Chapter 24

27K 890 312
                                    

Split Again by JellOfAllTrades
Chapter 24

"Buti sumama kayo, Doktora."

"Kailangan ko din naman magbakasyon," sagot ni Mama.

Sinara na ni Hail yung trunk ng kotse at pinagbuksan ng pintuan si Mama sa backseat.

"Thank you," ngiti ni Mama.

Since nasa kabilang side ako ng kotse ay ako na ang nagbukas ng pinto sa shotgun seat. Nang makita ni Hail na nakasakay na ako ay napailing na lang siya. Gusto niya kasi siya ang nagbubukas ng pintuan ng kotse para sa akin.

"Inunahan mo ako ngayon, Genesis ah?" Pansin ni Hail.

"Si Mama muna ang pagbuksan mo ng pinto. I can handle myself."

"As if di ko kaya sarili ko?" Dagdag ni Mama sa likuran.

"Hindi naman sa ganun, Doktora. It's just good manners to open the door for beautiful ladies like you." Kindat ni Hail sa akin.

"Bolera ka pala, Dr. Hail." Pansin ni Mama.

"Kung alam mo lang po," napailing na lang ako sa kindat ni Hail sa akin.

"Seatbelt mo, Genesis." Sagot na lang ni Hail sa sinabi ko.

Ikinabit ko na yung seatbelt ko at pinaandar na din ni Hail ang kotse.

"Wala nang naiwan ah?" Final na tanong ni Hail.

"Wala na po,"

"Okay! Baler, here we go!"

==========================================

"Genesis,"

Nakaramdam ako ng tapik sa balikat ko. Umayos ako ng pagkakaupo at tumingin sa paligid.

"Andito na tayo," ngiti ni Hail sa akin.

Lumabas kami ng kotse at pumunta sa beach kung saan kitang kita mo ang pagsikat ng araw.

Habang naglalakad ay naguunat kami ng katawan. Mahaba haba din ang higit limang oras na byahe.

"GOOD MORNING, BALER!" Sigaw ni Hail at patakbong pumunta sa dagat.

"Hoy!" Saway ko at napatingin sa paligid. "Ang aga aga nag-iingay ka!"

"Hayaan mo na, Genesis." Ngiti ni Mama at sumunod na kay Hail sa tubig.

Pinulot ko yung sandals na suot ko at nagtampisaw sa malamig na tubig.

Raegan...

"Genesis! Surf tayo mamayang hapon ah?" Sigaw ni Hail sa di kalayuan.

"Oo!" Sigaw ko pabalik sa kanya.

Napatingin ako sa papasikat na araw, sa panibagong umaga na wala si Raegan sa tabi ko. Alam ko matutuwa siya kung andito siya. Nakasulat din kasi sa bucket list niya na gusto niyang magaral mag-surf.

Raegan...

"Ang lamig ng tubig!" Sigaw pa ulit ni Hail. "Gusto ko na maligo!"

"Mamaya ka na maligo!" Sigaw ni Mama sa di kalayuan.

Tumawa lang si Hail at parang bata na tumakbo lang sa tubig. Maya maya ay nadapa siya at bumagsak sa tubig.

Nagmadali akong lumapit sa kanya pero bago ko pa siya maabot ay napaupo na si Hail sa mababaw na dagat, basang basa at tumatawa.

"Basang basa ka na! Di pa tayo nakakarating sa vacation house ng kaibigan mo!"

"Mababasa lang din naman ako mamaya, okay lang to." Ngiti ni Hail.

Split AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon