Split Again by JellOfAllTrades
Chapter 12
"Sky, ayos na ba lahat ng gamit mo?"
Lumingon sakin si Raegan at ngumiti. "Kagabi pa, Sky."
"Sure ka wala ka nang naiwan?"
"Di ba dinouble check mo na yun kaninang umaga bago ko sinara yung bag ko?"
"Oo."
"So, kumpleto na yun for sure."
"Sure ka talaga ah?"
Napangiti si Raegan at lumapit sa akin para yakapin ako. "Sky, I'll only be gone this weekend. Uuwi din ako."
"Mamimiss kita." Nagtago ako sa balikat niya.
"I will too. But I have to go to Cebu."
"Ba't naman kasi sa Cebu pa. Pwede namang dito na lang sa Manila." Reklamo ko.
Natawa si Raegan. "Kasi nga po, may investment din si Mr. Reeves sa Cebu na titingnan niya. Kaya para di naman hassle much, dun na lang kami magkikita. Saka di ba, may conference pa akong pupuntahan?"
"Ay oo nga pala. Ready na ba papers mo for that one?"
"Yes po."
"Sosyal naman ng girlfriend ko. Guest speaker." Pinisil ko yung pisngi niya. "I'm so proud of you."
"Thank you," Hinalikan niya ako sa noo. "Bawi na lang ako next weekend sa'yo, okay? Think of something you want to do next week while I'm gone."
"Okay." Lumayo na ako sa kanya. "Sige na, maligo ka na. Baka malate ka sa flight mo."
Pumunta na ng CR si Raegan at ako nama'y tiningnan yung sling bag niya. Laptop, tablet and a bunch of papers. Mukha namang wala na siyang nakalimutan.
Kumuha na ako ng damit na susuotin niya at inilagay yun in plain sight. Simpleng blouse and slacks lang. Siya na pipili ng shoes niya pero for sure magleleather boots na naman yun. Ganun naman palagi niyang outfit for work. Magdedress lang siya pag tinopak siya.
Bumalik na ako sa kama namin at inilabas yung wallet, wrist watch, cellphone at yung ticket ni Raegan. Baka kasi makalimutan niya. Better safe than sorry.
Habang hindi pa tapos si Raegan ay dumating na si Alexa. As usual, ayaw ni Raegan na maiwan ako magisa kaya sasamahan ako ni Alexa ngayong weekend. Sleepover daw siya.
"Gene!" Binagsak na lang ni Alexa yung bag niya sa couch para yakapin ako.
![](https://img.wattpad.com/cover/20903502-288-k176282.jpg)
BINABASA MO ANG
Split Again
RomanceGraduate na ng psychology si Genesis at nagtratrabaho na para sa isang malaking kumpanya. Si Raegan naman nasa college pa rin, naglalaro ng tennis para sa unibersidad niya at kasabay nito ay namamahala pa siya ng airlines na iniwan sa kanya ng pamil...