Split Again by JellOfAllTrades
Chapter 5
"Gene,"
Napalingon ako kay Mam Rina. May iniiscan syang folder sa tapat ng table ko. Parang stress na stress na sya.
"Mam? Ayos lang kayo?" Tanong ko.
Hinarap ako ni Mam Rina at binaba muna yung folder nya.
"Can I ask you a favor?"
"Sure mam, ano ba yun?"
"I need to send someone some flowers kasi, pero tambak pa yung gagawin ko. Can you do it for me?"
"Uhh.." Napatingin ako sa gagawin ko, madami dami pa pero kakayanin ko namang tapusin ngayong araw. "Sure mam, malapit lang naman yung flower shop dito eh."
Nakahinga ng maluwag si Mam Rina. "Thanks Gene, you're a life saver. Wait lang ha, may isusulat lang akong card."
May nilabas na card si Mam Rina at nagsulat doon, inabot nya sakin agad yun.
Hope to see you soon
-Kat
"Pakisabi sa florist gawing bouquet itong mga flowers..." Sabi ni mam habang may sinusulat sa isang kapirasong papel. Mga uri ng bulaklak siguro na gusto nyang present sa bouquet. "Saka sinulat ko na din yung address, pakisabi padeliver nalang."
Inabot nya sakin yung papel pero hindi ko na binasa. Nagbigay din sya ng pera at saka tumayo na ako. "Sige mam, ako na pong bahala dito."
Ngumiti si mam at inabutan na ako ng pera. "Thanks Gene, I owe you."
Umalis na ako at pumunta ng flower shop na nasa kanto lang. Medyo nagdadalawang isip akong pumasok agad, alam ko kasing pamilya ni Jenny Flores ang may ari ng flower shop na ito. Pero pinakiusapan ako ni Mam Rina kaya pumasok na ako sa loob.
"Hi mam, welcome to Flores Flowers." Bati nung babae sa counter.
"Hi, I need a flower arrangement." Inabot ko sakanya yung papel. "Ito yung list ng flowers na gusto sana ng boss ko na nasa bouquet."
Binasa ni ate yung listahan. "May specific arrangement po ba kayong gustong gawin?"
"Wala na kasing sinabi yung boss ko eh. Basta gusto nya andun yung flowers jan sa listahan." Sagot ko. "Nagdedeliver din ba kayo?"
"Opo, ipapadeliver po ba yung arrangement?"
"Oo, anjan na din yung address."
Tumango yung florist. "Anything else mam? May gusto po ba kayong idagdag na card?"
"Ay oo nga pala," Hinanap ko yung card na sinulat ni mam at inabot yun kay ate. "Palagay nalang po nito."
"Okay mam."
Binayaran ko na yung arrangement at saka umalis na ako.
Pagkabalik ko sa office, dumiretso ako sa office ni Mam Rina para ibigay yung sukli at yung resibo. Sobra kasi yung binigay nya sakin eh.
"Mam, ayos na lahat."
Ngumiti si Mam Rina sakin. Halatang naginhawaan kahit papaano.
"Mukhang importante yung pinagbigyan nyo ng bulaklak ah?" Tanong ko. "Si ano ba yun? Yung gusto mong balikan?"
Tumungo si Mam Rina. "Oo. Siya. Nakita ko na sya." Natawa siya ng onti. "Nakakahiya nga eh. Andali lang pala nya hanapin pero nahirapan pa ako kasi may mga humaharang."
"Humaharang?"
"Yung mga kaibigan niya." Medyo malungkot na ang tono ng boses nya. "Alam kasi nila kung gaano ko siya nasaktan kaya nung nalaman nilang bumalik na ako, pinoprotektahan na nila siya."
"Hala..."
"Pero ayos lang yun. Ang mahalaga ay nahanap ko na sya. And I'm going to win her back!" Determinadong sabi ni Mam Rina.
"Think positive, walang aayaw!" Tawa ko. Gumaan na ang atmosphere na kanina'y parang ang bigat bigat. Ngumiti na din si Mam Rina sakin.
"Salamat, Gene."
"Wala yun. Tawagin mo nalang ulit ako pag may kailangan ka ha?"
"Sige. Lunch mamaya?" Aya nya.
"Sure."
Bumalik na ako sa cubicle ko at ipinagpatuloy ang trabaho. Pagdating ng tanghalian, kasama ko si Mam Rina at si Rhian na maglunch at walang tigil ang kwentuhan nila tungkol sa isang sikat na movie ngayon na hindi ko pa napapanuod. Nakikinig lang ako sakanila kasi medyo di ako makarelate nang biglang tumunog yung cellphone ko.
Alexa Calling...
Nagexcuse muna ako saglit at saka sinagot ang tawag.
"Hello?"
"Gene!"
"Alexa?" Balik ko, medyo nangingiti. Nakakamiss din pala yung tinatawagan nya ako ng ganito.
"Susunduin kita mamaya ha?" Sagot nya sa kabilang linya. "Tumawag kasi si Raegan kanina at ibinilin na alagaan daw kita mabuti. Para namang ipapahamak kita noh?"
"Ikaw naman, di ka pa ba nasanay dun?" Tawa ko. "Saka pagkakaalala ko bago siya naging protective sakin ikaw muna ang binabarikadahan nya."
"I know, pero nakakairita pala na ako na ang nagbabantay at hindi ang binabantayan."
"Ganun talaga."
"Anong oras out mo?"
"Five."
"Sige, I'll pick you up later. See you, Gene!"
"See you."
At dun na naputol yung tawag. Bumalik ako sa table namin at nadatnan sila Mam Rina at Rhian na nagkukwentuhan tungkol sa past lovelives nila.
"Ay jusko! Hanggang ngayon nanggagalaiti ako dun sa ex kong ipinagpalit ako sa malanding hipon na yun!" Kwento ni Rhian.
Natawa nalang ako. Naikwento na kasi nya yan sakin dati. Mahal na mahal nya kasi yung lalaki tapos muntik na silang magpakasal noon pero nalaman nyang may kabit pala yung boyfriend nya.
"Makasabi ka naman ng hipon." Sabi ko.
"Eh hipon naman talaga eh! Akala mo kung sinong sexy, chaka naman ng face, wala din!" Panlalait pa ni Rhian.
Natawa nalang kami ni Mam Rina pero napansin ko na parang hindi ganun kagaan ang atmosphere ni Mam Rina. Bumigat nanaman ito.
"Mam Rina, ayos ka lang?" Puna ko sakanya.
Ngumiti si Mam Rina sakin. "Oo naman, Gene."
"Sure ka? Parang ang lungkot mo na naman eh."
Napabuntong hininga si Mam Rina. "Sabi nung kaibigan nya wag ko na sya hanapin kasi masaya na daw sya ngayon."
"Grabe naman yun. Gusto mo lang naman siya makita for now eh diba?" Naintindihan kong yung ex nya ang ikinalulungkot nya ngayon. Pero kanina naman kasi nung iniwan ko sya sa office nya maayos ayos na sya eh.
"Pakiramdam ko nakahanap na siya ng bago." Nanlulumong sabi ni Mam Rina. "Hindi naman nila itatago sakin si Roli kung masaya na nga sya eh."
Natahimik kami ni Rhian. Roli pala ang pangalan ng ex nya, ngayon lang nya yun nabanggit sakin. Hindi ko rin naman alam kung anong sasabihin ko para mapanatag ang loob ni Mam Rina.
"Eh mam, paano kung meron na nga talaga syang bago, anong gagawin nyo?" Tanong ni Rhian.
Hanep na yan oh. Alam na ngang nalulungkot si Mam Rina lalo pang paiisipin!
"Hindi ko alam, Rhian." Napabuntong hininga si Mam Rina. "Pero gusto ko muna sya makita, makausap. Hindi naging maayos ang closure namin dahil basta ko nalang syang iniwan noon sa airport."
"Kayo naman kasi Mam eh, ba't nyo pa iniwan? Naghahabol tuloy kayo."
Isang malungkot na ngiti ang iginawad ni Mam Rina kay Rhian. "Hindi mo kasi malalaman ang halaga ng isang tao hangga't wala na sya sayo, yun ang pagkakamali ko."
----------------------
"Gene!" Halos buhatin ako ni Alexa sa sobrang pangigigil nang sunduin nya ako sa labas ng Rodriguez building.
"Alexa, mapipisa na ako!" Tawa ko. "Wag masyadong mahigpit!"
Bumitaw na sa pagkakayap sakin si Alexa. "Eh, namiss lang kasi kita!"
"Wow ha, parang di nagkita nung Saturday."
"Iba kasi ngayon, Gene. One-on-one tayo oh!" Ngiti ni Alexa. "Ano, tara na? Ayoko dito eh."
Napakunot ang noo ko habang sinusundan sya papunta sa kotse nya. "Ba't naman ayaw mo dito?"
"May naaalala lang ako sa Rodriguez." Pagsasawalang bahala ni Alexa. "Ano, san mo gusto pumunta?"
"Ikaw bahala. Ano bang namiss mo?"
"Oh my gods, Gene. Ang dami kong namiss, hindi ko alam kung alin ang uunahin!" Parang naexcite naman si Alexa bigla. Natawa lang ako sakanya.
Sumakay na kami sa isang itim na Mercedes Benz. Napataas pa nga ang kilay ko dahil hindi naman ito ang kotse ni Alexa. Ang gamit nya noon ay isang simpleng dark green na Honda lamang.
"Bagong kotse?" Tanong ko.
"Yeah," Tungo ni Alexa. Pero parang iba yung pagkakasagot nya. Parang hindi sya natutuwa na may bago syang kotse?
Hindi kaya'y bigay ng mommy nya ang kotseng ito sakanya at napilitan lang syang gamitin ito? Ganun kasi ang pagkakaalala ko kay Alexa. Ayaw nyang tumatanggap ng regalo sa mommy nya. Yung penthouse unit nga nya sa tapat ng unit namin ni Raegan sa Taft ay never nya ginamit. Independent kasi masyado si Alexa.
"Oy, tumahimik ka bigla?" Puna ni Alexa sakin.
"Wala, namiss lang kita." Pagsisinungaling ko. "Kwento mo na kung anong nangyari sayo sa Russia."
"Gene, pwedeng wag muna natin pagusapan yun?"
"Wag mo nang iwasan yung topic, itatanong at itatanong ko din yun sayo kaya ngayon palang sagutin mo na ako."
Napabuntong hininga si Alexa. "Mamayang pagdating natin sa La Olivia. For now, hayaan mo akong magdrive. Ayokong mabunggo tayo. Papatayin ako ni Raegan pag nadungisan ka."
"Okay, sige." Napangiti ako sa pagkakabanggit nya kay Raegan.
"Ahem. Kinilig sya." Puna ni Alexa.
"Oy, hindi ah!" Angal ko.
"Hindi daw, kinikilig ka eh! Honeymoon stage nga talaga kayo."
"Tigilan mo ako, Alexa. Pareho kayo ni Joanne." Naalala ko bigla yung paguusap namin ni Joanne last Saturday. "Ano, tatanungin mo ulit ako about our first fight ganun?"
"Wow, defensive much." Ngiti ni Alexa. "Syempre, gusto namin makita kung anong katangahan ang gagawin ni Raegan kaya ka namin tinatanong."
"Trip na trip niyo si Raegan, ano?" Simangot ko.
Natawa si Alexa. "Oo naman. Si Raegan yun eh. The Heir of Zeus ang pinaguusapan natin dito!"
"Ibang klaseng trip din meron kayo eh." Ngiti ko. "Nanahimik kaya yung tao!"
"Hoy, wag mong sabihin saking hindi ka curious sa kung anong pwedeng gawin ng lokarit na genius na yun para sayo?!" Angal ni Alexa. "Minsan lang namin siya makikitang magpakatanga, kaya please lang, pakiabisuhan kami pag nagaway na nga kayo."
"Pwede ba, di ko gagawin yun. Pag pumayag ako sa gusto mo, parang pumayag na din akong makipagaway kay Raegan."
"Gene, normal lang sa isang relasyon ang magaway. Di niyo maiiwasan ni Raegan yan." Saglit na lumingon sakin si Alexa. "Hindi kita pinapapromise na magaaway kayo. Ang sinasabi ko lang, andito kami nila Joanne para sayo if ever na magaway nga kayo."
"Asus, mga palusot mo eh!"
Natawa lang si Alexa. "Hoy babae, sincere yun. Wag kang--!"
Kinurot niya ako sa braso na ikinatawa ko lang.
"Hoy, mabunggo tayo! Mapapatay ka ni Raegan bago ka mapatay ng aksidente!" Banta ko pa.
"Geh. Try ko kayang icrash 'tong kotse sa pader? Sabihin kong inaagaw mo yung atensyon ko sa kalsada, sinong papatayin ni Raegan?"
"IKAW PA RIN!" Tawa ko. "Isisisi niya yun sayo kasi mas gusto niyang sisihin ka kaysa sisihin ako!"
"Aba, confident ka masyado ha!" Tawa ni Alexa at saka pabirong kinabig ang manibela. Napatili ako sa biglaang liko at natawa nalamang si Alexa sa naging reaksyon ko.
Pinaghahampas ko yung braso niya dahil sa biglaang takot na naramdaman ko. "Ano ka ba Alexa! Hindi magandang biro yun!"
"Relax, Gene. Buhay ka pa naman diba?"
"Pano kung may kasabay pala tayong ibang kotse tapos nabundol mo? Paano kung naaksidente tayo ha?!" Pangangaral ko kay Alexa. Napahawak ako sa dibdib ko kung saan damang dama ko ang bilis ng tibok ng puso ko. Ano ba naman yan, ang bata ko pa para kunin agad ni Lord.
"Learn to take risks, Gene." Ngiti pa ni Alexa na para bang walang nangyari. "You haven't lived until you've broken a few rules."
Napamaang nalang ako kay Alexa. Bakit parang ibang tao ang nagsalita ngayon ngayon lang?
Kilala ko si Alexa. Nagaaral siya ng Political Science at nagpaplano na magabugado. Mahalaga sakanya ang mga batas kaya naman palagi siyang sumusunod sa mga ito. Maliban na lamang sa mga utos ng nanay niya. Independent kasi siya masyado at ayaw niyang nadidiktahan ang buhay niya.
"What?" Puna ni Alexa sa biglaang katahimikan ko.
Umiling na lamang ako at ngumiti. "Wala, namiss lang kita."
Sige, pagbibigyan kita ngayon pero pag nakita ko pa ulit na nagiba ka nga sa ilang buwan na paninirahan mo sa Russia hindi ko na maiiwasang punahin yun.
Matapos ang ilan pang minuto ay nakarating na kami ni Alexa sa La Olivia na pagmamay ari nila Joanne. Madalas kami dito noon kasi paborito nila itong Italian restaurant kaya naman parang naging paborito ko na rin ito. Binati kami ng manager na kilala na kami. Dahil sa Familia Olympia status ni Alexa ay itinuro nila kami sa isang espesyal na table na nakareserve para sa mga importanteng tao ng Familia Olympia.
"Hay, namiss ko din tong lugar na ito." Buntong hininga ni Alexa. Tumingin siya sa paligid at saka ako nginitian ng matamis.
"I haven't been here much since nung umalis ka." Pagaamin ko.
"Bakit naman hindi? Hindi ba kayo lumalabas ni Raegan?"
"Lumalabas, pero kung naaalala mo pa yung bucket list ni Raegan, yun ang inaatupag namin lately."
"Ano nang nagawa niyo?"
"Watersports sa Boracay at nagawa na niyang matry yung wall climbing."
"So, how was it?" Tanong ni Alexa at kumuha ng breadsticks sa gitna ng table.
"Alin?"
"Watersports. Kayong dalawa ba yung nagtry or siya lang?"
"Well, nagaral kami ng surfing pero siya lang naman yung naka-gets." Natatawa kong kwento. "Sinakay niya ako sa jetski pero usually pinapanuod ko lang siya. Like nung nagwindsurfing siya."
Tinitigan lang ako saglit ni Alexa na para bang pinagaaralan ako. "What do you think of it?"
"Ha?"
"C'mon, Gene. I want to know how you feel about Raegan doing all those stuff."
Inalala ko yung mapupulang pisngi ni Raegan noong mga panahong nagaaral kami magsurfing. Yung ngiti niyang hindi matanggal tanggal sa mukha niya habang sumusubok siya ng panibagong bagay.
"I feel happy." Halos bulong ko. "Masaya ako pag nakikita ko siyang masaya."
Tumagilid ang ulo ni Alexa. "Kahit hindi dahil sayo?"
Napataas ang kilay ko sa tanong na iyon ni Alexa. "What do you mean?"
"Gene, darating ang araw na maiisip mo yan. Kilala kita, siguro hindi mo pa naisip ngayon kasi masaya kayong dalawa, but I want you to remember this when times get rough: Masaya lang si Raegan kasi kasama ka niya."
"Ha?" Naguguluhan na ako sa mga ikinikilos ni Alexa.
"I haven't seen Raegan as happy as she is with you. Ang saya niyo pareho, ang saya niyo tingnan na nakakainggit na. That's why I don't want you two to break up okay?"
"Wala naman kaming planong magbreak ni Raegan eh."
"Wag niyo na planuhin."
Dumating na yung inorder namin at kumain na lang kami.
"Alexa, di ka pa nagkukwento tungkol sa Russia," Puna ko.
Napabuntong hininga ulit si Alexa. "Do you really want to know?"
"Alam mo na lahat sakin. Ang daya mo naman kung hindi ka magkukwento sakin."
"Hindi ko alam kung saan magsisimula...."
"Magsimula ka sa part kung bakit kayo nagkainitan ng mama mo." Suhestiyon ko. "Noon pa lang dama ko na ang problema mo pero ni minsan hindi ako nagtanong. Nadala na ako ni Raegan sa mansyon niyo, nakita ko na ang mama mo at ang kapatid mo pero hindi kita pinwersa na magkwento kasi problema mo yan. Pero ngayon? Alexa, best friend na din ang turing ko sayo. Ikwento mo na lahat sakin, please."
Nalungkot si Alexa sa sinabi ko. Hindi niya siguro inaasahan na meron pala akong tinatagong hinanakit sakanya tungkol sa hindi niya pagkwento sakin ng mga problema niya.
"It started when I was a kid." Panimula ni Alexa. "Kailangan mong maintindihan na nanggaling ako sa Athena House. Kilala mo si Athena sa Greek Mythology right?"
"Greek goddess of wisdom?" Sagot ko na hindi din naman ganoon kasigurado.
"Yes," Tungo ni Alexa. "Ang other than that, Athena is a maiden goddess."
"Maiden?"
"Meaning to say, wala siyang asawa. Ayaw niya magasawa."
Tumungo ako. Ngayon ko lang nalaman yun.
"Doon nakuha ng pamilya namin ang tradisyon ng matriarchy."
"Ano?"
"Dito sa Pilipinas, usually patriarchy ang nangunguna. As in ang mga lalaki ang nagsisilbing leader ng isang pamilya o grupo. Sa pamilya namin ang tradisyon ay matriarchal. Ang mga babae ang pinapahalagahan kaysa sa mga lalaki."
"Kaya kahit umalis ka na sa poder ng mama mo ay hinahabol ka pa rin niya?" Tanong ko.
"Si Petyr, naalala mo ba siya?"
Tumungo ako. Si Petyr ang kakambal ni Alexa na minsan ko nang nakilala noong napasugod kami ni Raegan sa mansyon ng mga Zhukov noong una naming nalaman na ipinagkasundong ipakasal si Alexa.
"Noong paalis pa lang ako ng bahay, ibinilin ko sakanya na gawin ang lahat para makuha ang pabor ni mommy. Ayokong pamahalaan ang mga schools na pagaari ng pamilya namin kaya tumakas ako. Iniwasan ko ang UP at ang Ateneo kasi malapit doon ang bahay namin at doon ako nagpunta sa La Salle.
"Pero kahit na pinutol ko ang koneksyon ko sa kanila. Dala ko pa rin ang apelyidong Zhukov. Niregaluhan ako ni mommy ng penthouse unit sa tapat ng unit ninyo ni Raegan kahit meron naman na akong nabiling sarili kong unit. Mula sa ipon ko ay nagpatayo ako ng maliit na milk tea shop sa Taft at doon ko kinukuha ang pang tuition ko at ang ikinabubuhay ko."
Nakatingin lang sa malayo si Alexa na para bang inaalala ang nakaraan niya.
"Pero alam mo naman na iyon. Nanahimik lang ako ng ilang taon, ilang buwan tapos isang araw inimbitahan ako ni mommy para sa isang family dinner. Sabi niya namimiss na daw niya ako at gusto naman niyang mabuo ang pamilya namin kahit minsan lang. Ayun, pumayag ako and the next thing I know sinasabi na niya sakin na nagusap usap ang Grand Order at ipinagkasundo na kaming dalawa ni Percy."
Naiiyak na si Alexa sa kwento niya pero halatang pinipigilan niya iyon. Inabot ko ang mga kamay niya sa table at pinisil iyon para hindi niya maramdaman na nagiisa siya ngayon, na andito lang ako para sakanya.
"Binigyan nila ako ng dalawang taon bago sila opisyal na gagawa ng hakbang sa kasal namin. Wala akong magawa, Gene. Lahat na ng posible kong gawin ay nakontra na nila. Noong pumayag ako na umuwi kami sa Russia hindi ko talaga inaasahang ikukulong ako doon ni mommy para mailayo kay Raegan at sa mga kaibigan ko. Akala ko matutulungan ako ni daddy doon pero sunod sunuran pa rin pala siya kay mommy."
May nakatakas na isang luha pero dali dali niyang pinunasan yun.
"That was it. I was far from everyone. Only Petyr was there for me and he can't do anything about what was happening. We kept on stalling pero eventually, napagod din kami. Percy even cried in our room after the ceremony."
Natahimik lang kami pareho. Naalala ko tuloy ang matangkad at ang makisig na tindig ni Percival Altamirano. To think na nagawa niyang maiyak dahil sa isang kasunduan ay isang kalupitan hindi lang para sakanya kundi pati na rin sa girlfriend niya na bestfriend ko din.
"Oo nga pala, anong sinabi ni Percy tungkol sa plano niya sa girlfriend niya. Nagbreak na ba sila?" Tanong ko.
"Before we agreed to marry, gumawa kami ni Percy ng kasunduan." Pinunasan na ni Alexa ang ilan pa niyang mga luha. "By paper lang kami magiging kasal. We'll go our separate ways pagkabalik namin ng Manila and only the Familia Olympia members will know. Mahal ni Percy ang girlfriend niya kaya magsasama pa rin sila."
"Wait, ang ibig mong sabihin ginawa niyang kabit ang bestfriend ko?!" Gulat kong tanong.
"Bestfriend mo?"
"Si Rhea! Siya ang girlfriend ni Percy!"
Si Alexa naman ang nagulat ngayon. Wait, hindi ko pa ba iyon nasasabi sakanya?
"Si Rhea Capolpol, yung babaeng hitad na inagaw sakin si Marcus, siya ang girlfriend ni Percy?!"
"Maka-hitad ka naman. Bestfriend ko din naman siya kahit papaano at nakita ko ang pagsisisi niya matapos ng nangyari sainyong tatlo ni Marcus."
Nagkatinginan lang kami ni Alexa.
"So, sinong kabit sainyo ngayon?" Tanong ko. "Si Rhea ang girlfriend at mahal ni Percy. Ikaw naman ang legal wife."
Natawa si Alexa. "Walang kabit samin, Gene. Sakanya na si Percy. We just have to keep this a secret for five years and then we'll divorce. Rhea doesn't even have to know."
"Hoy, bestfriend ko yung pinagtataguan niyo ng sikreto. Sa tingin niyo hindi siya masasaktan pag nalaman niyang kinasal pala kayo?!" Angal ko.
"That's why she doesn't need to know. Please, Gene, understand our situation."
"Percy's lying to my bestfriend."
"For her own sake. Saka isa pa, wala naman akong planong guluhin sila, Gene. By paper lang kami kasal ni Percy, we don't live together and we certainly don't love each other. Palipasin lang namin ang limang taon, we'll divorce and everybody's happy!"
"Pero Alexa--"
"Oo na, Gene. Gets kong concerned ka sa bestfriend mo. Pero isipin mo, pag hindi niya nalaman, hindi siya masasaktan. What she doesn't know won't hurt her." Paliwanag ni Alexa at yung kamay ko naman ang inabot niya ngayon. "Ang usapan namin ni Percy, we'll attend Familia Olympia parties as husband and wife, other than that, we go our separate ways. Pwede akong magboyfriend if I want to, wala siyang pakialam kasi wala naman akong pakialam sakanila ni Rhea. We keep our secrets and everybody will be happy!"
"Papayagan ba kayong magdivorce ng Grand Order?"
"Hindi, pero wala na silang magagawa in five years dahil by then, Percy will be handling their own business. Nasa second trade naman na siya and in five years, he'll be in first trade and will be in the Grand Order."
Kumunot ang noo ko. Tama ba itong naririnig ko? Ang independent na si Alexa Zhukov umaasa sa magiging tagumpay ni Percival Altamirano?
"Alexa, alam mong umaasa ka kay Percy sa plano niyo hindi ba?"
Tumango siya.
"Paano kapag hindi niya naabot yung first trade in five years?"
"Gene, I'm also trying my best here kaya from fourth trade ay gagawin ko ang lahat para makaabot ng first trade kung hindi kakayanin ni Percy."
"Pano mo gagawin yun in five years?"
Mapait ang ngiti ni Alexa. "I'm handling part of our family business now. Wala nang urungan ito, Gene."
---------------------------
"Mam Gene! Good evening!" Bungad sakin sa pintuan ni Charlie, anak ni Manang Yolly at ni Manong Elmer. Ang kwento sakin nila Manang Fe, siya ang nailuklok na bagong head butler sa mansyon matapos mailipat sa main mansion sa Quezon ang dating head butler na si Alfred.
"Good evening din." Bati ko. "Si Raegan, nakauwi na ba?"
"Hindi pa, Mam Gene. Kumain na po ba kayo ng dinner? Ipaghahanda ka po namin."
"Kumain na ako, salamat. Pakisabi na lang pagdating ni Raegan na nasa kwarto lang ako."
"Sige," Nagbow na si Charlie at dumiretso na ako sa kwarto ni Raegan na ngayon ay kwarto na namin pareho.
Ibinaba ko muna ang gamit ko sa may center table at umakyat ng CR para makaligo.
Hindi ako makapaniwala sa nalaman ko kay Alexa. Nagtratrabaho na rin pala siya para sa pamilya nila at ang aim niya ngayon ay ang maabot ang first trade sa Order of the Kings kung saan siya kabilang. Malayo pa since nasa fourth trade pa lang siya pero sabi nga niya, kailangan niyang kumilos para sa sarili niya para hindi lang siya umaasa kay Percy.
Si Rhea, higit isang buwan na din pala simula noong huli ko silang nakausap nila Chloe at Jenna. Kailangan ko na ulit sila makita. Gusto kong malaman kung may ideya si Rhea sa nangyayari sa boyfriend niya at kung nakakahalata na ba siya. Kung masaya ba siya o hindi. Hindi dahil hindi ko pwedeng sabihin sakanya ang totoo means hindi ko na siya tutulungan.
Pagkatapos ko maligo at makapagbihis ay wala pa rin si Raegan kaya minabuti kong ayusin na lang yung natitira kong libro na hindi pa namin nailalagay ni Raegan sa bookshelf.
Yung ilang book series na kinolekta ko noong high school at college ay may kopya din si Raegan pero hindi ko na lang iyon pinansin. Nang matapos ako sa gawain ko ay muli kong tiningnan ang bookshelves ni Raegan.
Fantasy, fiction, science fiction, arts, physics, chemistry, mechanics, psychology at maging quantum physics. Halo halo talaga ang taste ni Raegan para sa libro. Babasahin niya kahit ano pa man, basta interesado siya sa isang bagay at a time.
Nakakamangha talaga si Sky. Ang dami niyang alam, ang dami niyang kayang gawin. Pero naging mabigat ang kapalit noon sakanya. Sa kagustuhan niyang maging magaling ay nagcompartamentalize ang utak niya at nagkaroon siya ng split personality.
Naalala ko tuloy sila Rae at si Gan. Si Rae ang artistic personality. Parang bata siya kung kumilos at mas mataas ang pitch ng boses niya compared kay Raegan. Si Gan naman ang scientific personality. Mas matured siya kaysa kay Rae at kayang kaya niyang kopyahin si Raegan. Pero pareho na silang wala. Kalahating taon nang magaling si Raegan mula sa sakit niya.
"Peso for your thoughts?"
Nagitla ako at napaikot para tingnan si Raegan. Naka corporate attire siya ngayon dahil pumasok siya ng opisina nila matapos ang klase niya sa La Salle.
"Kanina ka pa jan?" Tanong ko at lumapit para halikan siya sa pisngi.
"Hindi naman," Ngiti niya. Halata sa kilos niya ang pagod nang balikan niya ang gamit niya sa center table para ilipat sa study room niya.
"Flowers?" Tanong ko nang mapansin kong sa tabi ng bag niya ay may bouquet ng samu't saring bulaklak.
"May nagpadala," Walang ganang sagot ni Raegan.
"Sino?"
"No one important,"
"Ililipat ko ba sa vase?"
"Itapon mo na lang, ayoko niyan."
"Raegan naman, binigay sayo yang bouquet tapos itatapon mo lang? Sayang!" Angal ko.
Tiningnan lang ako ni Raegan at saglit siyang nagisip.
"Sige na, Sky. Sayo na lang yan. Do whatever you want with it." Buntong hininga niya.
Nilapitan ko siya at niyakap. Feeling ko kasi kailangan niya ng mahigpit na yakap ngayon.
"Sorry, napagod ako masyado eh." Bulong ni Raegan at niyakap na ako pabalik.
Naupo kami sa sofa at may pinindot si Raegan sa isang remote dahilan para may tumugtog na violin piece sa buong kwarto. Nakaakbay si Raegan sakin samantalang nakasandal naman ako sakanya.
"Kamusta yung airlines?" Tanong ko.
"Okay lang," Sagot ni Raegan. "May ilang problema pero inaayos na namin. Ikaw, kamusta yung lakad ninyo ni Alexa?"
"Okay lang din naman." Kwento ko. "Nasabi na sakin ni Alexa lahat ng nangyari sakanya sa Russia."
At ikinwento ko sakanya yung sinabi sakin ni Alexa. Natahimik lang kami pagkatapos ko magkwento, parehong nakikinig sa tumutugtog na violin piece at parehong nakikiramdam sa paghinga ng bawat isa.
"Hindi naman masama yung naisip nila diba?" Tanong ko.
"But Alexa's working for auntie Cristy now." Mahinang sabi ni Raegan. "And she's working to get promoted to the Grand Order. That's not what Alexa wants."
"Pero yun lang daw ang naisip nila,"
Naramdaman kong hinalikan ni Raegan ang ulo ko. "What she's doing is getting herself deeper into the Familia Olympia where she never even thought of getting higher than second trade. When this is all over, I'm sure, she'll never be the same again."
"Ikaw na nagsabi sakin dati, Sky. Change is the only constant thing in the world. Magbabago at magbabago si Alexa kahit hindi natin gusto."
"I hope she knows where she's going. Ayokong makitang magsisi siya pagkatapos nito."
"Malakas yun, si Alexa yun eh."
"But don't forget na porke't malakas siya means hindi siya nanghihina."
Umayos ako ng upo at hinarap si Raegan. "Kaya nga andito tayo diba? We'll be here for her. Lalo ka na, ikaw ang best friend niya."
Napangiti si Raegan. "I know,"________________________________
A/N:
Sorry for the late update. Sobrang busy ko lately. Nakakaloka ang dami ng schoolworks ko. (Engineering pa more!)
Anyway-highway, transition chapter kasi nagsisimula pa lang tayo. Saka I figured that I won't be writing Alexa's book anytime soon. And by 'anytime soon', I mean, not in 3 or 5 years. Kaya for now, sabit muna siya sa libro nila Raegan at Genesis HAHAHA (Sorry, Alexa. But know that I still love you. You'll get your own book too. Hindi pa lang ngayon.)
BINABASA MO ANG
Split Again
عاطفيةGraduate na ng psychology si Genesis at nagtratrabaho na para sa isang malaking kumpanya. Si Raegan naman nasa college pa rin, naglalaro ng tennis para sa unibersidad niya at kasabay nito ay namamahala pa siya ng airlines na iniwan sa kanya ng pamil...