya. Halos magkayakap na kaming sumasayaw.
Nakailang kanta din kami bago ako napagod at tinanong si Reagan kung pwede niya akong samahan sa CR. Pumayag naman siya at naglakad na kami.
Maraming bumabati kay Raegan kaya medyo natagalan kami. Si Raegan hindi naman naiihi kaya iniwan ko muna siya sa isang couple na ang pakilala niya ay mula sa Persephone House katulad ni Jenny. Dumiretso ako magisa as comfort room.
Ilang minuto ang makalipas ay lumabas ako ng CR at hinanap si Raegan. Nakita ko naman siya agad sa malapit, isang grupo naman ngayon ng matatanda. Lumapit ako at nang makita niya ako ay ipinakilala niya ako sa mga kausap niya.
Naguusap sila tungkol sa pagpapatakbo ni Raegan ng airlines nila nang may pamilyar na boses ang tumawag sa amin.
"Ladies Raegan and Genesis!"
Nagbow kami sa tapat ni King Leo at ng asawa niyang si Queen Olivia at dahil minamalas ata ako ngayon ay kasama nila si Mam Rina. Nagpaalam na ang grupong kausap namin ni Raegan kanina.
"Hi, Roli!" Ngiti ni Mam Rina na medyo ikinainis ko.
"Hi, Kat." Dry na sagot ni Raegan dito.
"Nagkausap na ba ulit kayo?" Tanong ni Queen Olivia kay Raegan.
"Opo,"
"Maayos naman ba ang paguusap niyo?" Tanong naman ni King Leo.
"Opo," Sagot ulit ni Raegan na halatang nabobother na sa topic.
"That's good then. Ayoko kasing makakarinig na may alitan sa pagitan ng Zeus at Apollo House, kahit na Eighth House lang si Lady Katarina."
Nabanggit na sa akin ni Roland Miraber na miyembro ng Apollo House ang mga Rodriguez, pero ngayon ko lang nalaman na sa Eighth House pala sila kabilang.
"Mabait naman po si Raegan, King Leo," Sabi ni Mam Rina. "Hindi niya magagawang magalit sa akin, 'di ba, Roli?"
Naramdaman ko ang kamay ni Raegan sa bewang ko at inilapit niya ako sa kanya. "Oo naman, Kat. No hard feelings 'di ba? Naexplain mo naman na kung ba't mo ako basta basta na lang iniwan."
Natigilan si Mam Rina sa sinabi ni Raegan pero hindi nawala ang ngiti nito sa mukha, nagpanggap na lang siyang hindi siya naapektuhan noon.
"Oh dear," Napatingin si Queen Olivia sa apo niya at kay Mam Rina tapos ay binigyan niya ng nagtatakang tingin si King Leo. Nagkaintindihan siguro sila sa tingin dahil maya maya'y nagpaalam si Queen Olivia na kakausapin lang ang head ng Aphrodite House.
"Raegan, pwede ba kitang makausap saglit?" Pakiusap ni King Leo.
Tumango naman si Raegan at pumunta sila sa isang tabi kaya naiwan kaming dalawa ni Mam Rina.
"Binebrainwash mo ba si Raegan?" Paratang agad sa akin ni Mam Rina.
"Ba't ko naman ibebrainwash yun eh imposibleng magawa ko yun kay Raegan."
"Mabait na tao si Roli, hindi nagtatanim ng galit yun."
"Baka naman kasi nasaktan talaga sa ginawa mo?"
Masama ang tinging ipinukol sa akin ni Mam Rina. "Wag kang magsalita na parang may alam ka!"
"'Di ba't kwento mo sa amin ni Rhian ay iniwan mo si Raegan dahil nagsawa ka sa kanya?" Sagot ko. "Maaaring yun lang ang alam ko pero kahit sino namang iwan na lang na katulad ng pangiiwan mo kay Raegan ay masasaktan talaga!"
"Don't you dare!" Nanggagalaiti na siya sa galit.
"Dare to what? Say the truth?" Hamon ko. "Katarina, iniwan mo si Raegan, nagmove on siya. Wag mo na kaming guluhin."
"Hindi." Diin niya. "Akin si Roli!"
"Mam Rina, kahit anong pilit mo. Hindi na babalik sa'yo si Raegan. Mahirap bang intindihin yun?"
"Hindi. Mababawi ko si Roli!" Pagmamatigas niya.
Napabuntong hininga na lang ako. "Bahala ka,"
Tinalikuran ko siya at pinuntahan si Raegan na nakikipagusap pa rin kay King Leo. Wala na akong pakialam kung bastos tingnan pero ayoko na sa party na ito. Gusto ko na umuwi.
Nakatalikod si Raegan at King Leo sa akin kaya hindi nila ako napansing papalapit. Hindi ko naman sinasadya na makinig sa pinaguusapan nila pero napatigil ako kasi nagaaway pala ang mag-lolo.
"Don't you dare say you don't care, Raegan!" Singhal ni King Leo. "Sa'yo nakasalalay ang Imperial bloodline!"
"And so? Dugo ko lang 'yun!" Sagot ni Raegan. "Hindi ako magpapadikta dahil lang sa dugo ko at mas lalong hindi ako magpapadikta sa Grand Order nang dahil ayaw niyo sa pagiging bisexual ko!"
"Tigilan mo yan!"
"Alin? Pagiging ganito ko?!" Napailing si Raegan. "Lolo naman! Tinanggap niyo naman na ako ah!"
"Noon yun!" Diin ni King Leo. "Buhay pa ang kuya Alexander mo at hindi ikaw ang tagapagmana! Pero, Raegan, makinig ka sa akin, ikaw na lang ang natitirang may Imperial blood. Wag mo namang sayangin yan!"
"Hindi ko naman sinasayang ang buhay ko!"
"Pero kung seryoso ka jan kay Genesis ay oo, nagsasayang ka ng buhay mo!"
Natigilan si Raegan sa sinabi ng lolo niya at napaatras na lang ako. Hindi dapat ako nakikinig sa usapan nila. Sa pagatras ko ay may natamaan ako. Nang lingunin ko kung sino ang nabundol ko ay si Mam Rina pala, sinundan niya ako at mukhang nakikinig din siya sa paguusap nila Raegan.
"So, ayaw niyo sa kanya?" Mahina ang boses ni Raegan. "Ayaw niyo sa pagiging ganito ko?"
"Raegan, wala naman kaming magagawa kung ganyan ka na talaga. Pero ang magpapasok ng outsider?! Mas gugustuhin ko pang balikan mo na lang si Lady Katarina."
Nasaktan ako sa sinabi ni King Leo at umatras pa ulit ako. This time, napaupo ako sa isang upuan na hindi ko alam na nasa likod ko pala. Gumawa iyon ng ingay dahilan para mapalingon sa amin sila Raegan at King Leo.
"I'm sorry, uuwi na ako." Pinunasan ko ang luha ko at dumaan sa tabi ni Mam Rina na napako na sa kinatatayuan niya, yung ekspresyon niya hindi ko mabasa.
"Genesis!" Sigaw ni Raegan.
"Raegan!" Sigaw naman ni King Leo.
Dire diretso lang ako palabas ng mansyon nila Venus at Violet, hindi na pinapansin ang mga nagtatakang tingin ng mga bisita sa akin. Wala na akong pakialam kung nakakahiya ang pagiyak ko, basta ang mahalaga, makaalis na ako sa lugar na ito.
"Genesis!" Malakas ang pagpigil sa akin ni Raegan nang makaabot kami sa labas kaya muntikan na akong matalisod. Buti na lang ay malakas siya at nasalo niya agad ako ng mga braso niya.
"Bitawan mo 'ko." Pagpupumiglas ko kasi kinulong na niya ako sa mga bisig niya. "Raegan, bitawan mo 'ko!"
"Genesis, wag kang--!"
Nagpumiglas pa rin ako pero dahil nga mas malakas si Raegan ay wala din akong nagawa kahit suntok suntokin ko ang braso o dibdib niya.
"Genesis..."
"Please," Bulong na lang ang boses ko.
Ayoko na dito. Gusto ko na umalis. Gusto ko na lumayo kay King Leo at Queen Olivia. Ayoko na makita si Mam Rina. Basta gusto ko na umalis.
"Genesis, uwi na tayo."
"Hindi. Bumalik ka dun. Hahanapin ka nila Violet."
"Uuwi na tayo."
"Raegan..."
"Sky, kung ano mang narinig mo kanina, wag mo na pansinin yun."
"Pero..."
Binitawan na ako ni Raegan pero pilit naman niyang itinaas ang mukha ko para magtama ang mga mata namin. "Sino bang mahal ko?"
Hindi ako sumagot. Hindi ako makasagot. Basta nakatingin lang ako sa mga chocolate brown eyes niya na naliliwanagan ng mga lamparang disenyo ng mansyon.
"Ikaw." Sagot ni Raegan para sa akin. "Ikaw ang mahal ko. Tandaan mo yan."
Hinawakan na niya ang kamay ko at sabay na kaming umalis ng Laguna.
Habang nasa SLEX kami at tinawagan niya sila Violet para magsabi na nakaalis na kami ay pinanuod ko lang siya. Kung paano nakakunot ang noo niya sa pagkaseryoso niya at kung paano kalalim ang mga hinga niya dahil sa nangyari.
Bago matapos ang tawag niya ay umiwas na ako ng tingin at pinanuod na lang ang tanawin sa labas ng kotse.
Ano nang gagawin ko ngayong mas gugustuhin pala ng lolo ni Raegan na si Mam Rina ang makatuluyan niya kaysa sa akin?
Naramdaman ko ang paghawak ni Raegan sa kamay ko kaya napatingin ulit ako sa kanya.
"Okay ka lang?" Tanong niya.
Hindi ako makasagot. Hindi naman kasi ako okay.
Umisog siya papalapit sa akin at niyakap niya ako. Wala na lang akong ibang magawa kundi ang yakapin siya pabalik.--------------------------
A/N:
May error ako sa nakaraang chapter! Si Raegan po ay member ng Order of the JACKS hindi Aces! I know, ang laking mistake nun kaya pasensya na talaga! Sorry na ha? Intindihin niyo na lang ako, masyadong madaming info 'tong book kaya nalilito na rin ako. Samahan mo pa nung sangkaterbang formulas na pinapakabisado sa'min. Talagang malilito ako HAHAHA
Hindi ko masasabi kung kelan ako susunod na makakapag-update. Basta pag may free time ako, nagsusulat ako. Yun na yun. Abangan niyo na lang na may lumabas na notification! Tinatapos ko naman lahat ng ginagawa ko eh! Patience ha?
Chapter dedication to the one who shared to me a picture of the letter I was looking for! Sobrang salamat kasi natulungan mo ako!
MARAMING SALAMAT SA PAGBABASA!
BINABASA MO ANG
Split Again
RomanceGraduate na ng psychology si Genesis at nagtratrabaho na para sa isang malaking kumpanya. Si Raegan naman nasa college pa rin, naglalaro ng tennis para sa unibersidad niya at kasabay nito ay namamahala pa siya ng airlines na iniwan sa kanya ng pamil...