Chapter 19

22.4K 887 282
                                    

Split Again by JellOfAllTrades
Chapter 19

"Gene, nagkausap na ba kayo ni Raegan?"

Naupo ako sa sofa at bumuntong hininga. "Hindi pa. Hindi pa siya tumatawag o pumupunta dito sa amin eh."

"Eh bakit di ikaw yung mag-initiate ng pag-uusap?"

"Ako talaga? Eh siya nga yung may kasalanan sa akin. Siya ang maunang mag-sorry sa akin!" Sagot ko sa suhestiyon ni Alexa.

"Does it matter kung sino may kasalanan? Kailangan niyo mag-usap para matapos na yang away niyo."

"Alexa, sinubukan ko nang magpaliwanag sa kanya kung anong totoong nangyari pero sarado ang isip niya.  Kakausapin ko lang siya pag maayos-ayos na siya mag-isip."

"Ikaw bahala."

Naalala ko na naman yung away namin ni Raegan kagabi kung saan inakusahan niya akong nangangaliwa. Hindi ko akalaing ganoon siya kadaling mapaniwala ng CCTV video na wala namang sounds at naka-focus lang sa iilang saglit na magkalapit kami ni Jordan. Hindi ko akalaing hindi niya ako pakikinggan.

"Ganun ba talaga si Raegan?"

"Anong ganun?"

"Ganun magselos?"

"Gene, never namin nakita mag-selos si Raegan." Sagot ni Alexa. "Hindi ko alam kung magaling lang talaga siya mag-tago o hindi talaga siya selosa."

 "Never siya nagselos habang sila pa ni Katarina noon?"

"Like I said, never namin siya nakita mag-selos."

"Sa tingin mo ba masasabi talaga ni Raegan yung sinabi niya sa akin kagabi?"

"Honestly, hindi. Kahit inis na inis na siya, gagawin niya ang lahat para intindihin yung sitwasyon, saka lang naman siya nagagalit kapag wala nang sense yung arguments ng kausap niya. Eh may pagka-martyr siya sa pag-ibig so dapat mas matindi yung pag-unawa niya sayo."

"So bakit ganun na lang siya mag-react? Hindi pa niya naririnig paliwanag ko galit na galit na siya."

"Sure ka bang si Raegan yung kausap mo?"

"Oo, hindi ko naramdamang iba yung kausap ko. Usually naman malalaman ko kung ibang personality na ang kaharap ko eh."

"Baka bago?"

"Wag ka magbiro, Alexa. Di maganda yan."

"Okay, pero paano kung si Oli pala yun?"

"Di ganun magsalita si Oli."

"Okay." Narinig ko ang buntong hininga ni Alexa sa kabilang linya.

"Nagkausap na ba kayo?"

"Hindi eh. Kagabi pa nakapatay yung phone niya. Walang maka-contact sa amin sa kanya."

"May number ka ng mansion? Tawagan mo kaya sila Manang Yolly?"

"Oh, bakit ako? Di ba ikaw yung girlfriend?"

"Di ba ikaw yung bestfriend?"

"Wow ha,"

"Sige na please? Baka kasi lumabas bigla si Oli..."

Mga ilang segundo pa ang lumipas bago sumagot si Alexa. "Fine, I'll ask kung nasa mansion siya o kung umalis ba siya."

"Thank you, Alexa."

"Sige na, balitaan na lang kita mamaya."

"Salamat talaga, sobra."

"Pasalamat ka wala akong magawa ngayon. Puntahan kita jan sa inyo mamaya."

Split AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon