Chapter 8

48.1K 999 97
                                    

Split Again by JellOfAllTrades
Chapter 8

"Sky, please, bago ka umalis, think about it?" Pakiusap ni Raegan nang tumigil ang kotse sa harapan ng Rodriguez Corporation.

"Raegan, napagusapan na natin 'to. Unless hindi ako sinasaktan ni Mam Rina, hindi ako magreresign."

"Why wait for her to do something?!" Frustrated na tanong ni Raegan. Hinawakan niya pa ang kamay ko. "Please, Genesis. Think about it."

"I already have, Raegan. Kumalma ka na't papasok na ako."

Parang tutang iniwan sa bahay si Raegan nang iniwan ko siya sa sasakyan. Ganoon siya katakot para sa akin na lalo ko namang ikinakaba kasi kung takot siyang may gagawin si Mam Rina sa akin, means baka may gawin nga siya sa akin.

Sa saglit na nakasalimuha ko si Mam Rina, alam ko nang mataas ang expectations niya sa trabaho, pag nadisappoint mo siya, you have to do better. Mabait naman siya pag nasa good side ka niya napunta at masungit siya pag ginusto niya.

Ngayong nagkaalamanan na kami, paano nga ba niya ako tatratuhin?

Pagdating ko ng office namin ay parang wala namang masamang mangyayari--hanggang sa lumapit sa akin si Rhian at hilahin ako papuntang elevator hall.

"Anong ginawa mo kahapon?!" Tanong niya sa akin nang makasiguradong walang tao.

"Wala!"

"Eh bakit umakyat dito si Mam Rina kahapon at tinanong ako kung anong meron sa inyo ni Raegan?"

Natameme ako, hindi sigurado kung paano ipapaliwanag sa kanya na ang babaeng ikinukwento sa amin ni Mam Rina na gusto niyang balikan ay iyong girlfriend ko?

"Ang dami niyang tinanong sa akin! Kung kelan pa daw kayo ni Raegan, pano kayo nagkakilala, kung seryoso ba kayo sa isa't isa!" Patuloy na sabi ni Rhian. "Nakakaloka siya kagabi! Hindi ko na kaya natapos yung pinapagawa niya sa dami ng tanong niya sa akin tapos alam mong sabi niya? Kahit ngayon ko na lang daw ituloy samantalang kahapon noong pinagsabihan niya ako kulang na lang labasan siya ng usok sa ilong!"

"Kumalma ka nga diyan!"

"Ano ba kasing ginawa mo? Ipinakilala mo ba siya kay Raegan tapos nalove at first sight yung boss natin? Ano?"

"Wala akong dapat ipakilala kasi matagal na silang magkakilala!"

Natigilan si Rhian sa sinabi ko. "Potek, wag mong sabihing--?"

"Oo, si Mam Rina yung ex ni Raegan."

Nanglaki ang mga mata ni Rhian at napatakip pa siya ng bibig sa gulat. "Wow, Gene. Bigtime ang kalaban mo!"

"Wala akong kalaban, okay? Ako na ang girlfriend ni Raegan ngayon at past na lang siya."

May narinig kaming tunog ng high heels at nang lumingon kami sa may pintuan ng office ay andoon si Mam Rina, nakasuot ng red fitted dress at makapal na red lipstick. Kinabahan ako sa kontrabidang aura niya ngayon.

"Rhian, anong ginagawa niyo diyan? Yung pinapagawa ko ba sa'yo tapos mo na?"

"H-hindi pa po, Mam." Nanginginig na sabi ni Rhian at talagang kinurot pa ako sa braso! Buti na lang hindi ako napahiyaw sa sakit.

"Gene, can I talk to you in my office?"

"Sure, Mam."

Bumalik na kami sa loob at ibinaba ko na ang bag ko sa may table ko at sumunod kay Mam Rina sa office niya.

Pagpasok namin sa loob ay isinara niya yung pinto dahilan para lalo akong kabahan.

"Gene, hindi ko alam kung anong sasabihin sa'yo after what happened yesterday." Panimula niya. "And I know this is awkward considering na boss mo ako and empleyado kita."

"I understand." Tungo ko. Awkward nga naman talaga.

"That's our personal problems at labas iyon sa trabaho natin. Nagkakaintindihan ba tayo?"

"Yes." Tungo ko ulit.

"So, here in the office, cease fire tayo. Walang personalan. Trabaho lang. Okay?"

"Okay." Tungo ko ulit. "Pero pag nasa labas na ng office?"

"Then consider it war." Direchong sagot ni Mam Rina.

Natigilan ako sa sagot niya. Halata namang straightforward siya pero nakakabigla pa rin ang pahayag niya.

"Nauna ako kay Raegan and I'm going to make sure I'll have her back." Tuloy pa niya. "I don't care kung kayo na and mas lalong wala akong pake kahit kaibigan pa kita. What's mine is mine."

"Pero wag mo sanang kalimutan na ikaw ang nangiwan sa kanya. Ikaw ang nakipaghiwalay, ikaw ang lumayo. Naka-move on na si Raegan sa iyo. Wag ka nang manggulo sa amin."

Napatayo siya mula sa pagkakaupo sa desk niya at masama ang tinging ibinigay sa akin. "Hindi kayo bagay."

"Walang kaso kung bagay kami o hindi. Nagmamahalan kami."

Natigilan siya sa sagot ko at kahit ako'y hindi makapaniwalang masasabi ko iyon. Pakiramdam ko tuloy kagabi pa ako naghahanda sa komprontasyon na ito.

"Sige, sabi mo eh." Napangisi si Mam Rina. "Tingnan na lang natin kung may magagawa iyang pagmamahalan ninyo pag nalaman ng Familia iyang relasyon niyo."

"For your information, alam na po ng Familia."

Kung may ikagugulat siya, ito na yun. Napalunok ako kasi alam nga ng Familia na kami na ni Raegan pero kung sangayon sila sa amin, hindi ko alam. One thing is for sure, may hatak si Mam Rina kasi mayaman siya.

"Well then, we'll see about that."

Mukhang tapos naman na ang paguusap namin kaya lumabas na ako ng office niya. Hindi ko alam kung gumaan ba yung loob ko at nakapagusap kami o lalo lang bumigat matapos ang sagutan namin.

Mapapanindigan ko kaya ang sinabi kong hindi ako magreresign?

---------------

Saturday morning ay sinamahan ako ni Alexa na ihatid si Raegan sa may airport. May business partner daw kasi siyang sasamahan sa Cebu. Mabilis lang naman daw siya at babalik din kaagad bukas kaya eto, pinapasama niya si Alexa sa akin.

"Magiingat ka doon ha?" Hindi mabilang na beses ko nang paalala sa kanya.

"Yes po," Ngiti ni Raegan.

"Wag kang mambababae, sinasabi ko sa'yo, pag nalaman ko papatayin kita pagbalik mo dito." Babala ko pa.

Natawa sila ni Alexa. "Para namang maghahanap pa ako ng iba eh takot ko naman sayo."

"Sige na, Raegan. Umalis ka na, ako na bahala dito sa girlfriend mo."

"Ingatan mo yan, Alexa. Pag nadungisan yan mababangasan kita." Paalala naman ni Raegan sa best friend niya.

"Ay wow, dati ikaw tong ingat na ingat sakin tapos ako na pinagbabantaan mo ngayon? Baka gusto mong gulpihin kita?" Balik ni Alexa.

"Kaya mo?" Hamon naman ni Raegan.

"Hindi. Amazona ka eh." Tawa ni Alexa.

Hinalikan na ako ni Raegan sa noo at umalis na siya. Kami naman ni Alexa ay dumiretso na ng mansyon kasi gusto niyang mag movie marathon na lang kami.

Since nasa labas na din naman kami, bumili na kami ng pizza at ang minsanan lang namin inumin na soft drinks.

"Umiinom ka ba ng softdrinks dati bago mo nakilala si Raegan?" Tanong ko sa kanya nang binabayaran na namin yung binili namin.

Nagisip saglit si Alexa. "Matagal ko nang kilala si Raegan...bata pa lang kami. Pero noong naging kaklase ko siya ng high school saka lang niya ako naimpluwensyahan."

Tumango ako. "Come to think of it, akala ko elementary pa kayo magkaklase?"

Natawa si Alexa. "Sa Russia ako nagelementary. Umuuwi lang kami dito for summer vacation noon."

Pagdating namin ng mansyon ay alam na alam na ni Alexa kung paano bubuksan yung theater room nila Raegan. Matagal na daw kasi silang doon tumatambay, tumigil lang noong namatay ang pamilya ni Raegan.

"Anong gusto mong panuorin?" Tanong niya sa akin.

"Ikaw na pumili. Wala akong gustong panuorin ngayon."

Habang naghahanap si Alexa ng movie ay nilalantakan ko na yung pizza. Gutom na kasi ako.

"Mommy, look oh!"

Natigilan ako nang lumabas sa projector ang isang batang babae. May hawak siyang violin sa kamay.

"Aww, baby, can you play for us?" Sabi naman ng isang hindi kilalang boses sa likod ng camera.

Nakatitig lang ako sa batang Raegan sa harapan ko. Ang cute niya tingnan sa suot niyang yellow tshirt at red shorts. Nakaheadband pa siya.

Nilagay na ng batang si Raegan ang violin sa balikat niya tapos ay sumenyas siya sa isang lalaki sa likuran na nakaupo sa tapat ng piano. Tumugtog ang kuya Alexander niya at maya maya'y tumugtog na din si Raegan.

"That's Raegan, five years old and kuya Alex at fifteen." Sabi ni Alexa sa tabi ko. "Si Auntie Olivia ang nagrerecord."

Pagkatapos nila tumugtog ay tumalon talon pa sa tuwa si Raegan at niyakap ang nanay niya. Kinuha ni Alexander ang camera at kinuhanan si Raegan at ang mommy niya na sumayaw sayaw.

Noong naputol ang recording ay lumabas naman ang panibagong video. Nakasuot ng blue dress si Raegan at kinukulit niya ang teenager na si Mam Perez.

"Ate Marian, asan na yung gift mo sa akin?" Lumabi pa siya sa dati kong professor.

"Baby, nilagay ko na sa table kasama nung ibang gifts mo."

Napangiti naman ako sa narinig ko. 'Baby' pala ang tawag ni Mam Perez kay Raegan dati.

Ngumiti si Raegan at kitang kulang siya ng isang ngipin. "Kiss mo ako, ate."

Hinalikan naman ni Mam Perez ang pisngi ni Raegan at humagikgik ang bata sa tuwa.

"Eh ate, si Kuya ba walang kiss?" Tanong pa niya.

"Hoy, Baby, walang ganyanan!" Sigaw naman ng lalaking nagrerecord.

Napatingin lang si Mam Perez sa camera at ngumiti. "Wala, kasi pangit yang kuya mo."

Tawa naman ng tawa si Raegan at naputol na iyong recording. Sunod na lumabas ang isang video ng nagpapractice na si Raegan. Nasa tennis court sila at katabi niya ang daddy niya na hamak na mas matangkad sa kanya.

Hindi dinig ang paguusap nila pero halatang tinuturuan nitong maglaro si Raegan. Humiyaw hiyaw pa si Alexander na may hawak ng camera bilang cheer sa nakababata niyang kapatid.

Naglakad papalayo ang daddy nila at may binuksan na machine. May lumipad na bola kay Raegan at agad niya iyong hinampas ng tennis racket.

Hampas lang siya ng hampas hanggang sa nadapa siya at natamaan ng bola sa mukha. Gusto ko sanang matawa katulad ng paghalakhak ni Alexa sa tabi ko kaso mukhang nasaktan si Raegan kasi napatakbo si Alexander at and daddy nila sa kanya.

Madami pang ibang videos ng kabataan ni Raegan at lahat sila ay nakakatuwa. Sa panunuod namin ay parang nakilala ko na rin ang batang bersyon ng girlfriend ko.

Tumayo si Alexa nang matapos na ang lahat ng video.

"Now, yung susunod na CD na ipeplay ko gusto kong maghanda ka." Babala niya sa akin sa tapat ng computer.

"Bakit?"

"Ito yung pinanuod sa akin ni Raegan na kuha ng Order of the Jacks sa kanya."

"Ha?"

"Basta, manuod ka na lang."

Nagsimula na ang video at nakita ko ang batang si Raegan na naglalaro ng tennis sa isang mataong stadium. Isang bandera ang nagsasabing Junior Australian Open iyon at makikitang mananalo na si Raegan.

Mula sa pinanuod naming home video kanina, parang ibang Raegan na ang ang naglalaro ngayon. Seryoso siya at nakafocus sa laro. Ilang taon lang naman siguro ang agwat ng videos pero makikita mo kung gaano na kabihasa si Raegan sa tennis.

Sa last set ay matagal ang rally nila ng kalaban niya at hataw kung hataw na ang gawa ni Raegan. Pinapatama niya ang bola sa magkabilang side ng court dahilan para habulin at mapagod ang kalaban niya. Nang makitang hindi na kaya ng kalaban ay hinataw niya ang bola one last time at hindi na ito naabutan pa ng kalaban. Parang sumabog ang stadium sa palakpakan at tuwang tuwa si Raegan sa pagkapanalo. Naputol ang video at dumiretso na sa awarding ceremony ng Australian Open. Makikitang inabot na kay Raegan ang isang trophy at itinaas niya iyon para ipakita sa lahat.

Naputol ang video at napalitan naman ito ng mukha ni kuya Alexander. Nakangiti siya sa camera.

"I present to you, Raegan Luces." Umalis siya sa camera view at nakita si Raegan na nakaupo sa tapat ng piano. Nagsimula siyang tumugtog at maya maya'y naputol ang video at napalitan ng panibagong video niya na tumutugtog naman ng violin pero same piece pa rin. After a while ay napalitan naman ito ng video na gitara naman ang tinutugtog niya. Isang minuto pa ay flute naman ang hawak niya. Akala ko matatapos na yung kanta pero lumabas ang edited video na tumutugtog ng iba't ibang instrumento si Raegan sa saliw ng iisang piyesa.

Kinikilabutan na ako sa pinapanuod ko kaya noong natapos ang pagtugtog niya at ngumiti siya sa camera ay parang ibang tao na siya sa paningin ko. Ilang taon lang siya sa video pero ang dami na niyang instrumentong kayang tugtugin.

Naputol ang video at makikitang naglalakad si Raegan sa gitna ng isang malaking kwarto. Matapos ang ilang segundo ay narealize ko kung nasaan siya.

Nakablue dress si Raegan at mukhang pormal na pormal siya sa paglalakad niya sa gitna ng great hall sa Pantheon house sa headquarters ng Familia Olympia sa Quezon.

Pagkarating niya sa harapan ay sinalubong siya ng pamilya niya at ng ilang miyembro ng Grand Order.

Lumuhod si Raegan sa tapat ng mga ito.

"With your performance in the field of arts and sciences, sports and mathematics, the Order of the Jacks has taken a special interest in you, dear child. And we, from the Grand Order have approved their request to invite you into their family. Do you accept their invitation?"

"I do." Sagot ni Raegan.

"Then I welcome you, Raegan Olympia Imperial-Luces of the First House of Zeus into the Order of the Jacks, Third Trade." Anunsyo ni King Leo sa isang malakas at malalim na boses.

Nagapalakpakan ang mga tao sa great hall at tumayo na si Raegan para harapin ang mga ito. Mula sa tabi ay may nagpresenta kay Raegan ng isang singsing na agad naman niyang isinuot. Matapos noon ay kinamayan niya at niyakap ang pamilya at mga miyembro ng Grand Order at mga taga-Order of the Jacks.

Naputol ang video at hindi ako makapaniwala sa napanuod ko.

"Yun yung welcoming ceremony ni Raegan sa Order of the Jacks. Usually hindi ganoong ka-engrande ang celebration pero dahil first house of Zeus si Raegan at ten years old lang siya ay madami ang pumunta." Paliwanag ni Alexa na tumayo ulit at lumapit sa computer.

Nakatingin lang ako sa puting pader, inaalala ang mga videos na napanuod ko kanina lang. Matapos ang isang minuto ay may nagplay na namang video at this time, teenager na si Raegan. Siguro high school na.

"Panuorin mong mabuti," Sabi ni Alexa at tumabi sa akin.

"Hey, Raegan. Look here!" Sigaw ng isang boses babae na may hawak ng camera.

"Oh, c'mon Liza, don't record this!" Reklamo ni Raegan.

"Ano ka ba, kaya nga kami sumama sa'yo eh!" Bigla namang salita ng isang babae na nakilala ko agad na si Leah. Katabi niya si Jenny Flores at si Daniel Miraber. Ang babata pa nilang lahat tingnan. Siguro mga fourteen or fifteen.

Tinulak na nila si Raegan papasok ng isang restaurant at mula sa bintana ay nirecord nila ang date ni Raegan kay Katarina.

"Sa tingin niyo magiging sila?" Tanong ni Dan sa mga kaibigan.

"I doubt it," Sabi naman ni Alexa. "Hindi ko gusto yang si Katarina eh."

"Hoy, kaibigan ko yan." Depensa naman ni Jenny. "Mabait yan, promise."

"Ano ba kasi nangyari dun sa boyfriend niya dati?" Tanong naman ni Leah.

"Wow, ikaw pa talaga nahuli sa balita." Tawa ni Alexa kay Leah. "Diba nga nagsawa din si Raegan kasi wala namang time sa kanya si Harry?"

"Hindi naman po kasi lahat kayang gawin yung ginagawa ni Raegan." Sagot aman ni Dan. "Natutulog pa ba yan?"

"Di pa kayo nasanay jan sa babaeng yan." Sagot naman ng may hawak ng camera na si Liza. "Basta may natripan siyang pagaralan full force ang brain cells niya para imaster yun."

Nagsitawanan silang lahat at napangiti ako. Tama naman sila.

"Oy, tingnan niyo, bilis! Hinawakan na ni Raegan yung kamay ni Kat!" Turo ni Jenny sa loob ng restaurant.

Agad namang nagzoom in yung camera at tama nga sila, mukhang nagkakamabutihan na sa loob sila Raegan at Katarina.

"Tara na?" Aya ni Alexa. "Mukhang okay na sila eh."

"Tara. Kaya na ni Raegan yan." Sang ayon naman ni Dan.

Naputol na yung video at napalitan ng isang video sa isang party.

Si Raegan ang may hawak ng camera at tinututok niya ito sa sarili niya.

"Happy New Year!" Pasigaw niyang sabi at biglang dumating mula sa likod niya si Katarina. Pinakita ni Raegan yung langit kung saan nagsisimula na ang isang fireworks display.

"Pahiram." Sabi ng boses ni Katarina at muli naitutok ang  camera sa kanila.

Ngiting ngiti si Raegan at Katarina at masayang binati ng Happy New Year ang isa't isa. Tapos sa harap mismo ng camera ay naghalikan sila.

Parang may sumaksak sakin nang makita ko iyon pero kahit naiiyak na ako ay pilit kong pinanuod ang nakaraan ni Raegan. Matapos ang video na iyon ay may slideshow naman ng mga pictures nila Raegan at Katarina na magkasama.

Gusto ko na sanang patigilin yung video pero naputol na iyon at lumabas sila Alexa, Leah, Jenny at Dan sa tapat ng camera. Hindi katulad sa naunang recording ay mukhang nasa college na sila dito.

"Katarina Rodriguez, sana masaya ka na diyan sa Espanya. Kasi yan, yan lahat ng iniwan mo dito sa Pilipinas." Sabi ni Dan.

"Hindi namin alam kung pano mo siya nagawang iwanan matapos mong away awayin si Violet para sa kanya." Sabi naman ni Leah. "Hindi ko alam kung paano mo siya sinaktan ng ganun ganun na lang matapos mo siyang ilayo sa kung sino man sa tingin mong makakaagaw sa kanya."

"Katarina, nilayo mo si Liza kay Raegan. Nakipagaway ka kay Violet dahil kay Raegan at ipinaglaban mo siya sa Familia." Sabi naman ni Alexa. "Lahat ng iyon nakita namin at nagpatunay sa amin na kahit hindi kami sang ayon sa inyo noong una, mahal niyo ang isa't isa."

"Pero iniwan mo siya." Sabi naman ni Jenny. "At hindi mo alam kung gaano mo siya sinaktan."

"Pati kami nasaktan mo, Kat. Kasi best friend namin yung ginago mo." Sabi naman ni Dan. "Dalawang taon ang sinayang niya sa'yo at pinagsisisihan namin iyong araw na tinulak namin siya papasok ng restaurant para sa first date niyo."

"Wag ka nang babalik, Kat." Sabi ni Jenny. "At kung babalik ka man, wag ka nang magpapakita kay Raegan. Kasi kami ang makakalaban mo."

Natapos ang recording at humarap sa akin si Alexa.

"Pinadala namin yang video na yan kay Katarina isang buwan matapos niyang iwan si Raegan. Hindi pa kayo magkakilala noon pero alam namin kung gaano kasakit para sa kanya ang maiwan."

Naiiyak na ako kaya pinunasan ko na yung luha ko.

"This is why we didn't want Katarina back in Raegan's life. Magaling magtago ng nararamdaman si Raegan pero nakita namin lahat ng pagbabago niya simula noong iniwan siya ni Katarina." Patuloy na paliwanag ni Alexa. "Ayaw na namin saktan ulit siya ng babaeng iyon."

Tahimik lang ako, hindi sigurado kung anong dapat sabihin.

"Gene, magresign ka na. Lumayo ka na sa Rodriguez bago ka pa gawan ng masama ni Katarina." Pakiusap ni Alexa. "If you want, I'll help you. Baka may opening kami sa offices namin, pwede kitang irefer."

"Alexa, salamat na lang pero hindi ako magreresign. Nauna akong magtrabaho doon. Paninindigan ko iyon."

Tumayo ako at lumabas ng theater room. Pumunta ako sa kwarto namin ni Raegan at dumiretso sa CR. Tiningnan ko ang sarili ko sa salamin at pinunasan ang mga luhang tumutulo.

"Kaya ko naman eh. Bakit wala kayong tiwala sa akin?" Tanong ko sa repleksyon ko.

Pinakalma ko muna ang sarili ko bago ako lumabas at doon sa kama namin ni Raegan ay naabutan kong nakaupo si Alexa, nakatingin sa pader na punong puno ng pictures.

"Wala na yung picture nila ni Katarina," Sabi ni Alexa habang nakatingin sa mga pictures. "It used to be there, katabi ng family portrait nila at niyang grad pic niya."

Napatingin ako sa space na tinutukoy niya at nakita ang picture namin ni Raegan noong gabing naghanda siya ng dinner sa bakuran nitong mansyon. Noong nililigawan pa lang niya ako. Noong gabing ibinigay ko ang first kiss ko sa kanya. Ang tagal na pala noon.

"Pinalitan niya ng picture ninyo." Dagdag pa ni Alexa na tiningnan ako na parang nagiisip.

"Hindi naman niya pinalitan eh," Sabi ko. "Pinunan lang niya yung bakanteng space. Walang picture diyan dati nung una ko yan nakita eh."

Napangiti si Alexa sa sagot ko. "Oo nga naman. May punto ka jan."

Matapos noon ay bumalik na kami ni Alexa sa theater room para i-marathon yung Toy Story. Kung ano mang naiisip ko tungkol sa napanuod kong mga video recordings, kinalimutan ko muna para magpaka-bata. Kasi walang mangyayaring maganda sa akin kung puro nakaka-stress ang iniisip ko. Mamaya ako naman mabaliw, baka lalo lang magkaproblema.

Saka ko na muna haharapin iyang planong pangaagaw ni Katarina kasi ako naman ang inuuwian ni Raegan. Ako ang nakakalamang ngayon.

------------------------------------------------------

A/N:

Transition chapter lang 'to kasi baka sapakin niyo ako pag nagkagulo na't hindi niyo maintindihan ang mga nangyayari. I need all the information out there to wrap this gigantic book up. HAHAHA Nakakakaloka yung dami ng characters, complication ng plot and yung amount ng information na nilalagay ko. Minsan nagtataka na din ako kung san ako kumukuha ng ideas para dito HAHAHAHA

Wala masyado si Raegan dito pero she'll be back soon enough. Nagfofocus lang ako ng onti kay Genesis kasi---well, puro Raegan na lang palagi. Gusto kong makilala niyo din si Genesis sa book na ito.

By the way, psychos, check niyo yung collaboration ng girlxgirl writers sa Bahaghari Magazine! I'm dedicating this chapter to our Legion account so if you want to read news about the lesbian community, lesbian themed book reviews, lifestyle tips, interview of girlxgirl readers and writers, go check it out!

I'll update again when I get the time and energy. For now, ilalaan ko muna ang neurons ko sa pagintindi ng lessons ko. May quiz pa ako sa Tuesday hehehe Good luck to me~

Note:
(Edited 030215)
Order of the Aces into Order of the Jacks

Split AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon