Chapter 10

53.9K 1.1K 191
                                    

Split Again by JellOfAllTrades
Chapter 10

"Raegan, sa guest room na ako matutulog."

Kakapalit ko lang ng pang-tulog samantalang si Raegan ay nakahiga na sa kama nang sabihin ko iyon. Napaupo siya bigla at tiningnan ako na parang nasasaktan.

"Sky, wag naman ganyan..."

"I'm not asking you for permission. Sinasabi ko lang."

Tumalikod na ako pero bago ako makaabot ng hagdanan ay naramdaman ko na ang yakap ni Raegan mula sa likod ko.

"Sky..." Malungkot niyang bulong sa tenga ko. "Pagusapan natin 'to, please?"

Kinilabutan ako sa pagbulong niya at nangangamba na namang tumulo ang mga luha ko. Ang sakit kasi eh. Natanggap ko na lahat ng pang-babash na pwede kong matanggap sa mga fans ni Raegan pero yung marinig kong ayaw sa akin lolo niya? Masakit yun. Pinakamasakit na mas gusto pa pala niya si Mam Rina kaysa sa akin.

"Sky..." Marahang bulong ulit ni Raegan sa tenga ko. "Please?"

"Nakakainis ka naman eh." Pinunasan ko yung luha ko at hinarap siya. "Di ko matanggihan yang 'please' mo!"

Ngumiti si Raegan at hinila na ako sa kama. As usual, pinaunan niya ako sa braso niya habang mahigpit ko siyang yakap.

Tahimik lang kami habang pinakikinggan ko yung tibok ng puso niya. Pagod na ako pero hindi pa rin ako dinadalaw ng antok.

"I'm sorry." Sabi ni Raegan.

"Wala ka namang kasalanan eh."

"Pero si Lolo..."

"Wala tayong magagawa sa opinyon ng lolo mo..."

"Still, I'm sorry for what happened."

Nagtago na lang ako sa dibdib ni Raegan at naramdaman kong nilalaro niya yung buhok ko. Sa katahimikan namin hinintay ko na lang na makatulog siya, pero ilang minuto na ang nakakalipas hindi pa rin bumibigat ang paghinga niya. Tiningnan ko siya at nakitang nakatingala siya, nagiisip siguro.

"Anong iniisip mo?" Tanong ko.

"Yung future natin."

Tahimik akong naghintay kung meron pa siyang sasabihin pero tumingin lang siya sakin at ngumiti.

"Kasama ba ako sa future mo, Genesis?" Malungkot na tanong niya sa akin. "Kasi I don't want any other future without you in it."

"Kasama ka naman sa future na iniisip ko eh..." Sagot ko. "It's just...."

"Hindi ka sure kung kakayanin nating labanan si Lolo?" Mahina niyang sabi.

Tumango ako at nabalot na naman kami sa katahimikan.

Ayoko ng ganito. Pakiramdam ko pinupunit yung puso ko. Kami nga ni Raegan pero ayaw naman sa akin ng grandparents niya. Pag hindi kami nagpakatatag baka hindi din kami magtagal. Worse, baka makuha siya ni Mam Rina.

"Sky...tell me your dreams, your goals in life and your fears." Mahinang sabi ni Raegan.

"Ba't naman?"

"Humor me."

"Okay..."

Nagisip ako saglit, inaalala kung ano nga bang gusto ko sa buhay. "Gusto ko pa kumuha ng masterals, maybe even a doctorate. Tapos gusto ko magtrabaho sa clinic kasama si Mama."

"You've always wanted that, don't you?"

"Simula noong unang beses ako nakapasok sa clinic ni Mama, gusto ko na siya tulungan dun. When we talked about kung anong kukunin kong course for college, I was so sure na psychology ang kukunin ko. After that she promised me na ieexpand niya yung clinic para may sarili akong office when I graduate."

"Pero nasa Rodriguez ka..."

"Kasi nagbago isip ko." Sagot ko. "Magtatrabaho din naman ako sa clinic pero gusto ko munang maexperience yung corporate world."

Tahimik lang si Raegan, hinahaplos yung buhok ko.

"Dati, basta nakagraduate na ako, open na ako into getting a relationship."

"Eh, ba't mo ko sinagot agad hindi ka pa grumagraduate?"

"Pwede naman na kasi akong magboyfriend--" Nagpout si Raegan. "--okay fine, girlfriend, while in college, pero syempre, priority ang pagaaral ko."

Ngumiti si Raegan at hinalikan ako sa noo. Napapikit na lang ako kasi kahit natatakot ako sa pwedeng gawin ng lolo niya, feel kong safe ako kay Raegan. Gagawin niya ang lahat para sa akin. Sa amin.

"Dati ang plano ko by 25 pwede na akong magpakasal. Tapos baby by 27..."

"Gusto mo pa rin ba magka-anak?"

Hindi agad ako makasagot. Kung si Raegan na nga talaga ang makakasama ko habang buhay, di kami pwedeng ikasal. Well, pwede siguro sa ibang bansa pero hindi naman kami kikilalanin ng gobyerno at ng simbahan dito sa Pilipinas. At ang pagkaka-anak... Pwede kami mag-ampon pero hindi ko mararanasan ang pagdadalang tao.

"Genesis?" Malungkot ang boses ni Raegan nang punasan niya yung luha ko.

"Bakit ang hirap ng ganito?" Iyak ko. "Mahal kita, mahal mo ako. Bakit ang daming komplikasyon?"

Pilit ang ngiti ni Raegan. "'Cause we're living our lives in hard mode."

Nangangalay na ang braso ko kaya tumalikod naman ako kay Raegan. Niyakap niya pa rin ako.

"You know, may nabanggit sa akin si Kuya Alex before about a cryobank in California."

"Cryobank?"

"I forgot about it until he died and the family lawyer told me na may nakatagong sperm si Kuya sa California."

"Ha?" Naguguluhan ako kaya hinarap ko si Raegan. "Di ko gets yung sinasabi mo."

"Sperm, Genesis." Pagliliwanag ni Raegan. "May tinagong sperm si kuya sa isang sperm bank sa California."

"Ba't niya gagawin yun?"

"He said that if Katarina and I wanted to have kids, we were free to use his sperm."

Napanganga ako sa nalaman ko.

"Artificial insemination on Katarina and we can have kids of our own, that was the idea." Nahihiyang paliwanag ni Raegan. "And I couldn't say that the kid isn't related to me kasi si Kuya yung donor. He or she would be as good as mine."

"Pero, Sky, nagdonate yung Kuya mo for you and Katarina. Hindi para sakin yun."

"Sky naman, kahit wala na si Kuya I know he'll be okay to give it to anyone I'll choose to be with. And I choose you."

Napangiti ako. "Para naman akong Pokemon niyan eh."

"Ako si Ash, ikaw si Pikachu?"

"Ayoko nga. Ako si Ash, ikaw si Pikachu. Ikaw yung Heir of Zeus dito eh. Panindigan mo yang lightning thingy niyo."

Natawa si Raegan sa sinabi ko. "Seriously? Lightning thingy?"

"Eh bakit ba?" Tumalikod na ulit ako sa kanya.

Niyakap niya ako ulit. "So, what do you think?"

"In the future, if we survive through all our problems together, then yes. Maybe we can have kids."

"Ilan?" Tanong niya.

"Dalawa siguro?"

"Girl and boy?"

Tumango ako. Gusto ko yun.

"Anong ipapangalan mo sa babies natin, if ever?" Tanong niya pa ulit.

"Ewan..."

"Di ko gusto yung 'Ewan'. Parang si Ewan McGregor lang."

Natawa naman ako sa sinabi ni Raegan. "Wow ha."

"Ano nga?"

Nagisip ako saglit. Ano nga bang magandang ipangalan sa magiging anak namin ni Raegan?

"Alam ko na!" Natawa naman ako sa naisip kong pangalan.

