Chapter 34

21.4K 795 123
                                    

Split Again by JellOfAllTrades
Chapter 34

"Lady Gene, you have a call from Lady Marian," 

Kausap ko si Alexa nang tawagin ako ni kuya Fernan mula sa may pintuan ng living room ng Chronos House. May hawak siyang cordless phone handset.

"Excuse me," ngiti ko kay Alexa at sinalubong si kuya Fernan. "Thanks kuya,"

Inabot sa akin ni kuya Fernan yung handset at nag bow bago umalis. 

"Hello?" Sagot ko sa phone.

"Hi, Gene. How's your evening?" Agad na bati ni Mam Perez sa kabilang linya.

"Doing great po. Kumusta kayo ni Raegan?" 

"She's sleeping. She found out about your Chronos heritage and what Katarina tried to do to your DNA test." Kwento ni Mam Perez. "She used it as a reason to break up with her. She's planning to meet with her grand parents tomorrow to break off the engagement."

"Oh," ang natatangi kong nasabi.

Nakahinga akong maluwag na nakipaghiwalay na si Raegan kay Katarina pero nag aalala pa rin ako sa kanya.

"I'm honestly worried na she's pushing herself too much. Pero di na masyado nagdugo ilong niya kaninang umaga. Saglit lang."

"Ano po bang ginawa niya kaninang umaga?" 

"Kung di siya tulog, kausap niya si Roli."

"Pano niya nakakausap si Roli?"

Nagpakawala ng buntong hininga si Mam Perez sa kabilang linya. "Minsan tulala siya, minsan nagsasalita siya sa hangin." 

Napakunot ang noo ko sa sinabi ni Mam. Naimagine ko tuloy si Raegan na kinakausap yung pader sa kwarto niya.

"Sure po ba kayong okay lang siya?"

"She assured me naman."

Napatango ako kahit alam kong di naman niya ako nakikita. "Sige po. Thank you sa balita."

"May ipapadala rin daw siya sayo." Dagdag ni Mam Perez.

"Ano po?"

"Andiyan na siguro yun. Kausapin mo na lang yung head butler niyo later. Kinausap ko kasi siya kanina bago ko pinapasa sayo yung phone."

"Err, okay po."

"Kumusta pala yung Familia meeting niyo? Sorry di ako nakapunta."

Napalingon ako sa kinauupuan ni Alexa kung saan busy siya sa pagliline up ng mga platapormang ipagpapatuloy niya sa Familia Titanos. 

"Okay na po. Successful naman yung meeting. Ihaharap na rin naming yung Titanos sa Grand Order bukas."

"That's good. Isama niyo na ako sa allies niyo."

"Isinama ka na po ni Alexa."

Natawa si Mam Perez sa kabilang linya. Light lang ang tawa niya pero for some odd reason ay naramdaman ko yung pagod niya sa tawa niya.

"Okay ka lang po ba, Mam?"

"Gene, please stop calling me 'mam'. Di mo na ako professor."

"Nasanay na po eh, sorry."

"Call me ate Marian, like Alexa and Raegan."

"Okay po."

"Anyway, I'm fine but I'm exhausted. I need to go, Gene."

"Okay po. Good night."

"Good night,"

Tinapos na ni mam---ate Marian yung call  at lumingon ako kay Alexa.

Split AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon