Split Again by JellOfAllTrades
Chapter 35"Are you okay?"
Nakapalibot kami kay Raegan na nakasandal kay ate Marian. Nakapikit ang mga mata niya at tumigil na ang pagdugo ng ilong niya.
Lumuhod si Hail sa tapat ni Raegan at tiningnan ang vital signs nito.
"I'm fine. I just fell asleep." Biglang sagot ni Raegan. Binuksan niya ang mga mata niya at kitang kita ang pamumula nito.
"Are you sure?" Tanong ni Hail kay Raegan. "You're pale and cold. Anemic ka ba?"
Pagod na ngumiti si Raegan. "Yes."
Kumunot ang noo ni Hail tila ready nang pagalitan si Raegan pero inilipat niya ang tingin niya kay ate Marian. Ilang segundo silang nakatingin sa isa't isa bago tumango si Hail at tumayo na para bang may napagusapan na sila ni ate Marian.
"Raegan?"
Napalingon kami at nakita si King Leo at Queen Olivia.
Nang makita ni Queen Olivia si Raegan ay agad itong lumapit sa apo niya at hinawakan ang mga pisngi nito.
"What happened to you, hija?"
"Just feeling under the weather," sagot ni Raegan.
"Nagpatingin ka na ba?"
Ngumiti si Raegan. "I'm fine, lola. Don't worry too much."
"She's fine, Queen Olivia." Dagdag naman ni ate Marian. "We'll take care of her."
"She's apparently anemic. Kailangan ng healthier diet and some iron supplements para back to normal na siya." Singit ni Hail.
"Does she need to be taken to a hospital?" Tanong ni King Leo kay Hail.
Umiling si Hail. "She'll be fine."
"Well then, can I talk to you alone?" Tanong ni King Leo kay Raegan.
"What about?"
"Katarina."
Humingang malalim si Raegan, tila pagod na pagod na. "Are you mad?"
"Alone, Raegan. Not surrounded by your friends." Matalim ang tingin sa akin ni King Leo.
Gusto kong matakot sa kanya considering na miyembro na rin ako ng Familia Olympia kaso parang wala na kasi akong paki sa kung anong sasabihin nila sa akin.
"Lolo, if you're mad and gusto niyo lang ako pagalitan, please, can we talk about it some time else?"
Hinawakan ni Queen Olivia ang mga kamay ni Raegan. "We're just worried for you, hija. You don't look like you're taking the break up well."
Maliit ang ngiti ni Raegan. "I broke up with her, Lola. I'm fine. It's Katarina who's not taking the break up well."
"Do you want to stay with us?" Tanong ni Queen Olivia. "Para mas maalagaan ka namin."
Umiling si Raegan. "Ate Marian is doing a great job of taking care of me. I feel better when she's around."
Napangiti si ate Marian kay Raegan.
"Are you sure?" Tanong ni King Leo.
"I'm sure. The villa is always open for you though, if you feel like visiting me."
"Fine. We'll drop by tomorrow, when you're feeling better." Sagot ni King Leo. "If you'll excuse us, we'll be on our way."
Hinalikan ni Queen Olivia ang pisngi ni Raegan at sumabay na sa asawa niyang maglakad papalabas ng kwarto.

BINABASA MO ANG
Split Again
RomansaGraduate na ng psychology si Genesis at nagtratrabaho na para sa isang malaking kumpanya. Si Raegan naman nasa college pa rin, naglalaro ng tennis para sa unibersidad niya at kasabay nito ay namamahala pa siya ng airlines na iniwan sa kanya ng pamil...