"Ano?"

"Secret."

"Ano ba yan!" Reklamo ni Raegan. "Ano nga?"

"Rae and Gan." Parang kinikiliti pa ako sa tawa ko.

"Ay wow. So, kukunin mo sa pangalan ko, ganon?"

"In memory of your split personalities." Ngiti ko kay Raegan. "Alam mo, minsan namimiss ko sila."

"Ba't naman?"

"Yung kakulitan ni Rae tapos yung nakakainis at nakakasar na personality ni Gan. Pero mas namimiss ko si Rae." Tawa ko. "Alam mo namang ayoko kay Gan eh."

"So, Rae for the girl and Gan for the boy?" Tanong ni Raegan. "Ba't mo pa gagamitin yung name ni Gan kung ayaw mo pala kay Gan? Are you saying that you'll love our baby boy less?"

"Hoy, hindi ah!" Angal ko. "Yung name lang naman eh. I'll love our babies equally. Saka tandaan mo, Gan was a part of you."

"A part of me you hated."

"Correction, annoyed and irritated. Not hated."

"I stand corrected." Ngiti ni Raegan at hinalikan ako sa pisngi.

Hinarap ko ulit siya at hinalikan sa labi.

"Pakasal na kaya tayo para di na tayo mapaghiwalay nila Lolo?" Suhestiyon ni Raegan.

"Ayoko nga!"

"Ba't naman?" Parang nasaktan si Raegan sa reaksyon ko.

"Ayokong magpakasal sa'yo for the reason na ayaw nating mapaghiwalay ng Lolo't lola mo." Paliwanag ko. "I have great plans for my wedding, wag mo sirain dahil pabigla bigla ka ng desisyon."

Tumaas ang kilay ni Raegan. "May plano ka na?"

"What? Babae pa rin ako. Of course I've planned my dream wedding in my mind na."

"Kwento!"

Natawa ako kay Raegan. "Ayoko nga. Baka isetup mo na lang bigla para wala na akong takas sayo eh."

"You're hurting the romantic side of me. You know I won't do anything without asking you first."

Hinalikan ko siya. "And that's why I love you. Palagi mo akong inuuna."

Ngumiti lang si Raegan.

"Pero Raegan, love yourself too ha? Wag puro ako atupagin mo. Think about what would make you happy din." Pinisil ko yung ilong niya. "And know na andito lang ako para sayo."

Ngumiti siya na parang kinikilig. "Kaya mahal kita eh."

"Hala ka, kinilig siya!" Asar ko.

"Palagi naman akong kinikilig sayo eh." Pisil niya sa ilong ko. "Hello, Genesis Beltran yan oh! Sinong di kikiligin?"

"Mas mahirap sakin! Hello, Raegan Luces yan oh! Lahat kinikilig! Nakakaselos kaya." Lumabi pa ako para may effect.

Natawa lang si Raegan at hinalikan ako sa labi. "Tandaan, ikaw lang mahal ko. Kiligin na silang lahat, ikaw lang naman gusto kong kiligin sakin."

"Ano ba yan!" Nagtago ako sa kilikili niya. "Nakakainis ka."

"Oh, ba't na naman?"

"You know the right words to say..."

"Because making you happy makes me feel right."

Pinalo ko siya kasi nga kinikilig ako. "Nakakagigil ka, bwiset!"

Natawa na lang si Raegan at niyakap ako ng mahigpit. "Okay na ba tayo?"

"I guess."

"Di ka makikipagbreak?" Paninigurado niya.

"Hindi, basta hindi ka makikipagbreak."

Sabay kaming ngumiti at lumapit siya para halikan ako. Pero dahil trip ko, umiwas ako.

"Sky naman eh!" Angal niya. "Wag ganyan! Halika dito!"

"Ayoko nga!" Umiwas ako sa kanya.

"Yung kiss ko!" Lumabi siya sa akin.

Honestly, mahirap tumanggi sa pagpapa-cute ni Raegan. Pero natiis ko naman siya at nagawa pang hampasin ng unan sa mukha. This time, conscious na ako sa lakas ko para di siya masaktan.

"WOW HA!" Hinablot ni Raegan yung unan mula sa akin at tinapon yun sa gilid ng kama.

Kiniliti niya ako hanggang sa bumagsak ako sa kama at pumaibabaw siya sa akin. Tawa lang ako ng tawa habang umiiwas ako sa kanya.

Tumigil siya at tiningnan na lang ako nang nakasimangot. "Ang daya mo."

"Ako yung nasa ilalim, yung inabuso ng kiliti tapos ako pa madaya? Wow lang."

"Yung kiss ko..." Parang batang atungal niya.

Umupo ako at hinalikan siya. "Ayan, okay ka na?"

"Isa pa?"

Hinalikan ko ulit siya. "Last na yan."

Lumabi pa siya sa akin pero di ko na siya hinalikan. Hinila ko na lang siya para mahiga na kaming pareho at makatulog na.

Pinaunan niya ulit ako sa braso niya at niyakap ko siya.

Pumikit ako at taimtim na nagdasal kay Lord ng pasasalamat dahil andito pa rin sa tabi ko si Raegan at bago ako tuluyang nakatulog, nanghingi na rin ako ng tulong sa Kanya kasi alam kong mahihirapan kami sa darating na mga araw.


---------------------------


"Raegan?"

Nagising ako sa alarm clock ko pero wala na sa tabi ko si Raegan.

Bumangon ako at tumingin sa paligid. Napansin kong gumalaw yung kurtina kaya malamang nakabukas yung terrace doors. Tumayo ako at lumapit doon. Sa pagsilip ko sa glass panels, nakita kong nakatalikod si Raegan sa akin at nakahawak siya sa railings.

Dahan dahan akong lumapit sa kanya at niyakap siya from the back.

"Good morning," Bati ko.

"Gising ka na pala. Good morning, Sky ko." Humarap siya sa akin.

Ang daya talaga ng mundo. Bakit ang aga aga pero ang fresh niya tingnan? Wala ba siyang pangit na moment? Lahat maganda?

"Ano yang tingin na yan?" Tanong niya sa akin.

"Andaya mo, ba't ang fresh mo tingnan kahit bagong gising?"

Natawa lang si Raegan. "Ano ba yan. Akala ko naman kung ano na. Breakfast?"

Tumango ako at bumaba kami ng stairs sa gilid ng terrace. Sa may porch katapat ng swimming pool ay may nakahandang table.

"Hinihintay na lang kitang magising." Ngiti ni Raegan at pinaupo na ako.

"Ang sweet mo naman," Pagpipigil ko sa kilig ko. "Bumabawi ka sa nangyari kagabi no?"

"Kind of, yes." Ngiti lang niya sa akin at may tinawag sa loob ng bahay.

Maya maya ay dumating sila Manang Fe at Manang Yolly na may dala dalang plato ng sinangag, beef tapa at itlog. May orange juice din. Aba, nagbago ata ang gusto ni Raegan ngayon. Madalas kasi bacon and pancakes ang kinakain namin for breakfast.

"So...papasok ka and makakaharap mo si Kat sa office...." Awkward na panimula ni Raegan.

"Di ko naman maiiwasan yun eh."

"You know you don't have to work there anymore..."

Tiningnan ko lang si Raegan at parang kinakabahan ang itsura niya. Alam kong napagusapan na naming hindi na niya ako kukulitin tungkol sa pagtatrabaho ko sa Rodriguez pero mukhang worried na talaga siya sa work environment ko.

"Nagusap na kami ni Mam Rina na kung ano mang problema namin tungkol sayo, labas yun ng trabaho namin. Civil naman kami sa office although may awkward moments, hindi naman yun maiiwasan. Saka isa pa, kami at si Rhian lang ang nakakaalam tungkol sa issue na 'to."

"So, di ka talaga magreresign?"

"Nope."

"Okay." Tumango na lang siya at nagpatuloy na sa pagkain.

Matapos maghanda ay hinatid na niya ako sa Rodriguez Corporation. Nang makarating kami doon ay halata sa mga mata ni Raegan na ayaw na niyang tumuloy pa ako pero wala din naman siyang ginawa para pigilan ako. Hinalikan ko na lang siya at saka nagpaalam na.

Pagkarating ko sa floor namin ay tahimik na nagtatrabaho ang lahat kaya naman naupo na ako sa desk ko at sinimulan na ang dapat kong gawin. Nakakailang minuto pa lang ako nang makita kong dumaan si Mam Rina papunta sa office niya na parang nagmamadali.

Alas diyes na nang may biglang tumigil sa harap ko na may dala dalang bouquet ng sunflowers.

"Hi, miss! Good morning. Eto po ba yung office ni Miss Katarina Rodriguez?" Tanong nung lalaki.

"Opo," Tumayo ako para iderekta siya sa office ni Mam Rina. "Sunod na lang po kayo sa akin."

Tumango si kuyang taga-deliver at sumunod sa akin. Kumatok ako sa office ni Mam Rina. "Mam Rina, may naghahanap po sa inyo."

Pumasok si kuyang delivery boy at inabot ang flowers kay Mam Rina. Ngumiti naman si Mam Rina at tinanggap ito. Paalis na kami ni kuya delivery boy nang tinawag ako ni Mam Rina.

"Gene, patapon nito." Utos niya sa akin.

"Ha?" Napaturo ako sa sarili ko. Eh ngiting ngiti pa siya kanina pero ngayon gusto na niyang itapon? Problema nito?

"Itapon mo na lang, please." Inabot niya sa akin yung mga bulaklak at kinuha ko na lang iyon. Nagkatinginan pa kami ni kuya delivery boy.

Nang makalabas ng office ay tiningnan ko yung card.


I heard you're back.
I hope we can talk soon.
With love,
Justine


May manliligaw si Mam Rina?

Lihim akong napangiti. Sana eto na yung help na hinihingi ko from God. Sana magfocus na lang si Mam Rina dito sa Justine na 'to para lubayan na niya kami ni Raegan.

"Gene!"

Napalingon ako at nakitang masama ang tingin sakin ni Mam Rina. "Sabi ko itapon mo na yan. Wala akong sinabing basahin mo yung card!"

"Opo, opo. Sorry!" Nagmadali na akong pumunta sa bandang comfort room at doon itinapon yung bouquet of sunflowers. May basurahan naman kami na mas malapit pero sinigurado ko nang malayo kasi mukhang nabadtrip si Mam Rina sa nagpadala.

Kung pwede lang, dun ko na 'to itatapon sa malapit, yung madali niyang makikita para mabadtrip siya pero baka mapagalitan lang niya ako at lalo siyang mabadtrip sa manliligaw niya. Hindi pabor sakin yun.

Bumalik na ako sa table ko para magtrabaho pero wala pa atang limang minuto nang bigla akong pinatawag ni Mam Rina sa office niya.

"Mam?" Tanong ko pagkapasok ko ng office niya.

"Asan na yung powerpoint na gagamitin ko for the meeting mamaya?" Demanda niya.

"Finafinalize pa po nila Rhian bago ipasa sakin for checking bago ko po ipasa sainyo." Paliwanag ko.

"Aba, malapit nang mag-alas dos. Kailangan kong makita yun para makapaghanda ako for the meeting! Bilisan niyo!"

"Okay po." Nagexcuse na ako't pinuntahan si Rhian.

Pagkarating ko sa table ni Rhian ay inaayos pa niya yung powerpoint.

"Rhian," Tawag ko sa atensyon niya. "Hinahanap na sakin ni Mam Rina yung powerpoint. Matagal ka pa ba?"

"Wait lang, beh. Malapit na 'to. Thirty minutes na lang!" Ngiti ni Rhian na halatang natataranta na.

