Split Again
By JellOfAllTradesChapter 16
"Dito ka lang sa kwarto. Wag kang aalis." Utos ni Alexa kay Oli.
"San kayo pupunta?" Takang tanong ni Oli at tumayo papalapit sa amin.
"Hep! Diyan ka lang! Di ka pwede lumapit samin!" Pigil ni Alexa.
"Wow ha. Wala naman akong sakit, kung makapigil ka naman sa paglapit ko." Kumento ni Oli at sinubukan pa uling lumapit.
Humingang malalim si Alexa at sinalubong si Oli.
Hindi ko alam kung anong meron ako para mapansin ko ang mga simpleng pagbabago ng tindig ng isang tao, o ang tono ng boses nila, ang pagkilos nila o ang simpleng aura lang nila. Pero sa paglapit ni Alexa kay Oli, napansin ko ang biglaang paglambot ng kilos niya. Kung kanina ay sobrang palaban siya, bigla niyang hinaplos ang pisngi ni Oli at pasimpleng pinadaan ang hinlalaki nito sa labi ni Oli.
"Gusto mo ng kiss, Oli?" Malanding tanong ni Alexa.
Halata ang gulat ni Oli sa biglang panlalandi sa kanya ni Alexa pero nakabawi din naman agad ito. "No."
"Eh, anong gusto mo?" Malandi pa rin ang boses ni Alexa at pinaglaruan ang kwelyo ng damit ni Oli.
"I want you. In bed. Naked." Simpleng sagot ni Oli na parang nagrerequest lang ng orange juice.
Lumapit si Alexa at hinalikan si Oli sa gilid ng labi nito. "Consider it done. Pero I want Gene out of here. Okay lang ba yun?"
"I was hoping for a threesome but I guess that's okay." Kibit balikat ni Oli.
"Okay. Ihahatid ko na si Gene palabas. Get to bed upstairs and wait for me." Tinapik ni Alexa ang pisngi ni Oli bago ako hinila papunta sa pinto.
Pag lingon ko ay parang excited na batang tumakbo si Oli paakyat ng stairs.
Nang makalabas kami ni Alexa ng kwarto ay patuloy ang paghatak niya sakin papalayo.
"San tayo pupunta? Saka ano yung ginawa mo sa loob? Anong plano mo?" Sunod sunod na tanong ko kay Alexa nang makalagpas na kami ng dining hall.
"Pupunta tayong guard house at manghihiram ng posas. Ipoposas natin si Oli sa kama."
Pinigilan ko si Alexa. "Ako na lang kukuha ng posas. Bumalik ka na sa kwarto, baka makahalata si Oli."
Nagisip pa saglit si Alexa. "That makes sense. Lalandiin ko na lang siya hanggang sa magawa ko siyang piringan. Tapos pumasok ka at iabot sakin yung posas o tali, kung ano mang makuha mo."
"Okay." Sang ayon ko. "Kaya mo siya i-handle? Malaki si Raegan kaysa sa ating dalawa, baka masaktan ka niya."
Napangiti si Alexa. "Hindi ba naikwento sa iyo ni Amazona na member din ako ng theater club namin noong high school?"
"Hindi."
"Well, Gene, you should know na aside sa pagiging maarte ko ay may talent din ako sa pag-arte. " Pinauna na ako ni Alexa. "Sige na, pumunta ka na sa guard. I need to get our perverted Raegan distracted."
"Okay. Magiingat ka sa kanya, Alexa."
Tumakbo na pabalik si Alexa ng kwarto at ako naman ay nagmadali na din sa pagpunta sa guard house ng mansion. Iniwasan kong tumakbo kasi baka magduda sila at mapaisip kung bakit ako nanghihiram ng posas.
Nang makarating ako sa guard house ay nadatnan kong nagkakape ang guard at ang gardener ng mansion.
"Kuya? Excuse me po?"
BINABASA MO ANG
Split Again
RomanceGraduate na ng psychology si Genesis at nagtratrabaho na para sa isang malaking kumpanya. Si Raegan naman nasa college pa rin, naglalaro ng tennis para sa unibersidad niya at kasabay nito ay namamahala pa siya ng airlines na iniwan sa kanya ng pamil...