Split Again by JellOfAllTrades
Chapter 7
"Gene!"
Narinig ko ang sigaw na iyon at ang pagkaway ni Alexa sa akin mula sa malayo kaya naman agad ko siyang nilapitan.
"Alexa," Ngiti ko sa kanya. "Kanina ka pa?"
"Kararating ko lang. Actually tatawagan na dapat kita para tanungin kung nasaan ka na pero nakita kita." Sagot niya. "Ano, kumain ka na?"
"Hindi pa. Ikaw?"
"Hindi pa rin. Tara?"
"Tara."
Naglakad kami at pumasok ng isang restaurant.
"Ano, kumusta?" Tanong ni Alexa matapos kaming umorder.
"Okay lang," Mahinang sagot ko. "Pwede bang magtanong?"
"Sure."
"Kwento mo nga sakin yung ex ni Raegan."
Natigilan si Alexa sa sinabi ko at tiningnan akong mabuti. "Please don't tell me she made contact."
"Nagkita na sila ni Raegan noong isang araw." Sagot ko.
"Oh my gods, Gene. And you let her?!" Nanlaki ang mga mata ni Alexa. "Bakit mo ginawa yun?"
"I thought Raegan needed the closure." Pagdidipensa ko. "Hindi naman masama yun diba?"
"Pero, Gene. Ngayong nagkita na sila, lalo mo lang binigyan ng pagasa si Kat. Hindi basta basta sumusuko yung babaeng yun!"
Napaiwas ako ng tingin nang maalala ang kwento ni Raegan na hindi nga nagustuhan ni Katarina na malamang naka-move on na si Raegan sa kanya.
"Anong sabi ni Raegan sa pagkikita nila?" Tanong ni Alexa.
"Babawiin daw siya ni Katarina." Malungkot na sagot ko. "Pero may tiwala naman akong hindi magpapabawi si Raegan. Ayoko lang talaga magkagulo."
"Pero, Gene. Gulo na 'to. Lalo na pag nalaman ni Katarina kung sinong makakalaban niya."
"Anong ibig mong sabihin?"
"Gene..."
"Alexa, alam ko naman na iyang gusto mong sabihin eh. Na hindi ako bagay kay Raegan? Na hindi ako kasing yaman niyo?"
"Hindi naman sa ganoon, Gene. Gusto ko lang na maghanda ka kasi ikaw ang unang pupunteryahin ni Kat. Pag nalaman niya ang kahinaan mo, dun ka niya titirahin."
Napakunot ang noo ko. "Pano mo alam?"
Napabuntong hininga si Alexa at umiwas ng tingin. "Magkasama kami ni Raegan sa iisang high school. Noong nagsisimula pa lang sila ni Kat, may isang kaibigan si Raegan, si Liza, na pinagselosan niya ng sobra."
"Anong ginawa niya?"
"Siniraan niya si Liza kay Raegan at pinalayo niya ito." Sagot ni Alexa. "Pinagtanggol namin si Liza pero si Raegan kasi medyo may pagkatanga sa pagibig. Lumayo din eventually si Liza kay Raegan kasi obvious na talo na siya."
"Seryoso? Ginawa ni Raegan yun?"
"Like I said before, gagawin ni Raegan lahat para sa mahal niya. Ganun siya ka loyal na nabulag siya ni Kat." Sagot ni Alexa. "Isa ring reason kung bakit ayaw namin kay Katarina. Ginagamit niya si Raegan."
"Pero minahal niya si Raegan?" Tanong ko.
"Oo. Siguro, onti." Hindi siguradong sagot ni Alexa. "May times kasi na parang mahal na mahal niya si Raegan. May times naman na parang basura lang sakanya yung kaibigan namin."
"Baka may split persnality din?" Ngiti ko.
Natawa naman si Alexa sa sinabi ko. "Ayaw mo na pagusapan noh? Nagbibiro ka na eh."
"Ewan ko. Natethreaten ako sakanya pero sa kwento mo parang wala naman akong dapat na ikatakot. Kasi kung loyal nga talaga si Raegan sa kung sino ang mahal niya, mas pakikinggan niya ako kaysa kay Katarina."
Tumango si Alexa at dumating na ang inorder namin.
Kinabukasan hintatid na ako ni Raegan sa trabaho. At pagdating ko ng office naabutan kong kinakausap ni Mam Rina si Rhian.
"Bakit naman ganito ginawa mo Rhian?" Tanong ni Mam Rina. "Binigyan naman kita ng clear instructions kahapon. Pano nang gagawin natin ngayon? Kailangan ko na iyang presentation mamaya."
"Sorry po, Mam. Gagawan ko po ng paraan." Sagot ni Rhian.
Napatingin lang ako sa kanila mula sa table ko. Mukhang nagkamali na naman si Rhian. Matapos kausapin si Rhian ay lumapit sa akin si Mam Rina.
"Good morning po, Mam." Bati ko.
"Good morning din," Sagot niya na parang pagod na pagod. "Can I have the reports from the other day? Hindi ko na kasi nabalikan noong umalis ako."
"Oo nga pala, Mam. Ano nang nangyari sa pakikipagkita niyo kay Roli?" Tanong ko habang hinahanap sa desk ko yung reports.
"Didn't go well. May bago na siya." Sagot ni Mam Rina at kinuha ang inabot kong folder. "Hindi ko alam kung anong gagawin ko."
"Move on?" Suhestiyon ko.
Tinaasan ako ng kilay ni Mam Rina. "And give her up? No, I don't think so."
Nagulat ako sa sagot niya at biglang naalala ang ex ni Raegan. Come to think of it, hindi ba't Katarina din ang pangalan ng ex ni Raegan? Pero hindi naman si Mam Rina ang Katarina na iyon kasi Roli naman yung pangalan ng ex niya.
"Mam, kung ayaw na po sa inyo ni Roli baka panahon na para magmove on. Wala naman akong sinasabing igive up niyo na siya. Ang sinasabi ko lang, baka siya yung naggive up sa inyo." Mahinahon kong pagpapaliwanag kay Mam Rina. "It takes two people to make a relationship work. At kung kayo na lang ang lalaban, mahirap yan."
"Whatever you say, Gene. Whatever you say." Sagot ni Mam Rina at bumalik na sa office niya dala dala ang folder na hiningi niya sa akin.
Napaisip din ako sa sinabi ko kay Mam Rina. Yung feeling ko kasi parang binibigyan ko ng advice yung ex ni Raegan at hindi ako sigurado kung tama nga ba iyong sinabi ko.
Paano kaya pag nagkita kami ni Katarina? Paano niya ako pakikitunguhan? At paano naman ako magrereact sa kanya? Si Raegan kaya, pag dumating sa point na kailangan niyang pumili, pipiliin niya kaya ako?
Stop.
Napailing ako. Siyempre ako pipiliin ni Raegan. Kasi ako na ang girlfriend niya ngayon. Tapos na sila ni Katarina higit dalawang taon na ang nakakaraan. Past na lang siya, ako ang present at sisiguraduhin kong ako din ang future.
Pagkataapos namin maglunch ni Rhian ay nagtext sakin si Raegan na susunduin daw niya ako.
"Ay bongga ni ate!" Tukso sakin ni Rhian. "Ang ganda ng sundo!"
"Pwede ba, tigilan mo ako, Rhian?" Natatawa kong tugon.
"Sabay tayo pagbaba mamaya ha?" Sabi ni Rhian. "Maghehello lang ako sa girlfriend mo."
"Hello lang ba talaga?"
"Payakap na din?" Tawa ni Rhian.
Kinurot ko nga iyong braso niya. "Ang harot mo! Wag mong aanuhin si Raegan at malaki na nga problema ko dun sa ex niya!"
"Hoy, babae. Hindi ako maharot. Friendly lang!" Depensa ni Rhian.
Tiningnan ko lang siya. "Wow ha."
"Ewan ko sayo, Gene. Ayaw pa maniwala eh." Lumabi pa siya sa akin at natawa.
Bumalik na din agad kami sa trabaho namin at napansin kong aligaga si Rhian sa dami ng trabaho niya. Pabalik balik din siya sa office ni Mam Rina para siguro ayusin yung pagkakamali niya kaninang umaga.
Nang pumatak ang alas cinco ng hapon ay nagayos na ako ng gamit ko. Lumapit naman si Rhian sa akin na may malungkot na mukha.
"Pakisabi na lang kay Raegan, hello. Magoovertime kasi ako." Sabi niya.
"Oh, may kasama ka ba?" Tanong ko.
Tumango si Rhian. "OT din si ate Gina. Sige na, Gene. Ingat kayo ni Raegan."
"Sige,"
Papunta na ako ng elevator nang humabol sa akin si Mam Rina.
"Okay na kayo, Mam?" Tanong ko.
"Medyo," Ngiti niya sa akin.
Pagdating namin ng lobby nagtext si Raegan sa akin na nasa labas na daw siya ng building.
Humarap ako kay Mam Rina para magpaalam sana pero nakita kong tulala siyang nakatingin sa labas.
"Mam?"
"Pumunta siya!" Napangiti siya at mabilis na naglakad papalabas ng building.
Hindi ko alam pero nakakapagalala yung ikinilos ni Mam kaya sinundan ko siya.
Siguro tadhana, siguro malas lang talaga. Hindi ko alam. Pero nang makalabas kami ng building ay tumakbo si Mam Rina at niyakap ang isang matangkad na babae na nakatayo sa tabi ng isang Mini Cooper.
Naisip ko na dati na baka iisa lang sila Katarina na boss ko at ang Katarina na ex ni Raegan pero agad ko din itinanggi ang ideya kasi Roli ang pangalan ng ex ni Mam Rina.
"Roli! I don't know how you found out where I'm working but thank you--!" Sinubukang halikan ni Mam Rina si Raegan pero itinulak lang siya ng girlfriend ko.
"Kat, you've got this all wrong." Nanginginig na sagot ni Raegan. "I'm not here for you."
Tumingin sa direksyon ko si Raegan at saka ko lang narealize na nanigas na pala ako sa kinatatayuan ko. Pano naging Roli ang Raegan?
"Genesis,"
Napatingin din si Mam Rina sa akin at napabitaw siya sa pagkakahawak kay Raegan. "Teka,"
Nagtinginan lang kaming tatlo, dama ang tensyon sa hangin.
Ang liit ng mundo. Kung sino pa ang boss ko, siya palang ex ng girlfriend ko.
Bakit nga ba hindi ko naisipang itanong kung anong buong pangalan ng ex ni Raegan? Eh di sana narealize ko noon pa lang kung bakit sobrang ayaw niyang magtrabaho ako sa Rodriguez Corporation. Kaya naman pala may masamang naalala si Alexa nang makita kung saan ako nagtatrabaho.
Tumunog ang cellphone ni Mam Rina pero hindi niya iyon pinansin. Tiningnan niya lang ako mula ulo hanggang paa tapos tumingin kay Raegan. "Roli, wag mong sabihin sakin na--"
"Na ano? Siya na ang mahal ko?" Lumayo na si Raegan kay Mam Rina at nilapitan ako. "Kat, tapos na tayo, diba? Ikaw nagsabi sakin niyan noon. Please lang, tama na."
"Hindi..." Natameme si Mam Rina at tinginan ako na parang hindi makapaniwala.
"Let's go." Hinawakan ako ni Raegan sa braso at pinapasok ng kotse. Akala ko may sasabihin pa siya kay Mam Rina pero dumiretso na siya sa kabilang side ng kotse at pumasok.
Pinaharurot papalayo ni Raegan ang Mini Cooper at naiwan namin si Mam Rina sa tapat ng Rodriguez building, hindi makapaniwala sa nangyari.
-----------------
"Bakit hindi mo agad sinabi sakin?!" Halos mapasigaw ako kay Raegan. "Alam mo palang pagmamay ari ng pamilya ng ex mo yung pinagtratrabahuhan ko pero hinayaan mo lang ako!"
"Hindi ko naman alam na magtatrabaho din siya doon! At hindi ko naman alam na magkakilala pa kayo." Sagot ni Raegan. "Saka isa pa, matagal na akong tutol sa pagtatrabaho mo doon!"
"Pero hindi mo sinabi sakin kung anong totoong dahilan kung bakit!"
"Ayoko lang naman isipin mo na apektado pa rin ako sa kanya."
"Bakit, sa inaarte mo ba ngayon sa tingin mo hindi pa?"
Natahimik kaming dalawa.
Si Raegan, prenteng nakaupo sa may hagdan at ako naglalakad sa tabi ng baby grand piano. Dumiretso kami dito sa kwarto matapos ang nakabibinging biyahe pauwi.
Hindi namin magawang tumingin sa isa't isa. Nabobother ako isipin na ang boss ko ang ex ni Raegan. Natatakot din ako na ngayong nalaman ko na kung sino ang nauna sa akin, baka matalo ako. Ano nga naman bang laban ko kay Mam Rina, diba? Boss na siya, empleyado ako. Mayaman siya, may kaya lang ako. Maganda siya, simple lang ako.
Ang tanging advantage ko lang ata ay ako ang mahal ni Raegan ngayon.
"Bakit Roli?" Tanong ko habang nakatalikod kay Raegan. "Bakit Roli ang tawag niya sayo?"
"Kinuha niya sa initials ko." Sagot ni Raegan mula sa likuran ko. "She always thought na dapat mas gamitin ko yung Imperial instead of Luces kasi onti na lang kaming direct descendants ng Imperial family. She thought Raegan Olympia Luces-Imperial sounded better."
Napangiwi ako sa pagbanggit niya ng buong pangalan niya. It's one thing to hear them say it, another to hear it from her.
Totoo nga pala talagang may kapangyarihan ang pangalan. Kasi yung kay Raegan nasasaktan ako. Bakit ba naman kasi nainlove pa ako sa diyosang ito? Pwede namang mortal na lang din gaya ko para hindi rin god-like yung laki ng problema namin. Nakakaloka tong sitwasyon namin.
Naramdaman ko nalang ang pagyakap ni Raegan mula sa likuran ko. "Sky, bakit ba tayo nagaaway?"
"Hindi ko alam." Mahina kong sagot.
Pinaharap niya ako sa kanya at saka itinaas ang mukha ko para magtama ang mga mata namin. "Alam mo namang ikaw na ang mahal ko, diba?"
"Oo,"
"So, anong problema natin?"
"Si Mam Rina...Si Katarina."
"Sky, alam mong ayoko na sa kanya."
"Pero alam ko ding hindi pa sumusuko si Mam Rina sayo."
"Did she tell you that?"
Tumango ako. "Hindi naman namin alam na ikaw yung ex na tinutukoy niya eh. Nung sinabi niyang Roli yung pangalan ng ex niya, akala ko ibang tao."
"And you never told her I'm your girlfriend?"
"I told her na meron akong girlfriend, hindi ko lang sinabi yung pangalan mo."
Natahimik kami sandali at pinaupo ako ni Raegan sa sofa kung saan niyakap niya ako ng mahigpit. "Sky, wag kang magagalit sa akin ha?"
"Bakit?"
"Can I ask you to quit your job in the Rodriguez Corporation?"
Napalingon ako kay Raegan. "Bakit naman?"
"I don't know what Kat's going to do with you after what happened earlier. Gusto ko lang safe ka."
"Safe naman ako eh,"
"Please?"
"No, Raegan. Nauna akong magtrabaho sa Rodriguez. Nagsisimula pa lang ako."
"You can always work for the airlines."
"At harapin yung masungit mong tita? Ayoko nga."
"Hindi ka naman magtatrabaho sa department niya eh."
"Pero iisipin niyang nagpapatulong ako sayo kaya ako nakapasok doon."
Natahimik ulit kami, nagiisip. Matapos ang ilang minuto ay hinarap ko si Raegan at nakitang nakapikit na pala siya. Napangiti ako. Sa pagaalala ko kay Katarina hindi ko na napansing pagod na pagod na pala si Raegan.
Hinalikan ko siya sa pisngi at niyakap siya. Idlip lang muna kami. Gigising na lang kami mamaya para kumain ng dinner.------------------------------------------
A/N:
I shouldn't have written this chapter so hastily. Pero nahihiya na din kasi ako sa mga mababait kong readers na matiyagang naghihintay sakin at naiinis na sa iba na demanding sa paghingi ng update.
Sorry kung inabot ako ng isang buwan para makapagupdate. Tinapos ko kasi yung 12 chapters ng 30 Days with Fina sa loob lang ng 3 linggo. Inuna ko siya sa priority writings ko kasi importante ang kwentong iyon sa akin at sa hindi matahimik kong kunsensya. (Kung hindi niyo pa yun nababasa, go check it out!)
Sorry din kung hindi ako agad makapagreply sa messages/comments niyo. Engineering student po kasi ako sa isang trimestral system school kaya mas mabilis ang semesters namin compared sa ibang paaralan. Kabilang din po ako sa drum squad kaya palagi akong wala. Wag kayong magalala, hindi lang naman ako sa Wattpad palaging offline. Bibihira ko na din kasi mabuksan yung Facebook ko---madalas madaling araw pa.
Guys, I write for pleasure not pressure kaya magdahan-dahan kayo sa pananalita. Tinatapos ko naman lahat ng sinusulat ko kahit mabagal ako. Intindihin niyo naman po sanang may buhay din ako sa labas ng Wattpad.
Doon sa isang reader (or maybe hater) ko na minura ako sa message, sorry kung hindi na ako nakapagreply sayo. Pinadelete ko na kasi sa kapatid ko yung jejemon mong sulat kasi sumasakit na yung ulo ko noon. Hindi ko na tuloy alam kung ano yung username mo. If you're still reading my works, sana mabasa mo 'to at sana matauhan kang 2015 na. Onti na lang ang jejemon magsulat. Subukan mo nang magsulat ng maayos at subukan mo na ding linisin yang vocabulary mo or at least intindihin ang meaning ng mga mura mo sa akin. Mali kasi yung paggamit mo ng 'stupid'.
Ayokong mang-away, please lang. Masyado nang stressful ang buhay ko para dagdagan ko pa. Pero pag hindi kasi ako nagsalita baka lalong lumala. Maiksi na ang pasensya ko. Wag niyo nang paiksiin pa.
Ayun. Sorry at dito ko pa sinabi. Pero sana mabasa ng dapat makabasa at maintindihan na ng dapat makaintindi. Hindi po ako tambay sa bahay na Wattpad lang ang inaatupag sa buhay. Estudyante po ako, atleta at madami pang ibang responsibilidad sa buhay. Libangan ko lang po ang pagsusulat.
-With utmost sincerity (and a heavy heart),
Jell Esguerra (@JellOfAllTrades)
BINABASA MO ANG
Split Again
RomanceGraduate na ng psychology si Genesis at nagtratrabaho na para sa isang malaking kumpanya. Si Raegan naman nasa college pa rin, naglalaro ng tennis para sa unibersidad niya at kasabay nito ay namamahala pa siya ng airlines na iniwan sa kanya ng pamil...