Chapter 3

57.1K 1.2K 73
                                    

Split Again by JellOfAllTrades
Chapter 3

"Sky! Ako na jan!"

Napatakbo si Raegan sakin sabay hawak sa box na karga karga ko.

"Sabi nang maupo ka nalang eh, ako na bahalang magdala ng gamit mo sa pick up."

Inirapan ko lang sya. "Ayokong nanunuod lang, tutulong ako! Saka gamit ko kaya 'to!"

"Ako na, pwede? Jan ka nalang." Pilit ni Raegan at dala dala yung box na hawak ko kanina ay lumabas sya para ilagay yun sa kotse.

"Parang kahapon lang bumalik ka dito sa bahay matapos tumira sa condo ni Raegan tapos aalis ka nanaman para dun naman sa mansyon nya tumira." Sabi ni mama at inabutan ako ng tubig.

"Eh ma, namimiss daw po nya akong kasama sa bahay eh." Pagdadahilan ko. "Saka pumayag ka naman na po diba? Ngayon mo pa ba ako pipigilan kung kelan naglilipat na po kami?"

Ngumiti lang si Mama. "Pinipigilan ba kita? Nagrereminisce lang ako."

"Aww," Lumapit ako kay mama at niyakap sya. "Mamimiss po kita."

"Di na kita pagsasabihan, alagang alaga ka naman na ni Raegan." Hinimas ni mama yung likuran ko. "Basta, wag muna magaanak ha?"

"MAMA NAMAN EH!"

Natawa lang si mama. "Joke lang, alam ko namang baka hindi na ako magka-apo sayo eh."

"Mama naman...." Nalungkot ako sa sinabi nya. Mahilig kasi sya sa bata kaya alam ko kung gaano kasakit isipin na baka hindi na nga sya magkaapo. Ganito kaseryoso ang relasyon namin ni Raegan. Hindi pa kami ganun katagal pero sure na kami sa isa't isa.

Sakto namang pasok ni Raegan. "Ayos lang kayo?"

Hinawakan lang ako ni mama sa braso at tiningnan si Raegan. "Raegan, alagaan mo tong baby kamatis ko."

"Doktora naman, kelan ko po ba pinabayaan si Genesis?"

Ngumiti si mama at saka niyakap si Raegan. Di ko mapigilan kaya niyakap ko na rin sila pareho.

"Ano bang meron? Last week pa yung mother's day diba?" Natatawang sabi ni Raegan.

"Kinukuha mo na sakin yung baby ko.." Sabi ni Mama.

"Doktora naman, di ko sya kinukuha...Hinihiram ko lang sya."

"So, ibabalik mo din ako?!" Pinalo ko sya sa braso.

Natawa lang si Raegan. "Oo, ibabalik din kita kapag di mo tinigilan yang pamamalo sakin!"

"Ah, ganon?!" Hinabol ko si Raegan papuntang kitchen at wala nang nagawa si mama kundi ang panuorin kami.

Pagkatapos mahakot ang gamit ko ay nagpaalam na kami ni Raegan. Nagpromise naman ako kay mama na bibisita once a week kasi hindi naman ganoon kalayo ang mansyon ni Raegan.

"San nga pala natin ilalagay yung gamit ko?" Tanong ko.

"Sa kwarto ko. Nagdagdag na ako ng bookshelf para sa books mo, tapos pinaayos ko yung closet ko para dun mo narin ilagay yung damit mo." Sagot ni Raegan habang papasok kami ng Olympian Residences.

"Handang handa ka na ah?"

"Syempre naman," Ngiti ni Raegan. "Tagal ko kayang hinintay na dito na ulit tumira."

Pumasok kami sa gate ng mansyon nila at tumigil ang kotse. Nakita kong nakahilera ang mga tauhan ng bahay sa tapat ng front door.

Pinagbuksan ako ni Manong Elmer ng pintuan.

"Welcome home, Mam Raegan and Mam Gene." Sabay sabay nilang sabi.

Napangiti ako. Andun si Manang Yolly at si Manong Elmer, pati narin si Manang Fe na syang helper namin ni Raegan sa condo. Kumpleto lahat ng empleyado ni Raegan sa bahay; yung mga katulong, hardinero at pati na rin yung gwardiya.

"Thank you po!" Ngiti ko at saka hinarap si Raegan. "Bakit naman may ganito pa?"

"Eh natutuwa lang sila na dito na ulit ako titira. Syempre iwewelcome din nila yung nakapagpauwi sakin diba?" Hinalikan ni Raegan yung ulo ko.

"ARF ARF!"

Biglang sumulpot si Azula at sinalubong kami. Natawa ako kasi nakasuot sya ng kulay itim na dress.

"Azula! Ba't naka dress ka?" Niyakap ko yung aso.

"Binilhan ko sya eh."

Napatingin kami sa nagsalita at nakita si Joanne Cucinotta-Miraber. Sexy na ulit sya at hindi na malaki ang tiyan. Nanganak na sya.

"Joanne?!" Napayakap naman ako sakanya. "Kelan ka pa dumating?"

Matapos kasi magpakasal noong isang taon, diretsong world tour si Joanne at ang asawa nyang si Roland Miraber. Sa Amerika na nila napagdesisyunang manirahan kaya laking gulat ko nalang na makita ulit sya dito sa Pilipinas.

"Nung Tuesday lang, di ba sinabi sayo ni Raegan?" Sagot ni Joanne.

Tiningnan ko si Raegan pero itsura palang nya halatang guilty na sya. "Sorry nakalimutan ko sabihin,"

"Pano mo nalimutang sabihin?" Pumameywang si Joanne.

"Eh kasi hindi kami nagkita ni Genesis from Tuesday to Friday night tapos pag tumatawag ako sakanya nawawala sa isip ko."

"Hay nako, Raegan, ngayon ka lang nakalimot." Pagtatampo ni Joanne. "Wala kang pasalubong."

"Andaya!"

Natawa lang kami.

"Nga pala, Joanne, dito na kami titira ni Genesis." Kwento ni Raegan at pinakita yung gamit ko sa likuran ng pick up. "Eto oh, naglilipat na kami."

"Di nyo rin natiis na hindi magsama noh?" Natawa si Joanne. "Anyways, ipaayos nyo nalang yan sa kanila, sumama na kayo sakin."

"Ha? San tayo pupunta?" Tanong ni Raegan.

"May welcome back party para samin sa clubhouse. Si Leah ang nagayos." Sabi ni Joanne at hinawakan ako sa braso. "Di pwedeng hindi kayo pumunta."

"Makakatanggi ba naman kami sayo?" Tawa ko. "Tara Raegan, bukas nalang tayo magayos."

"Okay."

Since may kotseng dala si Joanne, sakanya na kami sumakay. Saglit lang naman at naandun na kaagad kami sa tapat ng clubhouse nila.

Pagpasok namin sa loob ay malakas ang sigawan, pero hindi yung galit na sigawan kundi yung mga sigawan na may asaran at kantyawan.

"ANJAN NA SILA RAEGAN!" Narinig kong sigaw ng isang babae. Pamilyar ang boses na yun, si Leah Mercurio.

"PWEDE BA LEAH?! ABOT NA NG MINDANAO YANG BOSES MO!" May isa pang sumigaw, lalaki naman. Kilala ko din yung boses na yun, si Daniel Miraber.

Nakarating kami sa may pool side kung saan may nakaayos na mahabang table ng pagkain. May mga picnic tables din pero isang table lang yung occupied kasi nagkukumpulan ang mga kaibigan namin doon.

"HOY Leah, Daniel! Nagsisigawan kayo jan, mabingi si Joanna sainyo!" Agad na sermon ni Joanne. "Teka, asan si Joanna?"

"Andito kami mommy!" Tawag ni Roland mula sa likuran namin. "Pinalitan ko ng diapers si baby Joanna."

Parang walang nagbago kay Roland Miraber. Ganoon parin ang itsura nya, except ngayon may hawak hawak syang baby na nakasuot ng kulay red jumper.

Lumapit sa mag-ama nya si Joanne at kinuha si baby Joanna. Lumapit din kami ni Raegan para makita yung baby nila for the first time.

"Hi, baby." Hinawakan ko yung maliit nyang kamay. "Ang cute cute mo naman."

"Joanna, ang ganda ganda mo, mas maganda ka pa sa mommy mo." Hinawakan naman ni Raegan yung isa pang kamay ni baby Joanna.

"Hindi ko alam kung matutuwa ako, Raegan." Nakakunot ang noong sabi ni Joanne.

"Insulto yun sayo, wag ka matuwa." Tawa ni Raegan at umilag nang sinubukan syang kurutin ni Joanne.

"Loko ka! Lumayas ka nga dito!"

"HOY! PANSININ NYO KAYA KAMI!" Sigaw nanaman ni Leah.

"Langya naman, Leah. Wag kang sumigaw!" Sagot ni Roland.

Nagkukumpulan parin sila Leah sa table, sobrang dikit dikit sila kaya hindi ko na makita kung ano yung nasa table o kung sino yung nakapwesto sa likuran.

"Raegan, Gene, may surprise kami senyo." Sabi ni Dan.

"Diba sabi ko Welcome Back party 'to?" Sabi ni Joanne na ngiting ngiti.

"Oo, bakit?"

"Well, hindi lang kasi welcome back party to para samin, para rin to sa isang babaeng nagbabalik bansa." Dagdag ni Roland.

"READY NA KAYO?" Sigaw ni Leah.

"Anong ready?" Kunot noong tanong ko.

"1, 2, 3! TA-DA!" Sabay sabay silang sumigaw at tumayo para ipakita kung sino pa ang nagbabalik bansa.

Napanganganga lang kami ni Raegan nang makita namin kung sino ang nakaupo sa likuran ng table. Ilang buwan na namin syang hindi nakikita at ang totoo nyan, natatakot na akong hindi na sya makakabalik pa ng Pilipinas. Pero andito na sya, maiksi na nga yung buhok nya pero sya parin yun.

"ALEXA!" Napatakbo si Raegan sa bestfriend nya! "SASHA!"

Masaya si Alexa nang sumigaw si Raegan pero nabura yung ngiti nya nang tinawag na syang 'Sasha'. Kinuha nya yung isang slice ng cake sa table at bago pa nakarating sakanya si Raegan para yakapin sya ay binato na nya ito sa mukha.

"Langya naman eh! Ilang beses ko na bang sinabi sayo na tigilan ang pagtawag sakin nun ha?!" Sermon agad ni Alexa.

"Langya ka din!" Bawi ni Raegan at sinubukang tanggalin yung icing sa mukha nya. "Di pwedeng murahin nalang ako, kailangan talaga batuhin ako?"

Tumawa lang si Alexa at hinabol naman sya ni Raegan para pahiran ng icing. Dumaan sakin si Alexa para yakapin ako.

"Miss you!" Humalik sya sa pinsgi ko at saka tumakbo na, tawang tawang iniiwasan si Raegan.

Pinanuod lang namin silang maghabulan hanggang sa magsawa si Leah at tinulak si Raegan sa pool. Si Cedric naman ay binuhat si Alexa at inihagis din sa pool.

"Bwisit ka, Leah! Wala akong pamalit!" Sigaw ni Raegan sa gitna ng pool.

"Sus, anjan lang bahay nyo eh. Padala ka nalang!" Bawi ni Leah.

Lumapit si Alexa kay Raegan at nilubog ang ulo nito sa tubig.

"HOY ALEXA!" Sigaw ko. Alam kong nagbibiruan lang sila pero hindi ko maiwasang matakot para kay Raegan.

Tumawa lang silang lahat at binitawan din naman agad ni Alexa si Raegan.

Lumapit sakin si Violet Adamms, ang dating karibal ko kay Raegan. Matagal na syang sumuko at ang alam ko, sila na ni Dan ngayon kaya friends na kami.

"Last time we were here, you haven't answered Raegan yet." Ngiti nya habang pinapanuod sila Alexa at Raegan na maghabulan sa tubig.

"Last time we were here, you haven't answered Dan yet." Balik ko.

Natawa lang sya. "Everything seems like a blur to me. I didn't even feel the year pass by."

"Time flies when you're having fun."

Pagkaahon nila Raegan at Alexa mula sa pool, inabutan kaagad sila ng towels ni Francis Yu, yung kaibigan namin mula sa Dionysus house.

"Hoy, kain na tayo!" Tawag ni Joanne. Inabot nya muna si baby Joanna kay Dan para asikasuhin kami. Lumapit naman si Dan samin ni Violet.

"Baby, this is tita Violet and tita Gene oh.."

"Nagpapractice ka na ata ah?" Natatawa kong sabi.

"Oh, Gene, you have no idea..." Ngiti naman ni Violet. "He got too excited after seeing baby Joanna for the first time that he almost, almost proposed to me."

"Eh nakakainggit kaya sila Kuya.." Sabi naman ni Dan habang nilalaro si baby Joanna.

"Dahil lang nagkapamangkin ka na, gusto mo na agad magasawa?"

"Bakit hindi? Mahal ko naman si Violet, mahal nya ako. Nasa edad na kami and financially speaking, we are more than capable to settle down and have our own family na." Pagdadahilan ni Dan.

"Financially speaking lang yun, eh emotionally and mentally ba prepared na kayo?"

"Exactly!" Sabi ni Violet. "That's why I stopped him from proposing prematurely."

Naalala ko bigla yung 'unofficial proposal' na nangyari samin ni Raegan. Di ko akalaing nangyari din yun kina Dan.

"We're too young and we both have dreams we want to achieve before settling down." Sabi ni Violet.

"Although I insisted that we can still achieve both our dreams together as a married couple, ayos lang sakin na maghintay." Sabi ni Dan. "Basta ba pag naghintay na ako sa altar, sya yung maglalakad sa aisle."

"Aww, ang sweet nyo." Kinikilig ako para sakanila. Alam ko kasi kung gaano katagal naghintay si Dan para kay Violet. And Violet, after giving up on Raegan deserves to be happy.

"Dan! Padedehin ko na si baby." Biglang dating ni Roland.

"Eww, kuya, ikaw magpapadede?!" Tawa ni Dan habang inaabot sakanya si baby Joanna.

"Gago, may bote sya!"

"Words," Tinakpan ni Dan yung tenga ni baby Joanna at saka inalapit ang mukha nya sa mukha nito. "Baby, di mo narinig yung sinabi ni daddy ha?"

"Baliw, di pa nakakaintindi 'to!" Sabi ni Roland at saka hinalikan si baby Joanna sa ulo.

"Wag mo nang hintaying makaintindi sya bago ka tumigil sa pagmumura mo." Sabi ko.

"Aww, Roland, another thing to give up now that you're a father." Pangaasar ni Violet.

"Psh. If it's for my baby girl, I'd be glad to give up cussing."

"The same way you're glad to give up drinking to once a month?" Dagdag ni Dan.

Mukhang nabadtrip si Roland dun kaya binatukan nya si Dan. "Sige, mangasar pa."

"Hirap noh? Pinayagan ka ba ni misis na uminom ngayon?" Pagpapatuloy ni Dan na natatawa parin.

"Baliw, kumain na kayo dun!" Tulak ni Roland kay Violet.

Nakangiting iniwan namin si Roland sa table na yun para kumuha muna ng pagkain. Napansin kong todo asikaso si Joanne para saamin at sa mag-ama nya kaya hinila ko muna sya saglit at pinaupo.

"Kalma ka lang, pwede?"

"Kalmado ako, Gene." Kunot noong tugon nya.

"Di nga? Kanina ka pa di mapakali eh."

Pumunta si Jenny Flores sa table namin at binigyan ng pagkain si Joanne.

"Buti pinaupo mo muna sya. Kanina pa nya inaasikaso ang lahat eh, imbes na magenjoy sa party para sakanya, pinapagod nya sarili nya."

"Ano ba, hindi ko pinapagod ang sarili ko." Pagdadahilan ni Joanne sabay inom ng juice.

Natawa lang kami ni Jenny. "Hindi daw?"

Humingang malalim si Joanne. "Di nyo kasi alam..."

"Joanne, ikaw yung ate naming lahat dito." Sabi ni Jenny. "Bata palang tayo inaasikaso mo na kaming lahat. Pero dati yun, malalaki na kami, tayo. You don't have to look out for us na. May anak ka na oh, focus your energy on her, we can take care of ourselves."

Tiningnan lang sya ni Joanne at saka natawa. "Take care of yourselves? Jenny, parang bata parin kayo hanggang ngayon. Alam mo ba kung anong ginawa ni Alexa para makabalik ng bansa? Alam mo ba na iniisip na ni Dan magpakasal agad? Alam mo ba kung paano nabubuhay si Leah, papalit palit ng mga babae nya? Hindi pa kayo nagtitino kaya hangga't hindi ko nakikitang hindi pa maayos ang mga buhay nyo, hindi ako titigil sa pagaalaga sainyo."

"Hoy, matino kaya ako!" Angal ni Jenny.

"Ang lakas ng mother instincts mo noh?" Pansin ko. Ang dami niyang alam sa grupo at halata sa mga mata niya na nagaalala siya sa bawat isa.

"Mahal ko lang kayo," Ngiti ni Joanne. "Actually, sa lahat ng andito si Raegan ang pinakamaayos na ang buhay."

Iba yung ngiti sakin ni Joanne kaya alam kong gusto nyang sabihin na ako yung nagayos sa buhay ni Raegan. Nginitian ko nalang din siya, nakakahiya eh.

"So, anong tawag mo sa buhay ko?" Angal parin ni Jenny. "Maayos naman ako ah!"

"Maayos daw..." Umiling lang si Joanne. "Wag mo nga akong niloloko, may nabalitaan ako sayo!"

Nanlaki ang mga mata ni Jenny kaya nacurious ako. "Bakit, anong meron?"

"Wala," Diin ni Jenny. "Kanino mo ba nabalitaan?" Tanong nya kay Joanne.

"Secret." Ngiti ni Joanne at saka sumubo ng carbonara.

"Fine, you win. Di pa nga maayos ang buhay naming lahat." Tumayo na si Jenny. "Pero alam mo, Joanne, di nawawala ang problema." At saka umalis na sya para puntahan naman sila Leah na naglalaro ng beer pong sa kabilang side ng swimming pool.

"Ano yun?" Tanong ko kay Joanne.

"Wala, wag mo nalang pansinin." Iling ni Joanne. "So, ano, kamusta ka na? Kayo ni Raegan?"

"We're fine...We're great actually." Sagot ko.

"Honeymoon stage parin?"

"Ha??" Naguguluhan kong tanong.