Natawa na lang ako. "Kalma lang ha? Baka mamaya magkamali ka pa, pareho tayong magigisa ni Mam Rina."

"Oo na. Bigay ko na lang 'to sayo mamaya."

Iniwan ko na si Rhian at bumalik na sa table ko para ituloy yung naiwan kong papel. Makalipas ang ilang minuto ay tumunog naman yung cellphone ko sa tawag ni Raegan. Sinagot ko agad iyon.

"Hello,"

"Genesis, my love so sweet!" Bati ni Raegan.

"Wow, good mood ka ah?" Tawa ko habang inaayos yung files na kailangan kong ipasa kay Mam Rina mamaya. Inipit ko na lang yung cellphone ko sa tenga at balikat ko.

"Masama ba yun? Kumain ka na ba, mahal ko?" Tanong niya.

Napangiti ako sa kakornihan ng 'mahal ko'. Mas gusto ko talaga yung tawagan naming 'sky' kesa sa kung ano pa mang endearment. "Hindi ko pa po lunch break. Mga thirty minutes pa."

"Oh, so may ginagawa ka? Baka nakakaistorbo ako."

"Okay lang naman."

Dumating si Rhian sa tapat ng desk ko at inabot niya sa akin yung USB niya. Sinenyasan ko na lang siya na kausap ko si Raegan kaya ngumiti na lang siya at bumalik na sa desk niya.

"Okay. Nga pala, susunduin kita later ha?"

"Wala ka bang schoolwork?"

"My thesis advisor's out of town. Pinasa ko na sakanya via email yung progress ko and he's still reviewing it."

"Okay, sige. Pwede mo akong sunduin."

"Alam mo minsan parang ewan lang na nagpapaalam pa ako sayong susunduin kita."

Sinaksak ko yung USB sa computer ko at inopen yung powerpoint presentation na hinanda ni Rhian. "Kasi nga, priority mo yang pag-aaral mo. Onti na nga lang at gagraduate ka na."

"Pero priority ka din."

"Aral muna bago landi." Paalala ko.

"Kung ibang babae siguro nalaglag na panty sa sweetness ko, ba't sayo walang talab?" Maktol ni Raegan.

Natawa na lang ako sa kanya. "Kasi yung utak ko yung boss, hindi yung puso ko. Kung puro sweetness ang paiiralin mo, aba, wala tayong mararating nyan!"

"Meron kaya!"

"Ano?"

"Kama."

"BALIW!"

Tawa lang ng tawa si Raegan sa kabilang linya at ako nama'y nirereview na yung slides.

"Alam mo, kung pagtitripan mo lang ako ibababa ko na to."

"Sorry na."

"Apology accepted. Kumain ka na bang lunch?"

"Kakain pa lang po."

"Okay, kumain ka na. May gagawin pa ako eh."

"Okay. Kain ka na rin ha? Love you, Genesis."

"I love you too. Bye."

"Bye."

Pagkapindot ko ng end call, saka ko lang napansin na nasa tapat pala ng table ko si Mam Rina. Nakapamewang siya at nakataas pa ang isang kilay sa akin.

"Miss Beltran, kanina pa ako naghihintay for that powerpoint presentation tapos madadatnan kitang nakikipaglandian lang pala sa girlfriend mo over the phone on work hours?"

"S-sorry po." Napayuko na lang ako.

Kanina pa naman ako nagtatrabaho pero bakit kung kailan kausap ko si Raegan saka naman siya lalabas ng kweba niya para maghasik ng lagim?

"That is just disappointing, Miss Beltran. Hala, bilisan mo't I want that powerpoint presentation in my office in ten minutes!"

Naglakad na siya papalayo, yung red high heels niya gumagawa ng 'clack, clack' sounds sa office floor.

Nagfocus na lang ulit ako sa trabaho ko, pilit na pinapakalma ang sarili kasi mukhang kanina pa ako pinagiinitan nitong si Mam Rina.

After ten minutes, dinala ko na yung USB sa office ni Mam Rina. Binigay ko na rin yung additional files na kailangan niya.

Pagkatanggap niya ay tiningnan niya kaagad yung laman noon. Wala man lang pasalamat?

Palabas na sana ako ng office niya nang tawagin niya ako ulit.

"Gene?"

"Po?" Hinarap ko ulit siya.

Nakatingin lang siya sa papeles na pinasa ko. "Wag na makikipaglandian while in office ha?"

Gusto ko sana siyang asarin ng 'bitter' pero di naman maganda yun. Kaya sumangayon na lang ako. "Opo, di na mauulit."

Lumabas na ako't pinuntahan si Rhian para sabay na kaming maglunch.

"Oy, Gene. Sorry kanina ha? Napaginitan ka pa tuloy ni Mam Rina." Sabi ni Rhian.

"Hayaan mo na. Kahit naman siguro naipasa mo agad yung powerpoint, pagiinitan ako nun eh."

"Bitter ni ate, no?" Tawa ni Rhian habang umoorder kami.

"Wala eh. Kasalanan niya ba't siya naghahabol ngayon." Sagot ko na lang.

After namin mag-lunch ay balik trabaho na agad kami ni Rhian. Di na ako nagpaligoy ligoy pa kasi alam kong pinapanuod ako ni Mam Rina at pag may nakita siyang pagkakamali, hindi yun magdadalawang isip na pagalitan ako o ipahiya sa buong division namin.

Sabi niya labas yung personal conflict namin sa trabaho namin pero kung pakitunguhan niya ako halata namang galit siya sa akin. Di niya lang ako masigawan ng tuluyan kasi magmumukha naman siyang masamang boss kaya ang siste, pinapahirapan niya ako para pag may nagawa akong mali, justified yung pagsigaw niya sa akin, if ever.

Kababalik lang ni Mam Rina from her meeting nang marinig ko ang mga papuri sa kanya ng higher ups sa may elevator area.

"Excellent work, Katarina."

"Thank you," Dinig kong sagot ni Mam Rina.

Nagpanggap na lang akong wala akong narinig nang dumaan siya papuntang office niya. Mukhang maganda yung nangyari sa meeting. Sana man lang nagpasalamat siya kay Rhian kasi siya yung naghirap sa powerpoint presentation.

Napailing na lang ako. Mukhang kailangan kong masanay sa ganito.

Pagdating ng uwian, sabay na kaming bumaba ni Rhian. Unfortunately, nakasabay namin si Mam Rina sa elevator. Nginitian siya ni Rhian pero dedma lang ako. Ang usapan kasi, sa trabaho lang kami civil. Alas-cinco na, tapos na trabaho namin kaya baka ano pang sabihin niya sakin, mapaaway ako dito.

Sa may lobby ay nadatnan namin ni Rhian na may kausap si Raegan na matangkad na babae. Siguro magka-height sila at halos pareho ng body built. At sa nakakunot na noo ni Raegan ay hindi maganda ang paguusap nila.

"It wasn't my fault she fell in love with me!" Galit na sabi ni Raegan.

"But it was your fault she left the country!" Sagot nung babae.

Agad kaming lumapit ni Rhian kay Raegan at kasabay namin si Mam Rina sa paglalakad.

"Raegan?" Nauna pang tawagin ni Mam Rina yung girlfriend ko.

Wow ha, nahiya naman ako sakanya. Ako yung girlfriend dito tas uunahan mo pa ako?

"Kat!" Harap nung babae.

Hindi ko alam pero parang pamilyar yung matangkad na babae. Parang nakita ko na siya before, hindi ko lang sigurado kailan at saan.

"Justine, what are you doing here?" Tanong ni Mam Rina sa babae.

"Wait, what?" Natigilan ako. Yung matangkad na babaeng yun yung Justine? Akala ko ba lalaki yun?

"Gene!" Lumapit na sakin si Raegan.

"I was going to pick you up until I saw that fucker..." Turo nung Justine kay Raegan.

"Shut up, Javier." Sagot ni Raegan. "Di kita pinapansin diyan tapos magaamok ka ng away?"

"Ang kapal lang kasi ng mukha mong puntahan pa siya dito when we all know she doesn't want you anymore!" Galit na sagot ni Justine kay Raegan.

Natawa lang si Raegan. "Justine, get your facts straight because last time I checked, hindi yang si Katarina ang pinunta ko dito but my girlfriend right here." Inakbayan pa niya ako for effect. "At ang pagkakaalam ko, hindi ako yung naghahabol, siya ang naghahabol sa akin!"

Di makasagot si Justine at halatang nasaktan naman si Mam Rina sa sinabi ni Raegan.

"Wag kang bitter, Justine. Lahat na lang sinisisi mo sakin. From losing in tennis to losing Katarina." Dagdag pa ni Raegan. "Why don't you try to do better than curse me every time our paths cross? That way, baka sa wakas manalo ka na rin."

Inakay na ako ni Raegan papalayo at sumunod na lang si Rhian sa amin.

"Sino yun, Raegan?" Tanong ko pagkalabas namin ng building.

"Oo nga, beh. Grabe makamura sayo eh. Galit na galit!" Dagdag ni Rhian.

"Justine Javier. Tennis player ng Ateneo. Considered na rival ko in the court."

Naalala ko na! Si Justine Javier yung nakalaban dati ni Raegan noong unang beses ko siyang napanuod na maglaro ng tennis. Siya yung binasag yung tennis racket niya at pinagmumura pa si Raegan matapos matalo.

"Eh ano yung something with Mam Rina?" Tanong pa ni Rhian.

"Schoolmates sila ni Katarina nung high school." Kwento ni Raegan. "Sabay kaming nanligaw kay Katarina noon."

Kung kaninang tumawag siya sa akin ay nasa good mood pa siya, matapos makaharap si Justine at si Katarina ay halatang bad trip na siya. Nagpaalam na kami kay Rhian at sumakay na kami ng kotse.

Tahimik na nagdrive si Raegan.

"Sky?" Tawag ko sa atensyon niya matapos ang ilang minuto.

"Yes?"

"Okay ka lang?"

"I'm fine...Just...Shaken." Sagot ni Raegan. "Hindi ko kasi talaga gusto pag nakakaharap ko si Justine. Ang laki ng galit niya sakin. From our tennis games to when talking about Katarina."

"Wala naman tayong magagawa dun eh."

"I know..." Pilit na ngiti sa akin ni Raegan. "Pero she's one of the reason I found it harder to move on with Katarina kasi she kept on reminding me during our games na ako yung reason ba't nagsawa si Kat at umalis ng bansa. Magkasama din kasi sila sa Ateneo and even though girlfriend ko na si Katarina, Justine remained as Kat's friend. When she left, ako yung sinisi niya for losing her bestfriend."

"You know that's not your fault. Si Mam Rina yung nangiwan sa inyo."

"Pero--"

"Sky, you can't always blame yourself for what happened. You have to understand na may mali ding ginawa si Mam Rina." Pagpapaliwanag ko. "Sige, sabihin nating ikaw nga yung reason ng pagalis niya, pero Sky, desisyon pa rin ni Mam Rina yun na umalis na lang bigla instead of talking it out with you."

Tahimik lang si Raegan ng ilang minuto, pinagiisipan yung sinabi ko.

"Sky, forgive and forget, right?" Ngiti ko sakanya. Inabot ko yung kamay niya sa may stick shift at hinimas yun.

Saglit na sumulyap sa akin si Raegan at ngumiti. "Yeah, you're right. Thanks, Genesis."

"Wala yun. Mahal kita eh."

"Mahal din kita."

---------------------------------------------

A/N:

Sa kagustuhang matapos na tong chapter na 'to, nagpuyat ako.... at ngayon ko lang naalalang may pasok pa pala ako early tomorrow morning hahahaha

Kaya matutulog na ako. Bahala na kayo jan! :P

Split AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon