Split Again by JellOfAllTrades
Chapter 27"Genesiiiiiiiiis,"
"Doctor Haaaaaiiiiiiiil," balik ko sa mahabang pagsabi niya sa pangalan ko.
"Miss na kita, kelan ba tayo pwedeng lumabas ulit?" Tanong ni Hail sa kabilang linya.
"Hindi ko alam." Sagot ko sa kanya. "Alam mo namang hectic na rin ang sched ko."
"Nag-masteral ka lang nakalimutan mo na ako." Nagtatampong sabi ni Hail. "C'mon, it's only been three months, you're not really that busy with school di ba?"
Napairap ako kahit alam ko namang hindi niya ako nakikita. "Hail, I barely have enough time for myself lately."
"I'm a doctor doing full shifts every goddamn time and I still have enough time for myself." Balik ni Hail. "Have you ever heard of work-life balance? Work hard, play harder? Time management?"
Napahikab ako at napatingin sa orasan. 1:39AM. Hindi pa ako ako natutulog since kahapon at nararamdaman ko na ang bigat ng pakiramdam ko
"Can we just stay at home if you really want to hang out? Pagod ako sa trabaho at hindi pa ako tapos sa pinapagawang paper sa akin ng prof ko."
"Movie marathon?"
"If you don't mind me snoring halfway through the first movie, sure."
Ilang segundo bago sumagot si Hail, tila nag iisip ng isasagot sa akin. "Why don't I just spend the night at your place, dalhin ko si Jaguar tapos tulungan kita sa paper mo?"
Napaayos ako ng upo. "Seryoso ka?"
"May interest din naman ako sa clinical psychology, why not? I'm sure I'll be of some help somewhere. The brain is my specialty."
Natawa ako, minsan sa mga kalokohan niya nalilimutan kong neurosurgeon nga pala siya. "Sige. Pero make sure nasa good mood si Jaguar. Pag ako inatake niyang pusa mo sisipain ko siya palabas ng bahay!"
"Hoy! Animal cruelty yun!"
"Wala akong paki, animal cruelty din siya sa akin!"
"Kasi hayop ka?"
"Oo."
Natawa si Hail sa sagot ko.
"Punta ka na lang dito sa bahay. Dala kang foods!"
"May request ba ang mahal na reyna?"
Natigilan ako sa sinabi niya, naalala bigla ang lolo't lola ni Raegan. Ang King at Queen ng Familia Olympia.
"Genesis?"
"Ikaw na bahala, basta bring enough para may food din si Mama. Bayaran na lang kita dito sa bahay."
"Hmm, okay. Mga anong oras?"
"Lunch?"
"Okay, I'll see you tomorrow."
"See you tomorrow."
Tinapos ko na ang call at itinabi ang cellphone ko. Tiningnan ko ang desk ko kung saan nakabukas ang laptop ko sa paper na kaninang after dinner ko pa sinusulat. Pagod na ako. Bukas ko na lang itutuloy ang pagsusulat.
Kinuha ko ang towel ko na nakasabit sa likuran ng pinto ko at pumuntang CR. Gusto kong mag-half bath bago matulog.
Sa CR, pinuyod ko ang buhok ko at saka naghubad ng damit. Nang buksan ko ang shower ay agad na tumama sa katawan ko ang malamig na tubig na gumising sa diwa ko.
BINABASA MO ANG
Split Again
RomanceGraduate na ng psychology si Genesis at nagtratrabaho na para sa isang malaking kumpanya. Si Raegan naman nasa college pa rin, naglalaro ng tennis para sa unibersidad niya at kasabay nito ay namamahala pa siya ng airlines na iniwan sa kanya ng pamil...