"Nga pala, first relationship mo si Raegan. Ganito kasi yan, yung honeymoon stage, yan yung sobrang sweet pa kayo sa isa't isa. Hindi mapaghiwalay at damang dama nyo yung pagmamahalan nyo...Pero..."

"Pero?"

"Di rin magtatagal yan. Nagaway na ba kayo ni Raegan?"

Umiling ako. "Di pa,"

"Eh? Kahit tampuhan man lang wala pa?"

"Tampuhan meron, pero yung away na away talaga, wala pa. Pinaguusapan kasi agad namin bago pa lumaki."

"Eh di dapat pala namin abangan ang first fight nyo?" Tawa ni Joanne. "Ohh, I want to see what Raegan will do when that happens."

"Seryoso? Kaibigan ka ba talaga namin?!"

"Gene, sabi nga ni Jenny kanina, hindi nawawala ang problema. I'm sure magkakaroon din kayo ng di pagkakaunawaan and when that happens, wag nyong patatagalin." Paglilinaw ni Joanne. "Pero syempre, curious parin ako kung anong gagawin ni Raegan para sayo."

Napaisip ako dun. Para kasing may something sa sinasabi nya. "Bakit gusto mo malaman kung nagaway na kami?"

"Raegan's quite entertaining kapag nagaaway sila ng ex nya dati."

"Entertaining?"

Nagisip saglit si Joanne. "Let's just say na naaactivate ang 'tanga mode' nya kapag nagkakaganun."

Parang lalo naman akong naguluhan sa sinabi nya. "Tanga mode? Si Raegan?"

"HELLO!" Biglang dating ni Alexa sa table namin. Basang basa mula sa pagkakahulog sa swimming pool kanina.

"Magpunas ka nga," Sabi ni Joanne. "Baka sipunin ka nyan."

"Di ako sisipunin, naiinitan pa nga ako eh!" Sagot naman ni Alexa at kumuha ng isang piraso ng chicken sa plato ni Joanne. "Sobrang lamig sa Russia kaya pagkarating ko dito tagaktak yung pawis ko. Anyways, anong pinaguusapan nyo?"

"Ay eto! Alexa, ikaw magkwento kay Gene tungkol sa tanga mode ni Raegan noong nagaaway sila ng ex nya."

"Asus, nakita na nya yun." Iling ni Alexa at saka naman uminom ng juice sa baso ko.

"Hindi ko pa nakikita!" Angal ko. "Di pa nga kami nagaaway ni Raegan eh!"

"First fight as a couple wala pa, pero bago pa naging kayo nagaway na kayo diba?"

Napaisip ako saglit. Nagaway na nga ba kami ni Raegan?

"Ano ba yan Gene," Napailing lang si Alexa. "Nakalimot ka na agad? Eh tanda ko pa nun nagmamadali kang bumalik ng Manila para lang makaiwas kay Raegan eh."

"Oh! Yung Violet incident!"  Naliwanagan na ako. Sa sobrang tagal na noon at sobrang complicated, nawala na sa isip ko yung nangyari.

Nahuli ko kasing naghahalikan si Violet at Raegan dati noong pumunta kaming Quezon. Kahit na nagmadali akong bumalik ng Manila at halos iwan ko si Raegan noon, nagkaayos din kami kasi nalaman kong si Rae, yung split personality ni Raegan, pala ang humalik kay Violet. Saka lumabas din kasi si Gan noon kaya hindi ko maiwan si Raegan.

"Wait, Violet incident? Anong Violet incident?" Naguguluhan na tanong ni Joanne.

Nagkatinginan kami ni Alexa. Kaming dalawa lang kasi bukod kay mama na psychologist ni Raegan ang nakakaalam na nagkasplit personality siya. Mahihirapan lang kami sa pagpapaliwanag kaya nagsinungaling nalang si Alexa.

"Nagkatampuhan si Raegan at Gene noon sa Quezon...Remember the Masquerade Ball two years ago? Anyways, nalasing si Raegan and she had a little moment with Violet. Nakita ni Gene kaya nagpumilit syang bumalik ng Manila."

"Oh! Yun pala yung dahilan kaya di ka na nagpaalam." Naalala na ni Joanne. "Sabi ko na nagaway kayo noon eh!"

Natawa nalang ako. "Matagal na yun, nalimutan ko na nga eh."

"That's exactly Raegan's tanga mode." Sabi ni Alexa. "She does a lot of crazy stuff kapag hindi sila ayos ng partner nya kaya madalas lalong lumalaki yung away."

"Palagi silang nagaaway ng ex nya?"

Nagkatinginan sila Alexa at Joanne at sabay na napangiti.

"Hindi namin sinasabi kay Raegan kasi mahal nya at masaya sya pero ayaw talaga namin dun kay Katarina." Sabi ni Joanne. "Palagi silang nagaaway kasi selosa si Kat, lalo na kay Violet."

"Jusko, yung sagutan nila noon!" Tawa ni Alexa. "Grabe, para kang nanunuod ng pelikula!"

"Kaya pinanuod talaga kita noong una mong nakilala si Violet at nalaman mong may gusto sya kay Raegan." Sabi ni Joanne. "Kaya nga nagustuhan agad kita for Raegan eh...You were different from Kat."

"Pero nagselos din ako kay Violet..."

"Pero hindi mo sinugod si Violet, hindi mo sya sinampal o sinabunutan o sinabihan ng kung anong masama right?" Kontra naman ni Alexa. "That's what made you different, Gene."

Gusto ko pa umangal pero what they're saying is making me happy. Natakot kasi ako dati sa ex ni Raegan considering na ang kwento nila sakin, siya ang kaunaunahang seryosong relasyon ni Raegan. To think na hindi pala sya ganoon kagusto ng mga kaibigan ni Raegan is making me think na hindi na dapat ako mathreaten sakanya..Kay Katarina.

"Alam ko yang ngiti na yan, ngiting tagumpay yan noh, Gene?" Sabi ni Joanne.

"Thank you kasi tinanggap nyo ako para kay Raegan."

"Actually, tatanggapin naman namin kahit sino pang mapili ni Raegan." Sabi ni Alexa. "If we don't like the person, we'll despise him or her in secret. Di kami ganon kapakialamero."

"Weh?" Angal ko. "Diba sabi mo pinaimbestiga mo ako nung kakakilala ko palang kay Raegan?"

"Iba yun, vulnerable si Raegan eh!" Angal ni Alexa.

"Anong iba? Pinaimbestigahan mo din si Kat diba? And the two guys before her..." Ngiti ni Joanne.

Pinanlisikan sya ni Alexa pero ngumiti lang si Joanne. "And I love you for that kasi pinapadalhan mo ako ng kopya ng reports. Gene, oo nga pala, I see you're excellent in English nung high school ka."

"Oh my gosh, bakit nagsisilabasan ang mga sikreto nyo?! Bakit kayo ganyan?!"

Natawa lang sila. "This is how we function."

"You're all dysfunctional." Napailing nalang ako.

Umalis saglit si Alexa para kumuha ng pagkain at sya namang dating ni Raegan at Roland sa table. Kinuha ni Joanne si baby Joanna.

"Wala kang pamalit.." Sabi ko kay Raegan. Basa parin sya pero pinupunasan naman nya yung buhok nya ng tuwalya.

"Tumawag na ako sa bahay, nagpadala na ako ng damit and ng swimsuit if you want to take a swim."

"Di ako maliligo, but thank you narin," Tumayo ako. "Kuha lang kita ng pagkain."

"Ako na," Tanggi ni Raegan pero hinawakan ko sya sa balikat at pinigilang tumayo.

"Stay."

"Nako, under si Raegan!" Tawa ni Roland.

"Daddy, kuha mo pa ako ng chicken?" Sabi naman ni Joanne.

"Sure, mommy." Sagot naman agad ni Roland.

"Under ka din eh," Tawa naman ni Raegan.

"Sapak you want?" Banta ni Roland at pinakita yung kamao nya kay Raegan pero tumawa lang ito.

Sabay na kami ni Roland na pumunta sa buffet table.

"So, how's work?" Tanong ni Roland. "San ka ulit nagtratrabaho?"

"Sa Rodriguez Corporation and I'm doing great." Sagot ko.

Natigilan si Roland at hinarap ako. "Rodriguez Corporation?"

"Pharmaceutical company, yes." Kumuha ako ng chicken. "Bakit?"

Natawa si Roland. "Wow, welcome to the Familia, then?"

"Ha?"

"Rodriguez Corporation is owned and managed by the Rodriguez family." Sabi ni Roland at kumuha naman ng juice. "They're part of the Apollo house. So technically speaking, distant relatives namin sila."

"Are you saying na boss na kita?"

Tumawa lang si Roland. "I'm just saying, you're working for Familia members, Gene. I'm going to consider you a Familia member now too."

"Hindi ako Familia." Tanggi ko. "Hindi ako katulad nyo."

"Okay, hindi ka pa Familia." Ngiti ni Roland. "Pero darating ka din dun."

Hindi ko alam pero bigla akong napaisip sa sinabi nyang iyon. Tama naman sya, hindi pa ako Familia pero doon din ako papunta kung sure na nga kami ni Raegan sa isa't isa. And honestly, hindi ko alam kung anong nararamdaman ko dun.

Pagkabalik namin sa table, may bag na sa tabi ni Raegan at nakaupo na sa dating pwesto ko katabi ni Joanne si Jenny. Nakabalik na din si Alexa at nakikihingi si Raegan sa plato nya.

