Split Again by JellOfAllTrades
Chapter 1
"Genesis, andito na si Raegan."
Iniwan ko muna saglit yung niluluto ko at sumilip agad sa doorway para lang makita si Raegan na nakangiti saakin.
"Nagpaluto ako kay Manang Yolly," Sabi nya at ipinakita sakin yung paperbag na hawak hawak nya. "Breakfast?"
"Nagluluto na ako eh," Reklamo ko.
"Kasya ba yan sa tatlo?" Biglang sabi ni mama. "Sunog na yung niluluto ni Genesis eh."
"Hala!" Napatakbo ako sa stove pero tama nga si mama. Sunog na yung piniprito kong itlog. Pinatay ko nalang yung apoy at hinarap sila. "Ano ba yan?"
"French toast, bacon, eggs, and pancakes." Inilapag ni Raegan yung paperbag at isa isang inilabas yung Tupperwares.
"Hindi ko alam kung magagalit ako kasi kung di ka dumating, hindi masusunog yung niluluto ko. But then again, matutuwa nalang ako kasi nagdala ka ng pamalit." Lumapit ako kay Raegan at humalik sa pisngi nya bago naupo sa table.
"Palagi nalang pala akong magdadala ng breakfast doktora," Tawa ni Raegan at naupo sa tabi ko.
"Kayo talagang dalawa," Natawa lang si mama saamin. "Kumain na nga tayo!"
Pagkatapos naming kumain, nagpaalam na kami ni Raegan kay mama at sumakay na sa kotse. Si Raegan na ulit ang nagdidrive.
"Alam mo, minsan hindi parin ako makapaniwalang nagtratrabaho ka na." Sabi ni Raegan nang tumigil kami sa stoplight.
"Bakit naman? Ikaw nga din nagtratrabaho eh."
"Iba yun, it's a family business, I'm supposed to work in it." Pinaandar na ulit nya yung kotse. "Yung sayo..."
"Ano ka ba, Raegan, everybody works."
"Rich people don't have to work."
"Everybody works, Raegan" Ulit ko. "Kailangan yan ng isang tao."
"How would you know that?"
"Maslow's Ladder of Human Needs. After physical needs, safety and security needs, love and belonging, there's self respect. At makukuha lang ng isang tao ang self respect kapag may trabaho sya."
Napatingin saglit sakin si Raegan. "Okay, you got me there."
Napangiti nalang ako. Minsan ko lang nauutakan si Raegan. Savor the moment.
Tumigil kami sa tapat ng isang building sa Makati.
Rodriguez Corporation
"Why do you have to work here, Genesis?" Hinarap ako ni Raegan. "Bakit hindi nalang sa airlines ko? I can make you a boss there if you want."
"Raegan, napagusapan na natin 'to. Sa human resources ng Rodriguez na ako nagtratrabaho. Masaya ako dito, wag mo nang ipilit yang airlines mo." Inayos ko na yung gamit ko.
"Fine, pero kapag may ginawa sila sayo; sinigawan ka, binastos ka, sinaktan ka o kung ano, sabihin mo kaagad sakin. Pananagutin ko sila."
"Ang OA mo talaga kahit kailan."
"I just want you safe."
"Safe naman ako eh," Humalik na ako sakanya. "Please don't worry about me."
"Sige na, good luck."
"Galingan mo sa test mo mamaya."
"Psh. It's just a quiz, I can nail it easily."
Inirapan ko nalang sya at lumabas na ng kotse.
"Love you!" Pahabol nya.
"Love you too, bye!" Sinara ko na yung pintuan at nagsimula nang umakyat ng hagdan papasok ng building. Lumingon ako saglit pero hindi pa umaalis si Raegan. Hindi sya umaalis hangga't hindi ako nawawala sa paningin nya.
Nginitian ko si Manong Guard atsaka naglog-in. Sumakay din kaagad ako sa elevator papuntang 4th floor. Pagdating ko sa office namin, nakasalubong ko si Rhian.
"Gene! Goodmorning!" Bati nya sakin.
"Goodmorning!"
Sinabayan nya ako hanggang sa cubicle ko.
"May kailangan ka?" Tanong ko sakanya pagkaupo ko.
"Wala naman," Ngiti nya na para bang may hinihintay.
Napabuntong hininga nalang ako. Alam ko na kung anong kailangan nya eh. "Ayos lang sya, Rhian. Hinatid nya ako dito."
"Ba't di mo pinaakyat?" Lumabi pa sya.
Katulad ng maraming kakilala ko, kilala ni Rhian si Raegan. At kabilang din sya sa ilang kakilala ko na may crush sakanya. Wala eh, maganda ang girlfriend ko.
"May pasok pa yung tao, pag pinaakyat ko pa sya baka ma-late sya."
"Mamaya ba susunduin ka ulit nya?" Umaasang tanong ni Rhian.
"Kararating nyo lang uwian na agad ang pinaguusapan nyo?"
Napalingon kami ni Rhian at nakita ang boss namin na si Sir Ollie na nakapameywang.
"Sir, goodmorning! Kanina pa kayo jan?" Tanong ni Rhian.
"Anong sundo ang narinig ko, Rhian?"
Ngumiti lang si Rhian kay Sir samantalang ako'y nagayos ng mga papel ko sa desk. "Tinatanong lang po ni Rhian kung susunduin po ulit ako ni Raegan."
Napabuntong hininga lang si Sir. "Gene, yung reports kahapon, nasayo ba?"
"Opo," Binuksan ko yung file cabinet ko at kinuha yung folders na hinahanap ni Sir. Inabot ko yun sakanya. "May kailangan pa kayo, Sir?"
Iniscan ni Sir yung laman ng folder. "Wala na, thank you, Gene. Miss Chavez, anjan ka pa?"
"Ay, ahh, Sir, may kailangan din po ako kay Gene." Palusot ni Rhian. Napailing nalang ako.
"Ano, yung girlfriend nya?" Sinara ni Sir yung folder para tingnan si Rhian. "Tantanan mo si Gene, Rhian. Magtrabaho ka na."
Umalis na si Sir at naiwan kami ni Rhian. Pinipigilan kong wag matawa kasi medyo namumula sya.
"Wow, Gene. Wow." Irap ni Rhian sakin.
"Ano ba kasing kailangan mo?" Tanong ko habang tinitingnan yung bagong batch ng applications na aayusin ko.
"Susunduin ka ba ni Raegan?"
Hinarap ko si Rhian. "Seryoso ka ba?"
"Gusto ko ulit sya makita eh."
"Wala ka bang ibang magawa sa buhay mo?"
"Meron,"
"Eh di yun ang atupagin mo, hindi yung tanong ka ng tanong tungkol kay Raegan."
"Andaya mo naman eh."
"Anong madaya dun?" Kunot noo kong tanong.
"Nagkagirlfriend ka lang ng sikat, ang sungit sungit mo na."
Tiningnan ko lang sya. "Rhian, girlfriend ko na si Raegan bago pa tayo nagkakilala."
"Psh. Masungit ka parin." Umalis na sya at bumalik sa cubicle nya.
Napailing nalang ako. That's one disadvantage to dating Raegan Luces. Andami nyang tagahanga.
Pagdating ng lunch pinuntahan ko si Rhian sa cubicle nya, determinadong patatawarin nya ako sa pagsusungit ko kanina.
"Rhian,"
"Ano, mangiinggit ka?" Patampo nyang sabi sakin.
"Sorry na,"
"Andaya mo naman kasi Gene eh."
"Intindihin mo kaya ako?" Hinila ko yung isang upuan sa gilid at dinala yun sa tapat ng table nya para may maupuan ako. "Sikat yung girlfriend ko. Pag lumalabas kami andaming nagpapapicture sakanya. Minsan gusto ko syang itago sa tao pero hindi ko magawa. Tapos ngayon sa sarili kong office meron may gusto sakanya?"
"Nagtatanong lang naman ako eh."
Napabuntong hininga nalang ako. Sa mga ganitong pagkakataon naiisip kong ang malas ko at sobrang ganda ng girlfriend ko eh. "Oo, susunduin nya ako."
"Pwede ko ba syang makita?" Umaasang tanong ni Rhian.
Tumungo nalang ako para matapos na. Si Rhian lang naman 'to eh.
"Mayakap?"
Tumungo nalang ulit ako.
"Mahalikan?"
"Sumosobra ka na."
Tumawa lang si Rhian. "Joke lang, ito talaga. Sorry na ha? Saka salamat."
"Psh. Ayos lang. Sinasanay ko palang kasi yung sarili ko eh."
Bumalik ako saglit sa cubicle ko para kunin yung pinabaon sa aking lunch ni Raegan. Nagpaluto kasi sya kay Manang Yolly para sakin.
"Gano katagal na ba kayo ni Raegan baby?" Tanong ni Rhian pagkabalik ko sa table nya.
Napataas ang kilay ko. "Raegan baby?"
"Ano ba, nasanay na akong tinatawag syang baby."
"Ha?"
"Kinakausap ko yung poster nya sa kwarto ko. Raegan baby tawag ko sakanya." Paliwanag ni Rhian. "Ano na, gano na kayo katagal?"
Ipinagsawalang bahala ko nalang yung sinabi nya, minsan kasi may pagkabaliw din tong si Rhian. "Maglilimang buwan sa 21."
"Bago palang pala.." Tapos nagbilang sya sa daliri nya. "Bale, nung December 21 mo sya sinagot?"
"Oo,"
"Birthday nya yun ah?"
Napatingin lang ako kay Rhian. "Stalker ka ba nya? Pano mo nalaman yung birthday nya?"
Natawa lang si Rhian. "Ano ba yan, Gene. Para saan ang internet ha?"
"Hirap kapag public figure ang girlfriend mo."
"Swerte mo nga eh," Sabi ni Rhian. "Andami kayang may gusto sakanya!"
"Kaya nga mahirap eh, andaming karibal!"
Natawa lang kami ni Rhian.
Totoo naman eh, marami akong karibal kay Raegan. Pero hindi ko nalang pinapansin kasi sabi nga ni Raegan sakin, ako ang mahal nya. Minsan gusto ko sya ipagdamot, pero hindi ko naman magagawa yun kasi ganun na talaga si Raegan. Bago ko pa sya nakilala sikat na sya. Ako lang naman ata ang hindi sya nakilala nung pumasok sya sa clinic namin dalawang taon na ang nakakaraan.
"Nga pala, may tawagan ba kayo ni Raegan?" Tanong ulit ni Rhian.
"Tawagan?"
"Tawagan, endearment, ganun. Meron ba kayo?"
Napaisip ako. "Well, minsan tinatawag nya akong 'baby'. Minsan naman 'honey' o kaya naman 'sweetheart'."
"Ikaw? Anong tinatawag mo sakanya?"
"Raegan."
Parang di makapaniwala si Rhian sa sagot ko. "Seryoso?"
"Ano bang gusto mo?"
"Ang corny mo, Gene. Ang ganda ganda ng girlfriend mo tapos hindi ka sweet sakanya kahit minsan lang?"
Kumain nalang ako. Ang totoo kasi nyan may tawagan kami ni Raegan, pero ginagamit lang namin yun kapag kaming dalawa lang ang magkasama. We want it to be something between just the two of us. Kapag may ibang nakaalam, mababawasan yung meaning nya.
Pagdating ng alas cinco, sabay na kaming bumaba ni Rhian at nag-out.
Tinawagan ko muna si Raegan para malaman kung malapit na sya.
"Hello, jello!"
"Raegan, asan ka na?"
"I'm almost there." Sagot nya. "Sorry ha, kinausap ko pa kasi yung professor ko eh. Ready ka na ba?"
"Ayos lang. Nasa lobby na kami."
"Kami?"
"Kasama ko si Rhian, gusto ka daw nya ulit makita."
"Okay, sige. Sky, labas ka na, andito na ako."
"Akala ko ba gagamitin lang natin yan kapag tayong dalawa lang?" Pabulong kong tanong.
"Wala naman akong kasama dito sa kotse saka hindi mo naman sinabi, ayos lang yan. Labas ka na."
Tinawag ko na si Rhian at lumabas na kami ng building. Nakaparada yung kotse ni Raegan sa kabilang side ng kalye kaya nagmamadali pa kaming tumawid. Buti nalang walang masyadong dumadaan.
"Hi, Genesis, Rhian, goodafternoon. How was your day?" Bati ni Raegan at hinalikan ako sa pisngi.
"Ayos naman, napagalitan lang tong si Rhian ni Sir Ollie kanina."
"Bakit naman?"
"Tinatanong ko kasi si Gene kung pwede kita makita." Sagot ni Rhian. "Hi Raegan."
"Hello, Rhian, musta?" Bati ni Raegan.
"Ayos naman, ikaw?"
"Been better," Ngiti ni Raegan. "Gusto mo bang sumabay samin?"
"Ay hindi na," Tanggi ni Rhian. "Out of the way ako. Sa Pasig ako nakatira eh."
"Err, okay. So, una na kami, Rhian?" Pinagbuksan na ako ni Raegan ng pintuan.
"Sige, bye Gene, Raegan. Ingat kayo." Pamamaalam ni Rhian.
"Ingat ka din," Paalam ko.
Naglakad na papalayo si Rhian at sumakay na si Raegan sa kotse. Pinaandar na nya ito at umalis na kami.
"Dinner tayo?" Tanong ni Raegan.
"San?"
"San mo gusto?"
"Gusto ko na umuwi eh,"
"Napagod ka ba?"
"Medyo."
"May gusto kasi ako pagusapan eh." Seryoso ang tono ng boses ni Raegan.
"Ano ba yun?"
"Let's talk about it on dinner later, okay? Nakain mo ba yung lunch mo?" Pagiibang topic ni Raegan.
"Oo, pakisabi kay manang Yolly salamat."
Tumungo lang si Raegan at kinabig yung manibela para lumiko kami sa isang intersection.
"San mo gusto magdinner?"
"Kahit saan nalang, Raegan."
"Wala ka bang gustong kainin?"
Nagisip ako saglit pero hindi ako nagcacrave sa kung anong pagkain ngayon. "Bahala ka na."
Natahimik nalang kami. Maya maya ay tumigil kami sa tapat ng isang restaurant sa may Global City. Inalalayan ako ni Raegan pababa ng kotse at hawak hawak ang kamay ko, pumasok kami sa loob.
Umorder lang ako ng chicken at si Raegan, steak.
"Ano na yung sasabihin mo?" Tanong ko kay Raegan habang naghihintay kami.
"Naperfect ko ata yung quiz namin kanina."
"Okay, kaya ba nagaya kang lumabas? Gusto mong magcelebrate?"
Nagkibit balikat lang si Raegan. "Parang ganun na nga,"
"Eh di ano?"
"Ayos ka lang ba? Bakit parang ang init ng ulo mo?" Inabot nya yung kamay ko at pinisil pisil yun.
"Hindi mainit ang ulo ko,"
"Eh bakit parang badtrip ka?"
"Napagod lang ako."
Dumating na yung pagkain namin habang nagiisip si Raegan ng sasabihin. Nagugutom na ako kaya kumain nalang ako.
"Namimiss na kita," Sabi bigla ni Raegan.
"Pano mo ako mamimiss eh araw araw naman tayong nagkikita? Diba dapat nagsasawa ka na?"
Tiningnan lang ako ni Raegan na para bang may sinabi akong nakakainsulto. "Hindi ako magsasawa sayo, ano ka ba."
"Oh, eh ba't mo ko mamimiss? Andito lang ako oh!"
"Nasanay kasi ako eh."
"Na palagi tayong magkasama? Hindi ba't yun naman ang ginagawa natin?"
"Hindi kasi," Umiling si Raegan. "Nasanay lang ako na magkasama tayo sa iisang bahay."
"So?"
"Sky naman eh--aray!"
Pinalo ko nga yung kamay nya. "Sabi ko pag tayong dalawa lang. Nasa public place kaya tayo!"
"Wala naman nakikinig eh,"
"Kahit na."
"Ganda ganda ng tawagan natin eh, hayaan mo sila!"
Napabuntong hininga ako. "Ang kulit mo, nakakainis ka."
"Love mo naman,"
"Oo na."
"So, back to the topic." Umayos ng upo si Raegan. "Ay wait, san na ba tayo?"
"Nasanay kang sa iisang bahay lang tayo nakatira." Paalala ko sakanya. "Pero Raegan naman, hindi pa ba sapat na halos dalawang taon tayong magkasama sa condo? Gusto mo pang bumalik ako dun dahil lang namimiss mo akong kasama?"
"Wala naman akong sinabing ganyan ah,"
"That's what you sound to me." Sagot ko. "Raegan, malaki ka na, wala ka naman nang sakit, why would you want me back in the condo?"
"I didn't say anything about you going back to the condo, my Sky."
Tiningnan ko lang sya ng masama pero hindi nya yun pinansin.
"Oo, alam kong gusto mo ulit makasama si doktora, but Sky, you're old and capable enough to move out."
"Raegan, hindi tayo pwedeng magsama ulit sa iisang bahay." Pagliliwanag ko sakanya. "May pasok ka, dapat sa condo ka tumira kasi katapat lang nun yung La Salle. Ako naman may trabaho sa Makati, dapat lang na kay mama ulit ako tumira. It's all a matter of distance."
"May nakakalimutan ka,"
"Ano?"
"May kotse ako."
"So? Isang oras parin ang biyahe papuntang Taguig or Makati mula sa Maynila. Sayang ang oras."
Natawa si Raegan. "May isa ka pang nakakalimutan."
"Ano?"
"Mayaman ako."
"Ano, bibili ka ng condo sa Makati?" Inirapan ko sya. "Ano ba yan, Raegan, nagsasayang ka ng pera mo."
"With money comes cars and houses." Parang wala lang na sabi ni Raegan, ngiting ngiti sya.
"Sinasabi ko sayo, Raegan Luces, magsasayang ka lang ng pera kapag bumili ka ng condo."
"Wala akong sinasabing may bibilhin ako."
"Eh di anong sinasabi mo?"
"Nakakalimutan mong may bahay din ako sa Taguig."
Nanlaki ang mga mata ko. Nalimutan ko yung mansyon nila!
"Ano?" Nakangising tanong ni Raegan. "Naubusan ka na ng excuse?"
"Isang oras parin ang biyahe papuntang Manila, Raegan."
"Pag traffic yun, kapag hindi, 30 minutes lang nasa Taft na ako."
"Bakit ba pinipilit mo 'to?" Tanong ko.
"Kasi namimiss ko nang magising sa umaga na ikaw ang unang nakikita ko." Sagot ni Raegan. "Ang hirap manirahan magisa sa bahay lalo na't nasanay akong may kasama ako."
"Si Azula, si Manang Fe? Hindi ba kasama yun?"
"You know what I mean, Sky."
"Obsessed ka na ata sakin," Uminom ako ng tubig. Naubos ko na pala yung pagkain ko.
"Hindi ako obsessed, Genesis."
"Well, you're acting like one."
Humingang malalim si Raegan at tiningnan akong mabuti. "Genesis, I lived 18 years of my life with my family. Nung nawala sila, I barely survived the months I lived in the mansion alone. Laking pasasalamat ko nga at naging housemate kita sa condo, it made me less lonely..."
"Raegan..."
"Sige na, ako na obsessed, ako na clingy, pero ang lungkot kasi talaga kapag magisa ako."
Naaawa nanaman ako sakanya. Nakamove on na nga sya sa biglaang pagkamatay ng family nya but that doesn't mean hindi na nya sila namimiss.
Inabot ni Raegan yung kamay ko.
"Genesis Beltran, my one and only Sky, will you move in with me?"
Hay nako, eto nanaman sya, magpapacute sakin.
"Please, Sky? Think about it. Sa mansyon tayo titira, there's a pool in the backyard, a garden kung gusto mo magtanim. We'll just be minutes away from your mom and the clinic. We'll wake up to each other's arms and have breakfast together. I can drive you to work everyday."
"Pano yung school mo?"
"That's what my cars are for." Ngumiti na sya.
Hindi ko talaga malaman kung papaano nya ako nakukambinsi sa mga ganitong bagay.
"Papayag na yan.." Ngiti ni Raegan.
"Oo na.."
"YES!"
Napasigaw sya kaya napatingin yung mga tao samin. Nagsorry nalang ako at pinalo si Raegan sa kamay.
"Ang ingay mo!"
"Masaya kasi ako!"
"Pero may kundisyon ako."
Hindi inaasahan ni Raegan yung sinabi ko kaya biglang nawala yung ngiti nya sa mukha. "Kundisyon?"
"Pag lumipat na ako sa mansyon mo, hindi mo na ako kukulitin sa pagtratrabaho ko sa Rodriguez Corporation."
"Gagawin ko lang yan kapag tinigilan mo na yung pagbebenta sakin sa kaibigan mo." Lumabi si Raegan na parang bata.
"Anong binebenta?!" Natawa ako. "Hindi kita binebenta ha!"
"Hindi daw, bakit kanina? Pinakita mo sakin si Rhian?" Patampo nyang sabi. "It hurts my feelings kaya, parang binibigay mo na ako sakanya."
"Seryoso ka ba?" Inirapan ko lang sya. Loko loko din 'to eh.
"Di joke lang," Tawa nya. "Alam ko namang patay na patay ka sakin eh!"
"Anong patay na patay sayo?! Mukha mo!" Natatawa kong tinulak papalayo yung mukha nya kasi sinubukan nya akong halikan sa pisngi.
"Oh edi, ako na ang patay na patay sayo. Pumapayag ka na bang lumipat sa bahay?"
"Wag mo na akong kukulitin sa trabaho ko?"
"Hindi na kita kukulitin kasi nakikita ko namang masaya ka sa ginagawa mo,"
"Thank you," Hinalikan ko sya sa pisngi. "Kelan ako lilipat?"
"This weekend?"
"Okay," Tungo ko. "Isa pang kundisyon, ngayong weekday, babalik ka muna sa condo."
"Ehh, sa mansyon na ulit ako para mas malapit sayo."
"Hindi, babalik ka sa condo mamaya pagkahatid sakin. Hindi mo ako ihahatid o susunduin sa trabaho kasi sa Manila ka lang hanggang Friday. Magaaral kang mabuti." Utos ko.
"Ehh, ayoko nun!"
"Magpamiss ka naman kahit ngayon lang! Jusko, Raegan, araw araw na tayong nagkikita, baka magsawa ako sayo."
"Ehh, Sky, ayoko nun. Hindi ko kayang hindi ka makita buong araw."
"Four days lang!"
"Sky.."
"C'mon, Raegan. Ngayon lang. Magbobonding muna kami ni mama bago ako umalis."
Bumuntong hininga si Raegan.
"Please, Sky?"
Ngumiti sya kasi tinawag ko na syang Sky. Yun ang napili naming endearment kasi nakahiga kami sa damuhan at nakatingin sa langit nung napagusapan namin yun. Si Raegan ang langit ko, at ano nga bang makikita sa langit? Ang araw na nagliliwanag satin, ang mga ulap na bumubuo ng kung ano anong pormasyon, minsan ito din ang nagdadala ng mga ulan. Ang langit pwedeng maliwanag, pwedeng madilim. Isa lang ang nakakasigurado kami kaya din namin nagustuhan ang endearment na yun. The sky covers the world, always have and always will.
"After Friday, you can have all of me na, magsawa ka kung gusto mo."
Tumaas yung isang kilay ni Raegan at binato ko sya ng tissue.
"Hoy! Yang tingin na yan ha!"
"What?" Tawa ni Raegan. "Sabi mo I can have all of you."
"I didn't mean it that way."
Pero parang wala syang narinig. "Sinabi mo na, wala nang bawian."
"Baliw ka talaga kahit kelan."
"Oo, baliw na baliw sayo."
"Corny mo."
Binayaran na ni Raegan yung bill at umalis na kami.
"Sure kang ayaw mo makipagkita sakin? Pano ka papasok sa trabaho?"
"Magcocommute, ano ka ba?"
"Di ba pwedeng utusan ko si manong Elmer na ihatid sundo ka?"
"Hindi na, Sky. Magcocommute nalang ako." Tinawag ko na syang Sky kasi kaming dalawa nalang naman na sa kotse.
"Hindi," Tanggi ni Raegan. "Ihahatid sundo ka ni Manong Elmer. It's the least that I can do kung hindi ako makikipagkita sayo."
"C'mon, Sky, don't be stupid."
"This is not stupid, Sky." Bawi ni Raegan. "Pano pag may nangholdap sayo habang papauwi ka? What if something bad happens to you? I won't be there to protect you.."
"Now that's paranoid."
"I just want you safe."
Tiningnan ko sya at nakitang seryoso na sya. Hindi ko na sya makukumbinsi sa gusto ko. "Fine,"
"Thank you,"
Tumigil na kami sa tapat ng bahay ko. May ilaw na sa bintana kaya alam kong nasa loob na si mama.
"Mamimiss kita," Sabi ni Raegan.
"Mamimiss din kita,"
"Are you sure you don't want to see me?"
"Kung hindi ka magsasawa sakin, baka ako ang magsawa. Try lang natin 'to okay? Four days lang naman eh."
"Sky..."
"C'mon, Sky. We can't always be together."
"Yes we can,"
"What if magkaseminar ako sa malayo? Sa Cebu or Davao or somewhere else? Hindi kita pwedeng basta bastang isama nalang sakin noh."
"Actually, I can. Remember, I own an airline company."
Tiningnan ko lang sya. Pwedeng maging makulit si Raegan kapag ginusto nya.
"Okay, obsessed ka na nga." Tawa ko.
"Obsessed sayo." Lumapit sya at hinalikan ako sa labi.
"I'll miss you," Inilapat ko yung noo ko sa noo nya.
"Are you sure you still want to do this?"
"Yes, I'm sure."
Parang nalungkot sya.
"Can I call you?"
"Yes."
Naramdaman kong ngumiti sya. "Atleast I can talk to you."
"Ang harsh naman ata kapag sinabi kong bawal diba?"
Natawa sya at hinalikan ulit ako, isang matamis at matagal na halik. Parang nagdadalawang isip na tuloy akong hindi makikipagkita sakanya ng apat na araw. Nasanay na akong palagi syang anjan. Pero hindi rin naman tamang palagi kaming magkadikit. We have to have our own space, to grow on our own. Kahit na apat na araw lang, we need to know what it would be like not to see each other for some time bago kami magsama ulit sa iisang bahay.
"Four days, Sky. Iyong iyo na ako pagkatapos ng apat na araw." Bulong ko sakanya.
"Ayusin mo na yung gamit mo ha,"
"Oo,"
"Wag kang maghahanap ng iba,"
"Ikaw din, wag titingin sa iba. Wala na si Alexa na babantayan ka para sakin."
"Yes, ma'am."
Hinalikan ko sya sa ilong at inayos na yung gamit ko.
"Sa condo ka na umuwi at nang hindi ka na mahirapan bukas." Paalala ko.
"Di mo ba ako iimbitahan sa loob?"
"Pag pinapasok kita baka di na kita palabasin." Hinila ko yung kwelyo nya para mahalikan sya sa labi. "Sige na, goodnight, Sky ko."
"I love it when you call me your Sky."
"And I love it when you call me your Sky too. Goodnight na."
"Goodnight."
Bumaba na ako ng kotse at pumasok sa loob ng bahay.
"Oh, Genesis, anjan ka na pala." Sumilip si mama mula sa kitchen doorway. "Si Raegan?"
"Pinauwi ko na po." Binaba ko yung gamit ko at nagmano sakanya.
Pagkaupong pagkaupo ko sa sofa parang bumalik lahat ng pagod ko ngayong araw.
"Kumain ka na ba?"
"Lumabas po kami ni Raegan."
"Sayang naman, babaunin ko nalang yung sobra bukas." Sabi ni Mama at bumalik na sa kitchen. Tumayo ako sa pagkakaupo ko at sumunod sa kanya.
"Ma?"
"Hmm?" Lumingon sya mula sa tapat ng stove.
"Err." Napakamot ako ng ulo. Pano ko ba sasabihin kay mama 'to? "Ma, alam ko malaki na ako, nasa tamang edad at kaya ko nang magdesisyon para sa sarili ko.."
Pinatay ni mama yung apoy sa kalan at hinarap ako.
"Nagpropose na ba sayo si Raegan?" Tanong nya.
"Ha?! Ano?! MAMA!"
Natawa si Mama sa naging reaksyon ko, napailing nalang sya. "Hindi pa ba?"
"Hindi pa! Mama naman, maglilimang buwan palang kami."
"Pero higit isang taon na kayong nagmamahalan."
Tiningnan ko lang si mama. Ganoon nalang ba ang tiwala nya kay Raegan at saakin na ayos lang sakanya kung napagdesisyonan na naming magpakasal kahit na ilang buwan palang kaming mag-on?
"So, ano nang sasabihin mo kung hindi pa pala kayo magpapakasal?" Tanong ni mama.
"Gusto po ni Raegan na magsama ulit kami sa iisang bahay."
"Saan, sa condo ba ulit? Kasi Genesis malalayo ka sa trabaho mo nyan."
"Hindi po," Iling ko. "Sa mansyon po nya dito sa Taguig."
Nagisip saglit si mama. "Anong sabi mo sakanya?"
"Ayoko pong pumayag nung una kasi malalayo naman si Raegan sa school nya but she threw in a lot of arguments that seems perfectly rational..."
"So, pumayag ka."
"Ma, maiintindihan ko naman kung hindi mo ako papayagan--"
"May sinabi ba akong tumututol ako?"
Uhh, okay, that was unexpected. "So, ayos lang po sainyo?"
"Ikaw na nagsabi kanina, malaki ka na, kaya mo na magdesisyon para sa sarili mo. Kung gusto nyong magsama na sa iisang bubong, eh di go. Pero Genesis.."
"Po?"
"Bata pa 'ko, ayoko pa maging lola."
"MAMA!"
Natawa lang si mama at ako nama'y napailing lang. Napapalibutan ako ng mga taong may pagkabaliw. Pero ayos lang kasi mahal ko naman sila.
"Thanks, ma." Ngiti ko sakanya.
"If you're happy then I'm happy too." Lumapit si mama sakin at niyakap ako. "Ay nako, ang laki na ng baby kamatis ko."
"Ma, hindi ako baby kamatis."
"Shh. Wag ka nang umangal, baby kamatis kita."
Natawa nalang ako. Si mama talaga, ayawan bitawan. "Eh di sige, baby kamatis na ako, basta mommy kamatis kita?"
"Matagal na."
"I love you, ma."
"I love you too, anak."
---------------------------------------------------
A/N:See, hindi ko kayo paghihintayin sa book 2 kung handa na ako na isulat yung prologue na yun. This book isn't going to be the same as book 1, kailangan ng level up!
Kaya ayan, magpiyesta na kayo sa comments or sa message board ko kasi may gagawin pa akong assignment.
Laters, pscyhos!
BINABASA MO ANG
Split Again
RomanceGraduate na ng psychology si Genesis at nagtratrabaho na para sa isang malaking kumpanya. Si Raegan naman nasa college pa rin, naglalaro ng tennis para sa unibersidad niya at kasabay nito ay namamahala pa siya ng airlines na iniwan sa kanya ng pamil...