Split Again by JellOfAllTrades
Chapter 29"We're here."
Hinila ni Hail yung handbrake at tiningnan ako sa passenger seat bago niya sinilip si Mama sa back seat.
Tumingin ako sa paligid. Malaki ang sementeryo pero kitang kita ko ang isang puting musoleo sa hindi kalayuan. Gawa ito sa marble at kahit ilang taon na noong huli akong nakatapak sa lugar na ito ay alam ko kung sino ang nakalibing sa loob noon. Ang pamilya ni Raegan.
"San natin siya hahanapin?" Tanong ni Mama sa likuran.
"There's a row of mausoleums behind that of House Zeus." Tinuro ni Hail yung musoleo na tinitingnan ko. "I know the Apollo house is nearby. Let's just scan the mausoleums for the symbol of Chronos House."
"Ano bang symbol ni Chronos?" Tanong ko. Medyo nahiya ako na hindi ako nag-research sa Greek house ng tatay ko.
"Orasan? Maybe a sickle. I dunno." Sagot ni Hail. Pinatay na niya ang makina ng kotse. "Pag di natin makita, let's look inside for a familiar name."
"Familiar name?"
"Rayleigh. Majority of an ancient house like yours would have a bunch of Rayleighs in there." Paliwanag ni Hail.
Lumabas na kaming lahat ng kotse at sinundan si Hail. Malapit na kami sa musoleo ng pamilya ni Raegan nang tumigil ako. Gusto ko pumasok sa loob.
"Genesis?" Lumingon si Hail sa akin.
"Can we go inside for a bit?" Tanong ko at pumasok sa loob ng musoleo. Narinig ko na lang ang mga yapak nila na sumunod sa akin.
Sa dulo ng musoleo ay makikita ang lapida ng pamilya ni Raegan, mula sa ninuno niya hanggang sa magulang at mga kapatid niya.
"I've never been inside here before," mahinang sabi ni Hail.
"Richard. Olivia. Alexander. Reiniel Luces." Binasa ni Mama ang mga pangalang kanina ko pa tinitingnan. "Pamilya ni Raegan?"
"Opo."
"You've been here before?" Tanong ni Hail sa tabi ko.
Tumango ako. "Dinala ako ni Raegan dito three years ago."
May mga bulaklak sa ibaba ng pangalan ng mga Luces. Tuyot na ang mga ito at mukhang ilang linggo na noong iniwan dito.
Si Raegan kaya ang nag iwan ng mga iyon?
Nakita kong nag sign of the cross si Mama kaya naisipan kong ipagdasal ang mga kaluluwa nila. Hindi ko alam kung agnostic din ba ang pamilya ni Raegan but I guess pwede ko naman silang ipagdasal.
Huling beses na andito ako ay hindi kami okay ni Raegan. The night before ay nahuli ko siyang nakikipaghalikan kay Violet. This time, break na kami dahil nahuli ko siyang nakikipagtalik kay Katarina.
"Let's go?" Aya ni Mama nang matapos siyang magdasal.
Tumango ako. "Tara po."
Lumabas kaming tatlo ng musoleo at sinundan muli si Hail papunta sa likuran ng musoleo ng Zeus House. Tama siya ng sinabi, sa likuran ng Zeus mausoleum ay may hilera ng mga museleo ng Familia Olympia. Pare pareho ang mga ito na kinopya ang Parthenon sa Greece at gawa sa puting marble. Except sa iilan na mukhang itim na marble ang ginamit.
"This one's Hera." Tinuro ni Hail ang musoleo na may simbolo ng peacock sa harapan.
"Poseidon?" Tinuro ko yung katabi na may trident na simbolo.
Inisa isa namin ang mga Olympians, once in a while ay tinitingnan ang mga pangalan sa loob dahil hindi namin makilala ang simbolo sa labas.
"Apollo," tinuro ni Hail ang isang musoleo na may simbolo ng araw at pana.
BINABASA MO ANG
Split Again
RomanceGraduate na ng psychology si Genesis at nagtratrabaho na para sa isang malaking kumpanya. Si Raegan naman nasa college pa rin, naglalaro ng tennis para sa unibersidad niya at kasabay nito ay namamahala pa siya ng airlines na iniwan sa kanya ng pamil...