"Yan na ba yung damit?" Tanong ko kay Raegan at itinuro yung bag.

"Yeah."

"Bihis ka na muna bago ka kumain,"

"Mamaya nalang, nagugutom na ako eh."

Agad na kumain si Raegan kaya ipinatong ko nalang muna yung towel sa balikat nya.

"Raegan, may sasabihin pala ako sayo." Sabi ni Jenny at tinigilan muna ang paglalaro kay baby Joanna.

"Hmm?" Ungol ni Raegan. Puno kasi ng pagkain yung bibig nya.

"Lunukin mo muna yan, baka mabilaukan ka sa ibabalita ko eh."

"Di yan, go ahead." Sagot ni Raegan habang ngumunguya.

"Don't talk when your mouth is full!" Sabay na sabi namin ni Joanne. Nagkatinginan lang kami at saka natawa.

"Sige na nga," Nagkibit balikat si Jenny kasi sumubo pa ulit ng pagkain si Raegan. "Nasa bansa na ulit si Katarina."

Tama nga si Jenny, nabilaukan si Raegan sa balita kaya inabutan ko kaagad sya ng tubig. Tawa naman ng tawa si Alexa. "Di pala ha?!"

"Sabi sayo lumunok ka muna eh." Ngiti ni Jenny. "Ayaw mo makinig."

Naubo si Raegan at uminom ng tubig. Hinimas ko nalang yung likuran nya.

"Kelan sya umuwi?" Tanong ni Raegan nang makarecover na sya.

"Last week."

Nagkatinginan kami ni Raegan at hindi ko mabasa yung emosyon sa mukha nya. Alam kong hindi maganda ang naging break up nila ni Katarina kasi iniwan nalang sya nito. Dapat ba akong matakot?

"Hinahanap ka nya sakin." Pagpapatuloy ni Jenny.

"Anong sinabi mo sakanya?"

"Di ko sya sinagot. Ang sabi ko kung may gusto syang malaman sayo, kailangan ko munang ipaalam sayo na bumalik na sya."

"Salamat Jenny,"

"Now, what do you want me to say to her?" Tanong ni Jenny at uminom ng juice.

Hinawakan ni Raegan yung kamay ko at saka ngumiti. "Nothing. Tell her nothing about me. Nagsawa sya sakin at iniwan nya ako. Nung umalis sya pinutol na namin ang koneksyon namin."

"Ganon?" Sabi ni Alexa. "Ayaw mo ba ipamukha sakanya na mas maganda na yung buhay mo ngayon?" Tapos nginusuan nya ako.

"Please, she doesn't even deserve to know how happy I am now."

"Ikaw Gene, anong say mo?" Tanong ni Roland sakin.

"Wala akong 'say' dito."

"Meron ka dapat say dito," Sangayon ni Jenny. "Girlfriend ka ni Raegan eh."

Tiningnan ako ni Raegan at hindi ko parin mabasa yung emosyon sa mukha nya. Parang gwardiyado sya sa topic ng ex nya although naaalala ko pa nung ikinwento ng tennisters sakin kung anong ginawa ni Raegan pagkaalis ni Katarina. Ipinilit nyang nakamove on na sya noon pero iba ang pinapakita nya ngayon.

"Ano Gene? What do you think?" Tanong ni Joanne.

Huminga ako ng malalim. "Kung ayaw ni Raegan magparamdam kay Katarina, eh di wag. Ayaw nya eh. I trust her judgement. Saka isa pa, past is past."

"Okay, tatawagan ko sya mamaya tapos sasabihin ko you don't want to do anything with her again?" Paninigurado ni Jenny.

"Yes."

"So kung mahahanap ka man nya, wala na akong kinalaman jan ha?" Ngiti ni Jenny. "Wag mo akong susugurin."

"Bakit naman kita---Ahh, okay...She was pushy wasn't she?" Usisa ni Raegan.

"Really, really pushy."

"Sige na, absuelto ka na." Sabi ni Raegan at nagsimula nang kumain ulit.

Pinagmasdan ko si Raegan at nang mapansin nyang nakatitig ako, ngumiti sya. "Alam kong maganda ako, pero wag mo naman akong titigan habang kumakain. Baka malusaw ako tapos mapunta ako sa pagkain ni Alexa."

"Kadiri ka, Raegan." Binato sya ni Alexa ng tissue. Natawa nalang ako kasi basa si Raegan kaya dumikit sa noo nya yung tissue.

Inilipat ko naman ang tingin kay Alexa. "So, Alexa, nagpagupit ka ng buhok ahh."

"Bagay ba?" Ngiti ni Alexa. "Kaso basa kaya mukha akong ewan, next time kapag lumabas tayo mas maappreciate mo."

"Tagal mo din sa Russia, namiss kita."

"Namiss din kita,"

"So, pano ka nakabalik?" Tanong ko. Nabura sa mukha nya yung ngiti at napalitan ng kabadong itsura.

"Oo nga, Alexa, pano ka nakabalik?" Dagdag ni Raegan.

"Sumakay ng eroplano! Ano ba kayo? Alangan namang lumangoy ako diba?" Kabadong tumawa si Alexa pero wala samin ang nakisali. Seryoso ang mga tingin namin sakanya.

Naalala ko yung sinabi ni Joanne kanina lang. May ginawa ata si Alexa na hindi maganda para lang makabalik ng bansa?

"Alexa, pano mo napapayag si Auntie Cristy na pabalikin ka na dito sa Pilipinas?" Tanong ulit ni Raegan.

Natahimik si Alexa at umiling. "We're not talking about this right now."

"No. We need to talk about it." Diin ni Raegan.

"Raegan, please."

"Alexa, malalaman din naman nila agad yan eh. Its better that you tell them na." Sabi naman ni Joanne. "Iwan muna namin kayo. Jenny, sumama ka na samin."

Umalis na sila at naiwan kaming tatlo nila Raegan at Alexa sa table. Pareho silang nawalan na ng ganang kumain at itinulak na ang mga plato nila papalayo.

"Alexa, how did you convince Auntie?" Tanong ni Raegan.

Nakatungo na si Alexa at nang magsalita sya ay nanginginig na ang boses nya. "Raegan, I'm sorry..I'm really, really sorry."

"Ba't ka nagsosorry?" Tanong ko. Lumipat ako sa tabi nya at hinimas yung likod nya.

Itinaas na ni Alexa ang tingin at nakita naming umiiyak na sya. Pinunasan nya yung luha nya at sinabing. "Pinagbantaan nila ako."

Napanganga nalang kami ni Raegan sa nalaman.

"Raegan, alam kong ikaw ang pinakatutol sa engagement na 'to kasi gusto mong maging masaya ako. Pero pinagbantaan nila akong itatakwil nila ako."

Di makapaniwala si Raegan. "Alexa, alam mong pag tinakwil ka nila tutulungan kita."

"Alam din nila yun kaya sinabi nilang pag di ako pumayag, isusunod nila kayo nila Leah. Raegan, ipagkakasundo nila itong buong grupo natin and I don't want to be the cause of everyone's problems."

Lalo kaming hindi makapaniwala sa nalaman. Sa Familia Olympia kasi, parang tradisyon na ang ipagkasundo ang mga tigapagmana nila para makasiguradong may magandang kinabukasan ang mga kumpanya o tradisyon nila.

"Ayos lang sakin na itakwil nila ako, pero yung itatakwil din nila kayo? Hindi ko kayang bigyan kayo ng ganoong problema, Raegan." Nanginginig na paliwanag ni Alexa.

"You know we'd fight for you," Mahina ang boses ni Raegan. "Kung kailangan ipagkasundo nila kaming lahat, tatanggapin namin ang problemang yun para maging masaya ka."

"I know you would." Ngiti ni Raegan. "But you don't have to."

"Alexa.."

"You don't have to, Raegan. Safe na kayo."

"Alexa, anong ibig mong sabihin?" Tanong ko.

Pinunasan pa ulit ni Alexa ang tumutulong luha nya. Umayos sya ng upo at pilit na ngumiti samin.

"Kasal na ako. Nagpakasal kami ni Percy sa Russia."

________________________________
A/N:

Complications HAHAHA I smell a whole lot of complications. From Raegan, Genesis, Jenny and to Alexa. Funny how everything seems to fall in place kahit hindi ko naman naisulat sa plot draft. Lalo na yung kay Alexa, nabibigla na lang talaga ako sa mga nangyayari sa buhay niya.

Sooooooo, nagsisimula pa lang naman tayo pero damang dama ko na yung excitement nyo. Di lang pala yung relationship ni Genesis and Raegan ang lumevel-up, pati din kayo! Daming votes and comments eh! MARAMING SALAMAT PSYCHOS!
Pero sorry na lang guys kung mabagal ang updates ko. Dami ko kasing trip sa buhay eh. Nasa medyo baba yung Wattpad sa listahan ko ng prioridad. Nauuna kasi yung pagaaral, drum squad at kung ano ano pang personal na bagay. Pero wag maiinip, madami pang ibang storya jan na pwedeng basahin, hindi lang sa akin!

Anyways, chapter dedication sa kauna-unahang nagvote sa prologue (according to my cellphone notification).  I promised kasi sa FB na kung sinong unang makakapagvote ng Split Again Prologue may dedic eh HAHAHA so, ayan. 

Split AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon