Split Again by JellOfAllTrades
Chapter 14"Raegan, hawakan mo 'to."
Inabot ko kay Raegan yung notebook. "Isulat mo yung time estimate kapag lumalabas yung split personality mo."
"How am I supposed to know that? Nagba-black out ako, remember?"
"Ang sabi mo sakin hindi ka sure kung kelan siya exactly nakakalabas. You can hear them and you can feel them slightly taking control, so matetake down mo yung time estimates. Also, kailangan ko yung sa tingin mong reason kung bakit siya lumalabas?"
"Can we please give this other personality a name kasi nalilito ako minsan kung sino yung tinutukoy mo?"
"Anong gusto mong ipangalan sa kanya?" Tanong ko. "Or if you can talk to them, ask."
Natahimik si Raegan at napabuntong hininga. "Oli daw."
"Oli?"
"Narinig niyang tinawag ako ni Alexa na Olympia. Mukhang nagustuhan niya yung name. But honestly, though. Pag nagkaroon pa ba ako ng isa pa, Pia naman ang name niya? Tapos ano na pagkatapos nun?"
"Sky naman, wag ka munang negative. Mamaya maging totoo yan. Pareho tayong mahihirapan."
"Let's go to doktora na kasi. I want this Oli out of my head as soon as possible."
"Sky, kakayanin mo ba na hindi sabihin kay Mama yung unang beses na lumabas si Oli kagabi?" Tanong ko. "Magaling magpaikot yun, mapapakwento ka."
"I'm not really sure kung last night yung unang labas niya."
Natigilan ako. "What do you mean?"
"I've been hearing her whispers for some time now. Kagabi yung pinakamalakas at pinaka-klaro niyang pagsasalita."
"Well, anong sinasabi niya before?"
"I'm not sure. Parang bulong kasi siya before. Hindi ko siya marinig ng maayos. May mga words akong nakukuha ng maayos but that's just it. Words. How am I suppose to know what she's trying to say?"
Napahawak na lang ako sa pisngi ng girlfriend ko. "Wag mong ikukunot yang noo mo."
Binigyan niya lang ako ng maliit na ngiti.
"You're going to get better, okay? Wag ka ma-frustrate jan."
"Sky ko," Lumabi siya sa akin.
"Yes, Sky?"
"Ayaw mo talaga magpatulong kay Doctora?"
"Gusto."
"Eh bakit hindi pa tayo pumunta sa kanya?"
"What do you feel about telling her what we do in bed?" Tanong ko sa kanya. "Kasi kahit open naman ako kay Mama, I don't think kaya ko nang mag-open up sa kanya tungkol dun."
"Hindi ko naman sasabihin eh."
Pinagisipan kong mabuti yung ideya ni Raegan. Ang totoo niyan ay ang paglapit kay Mama ang unang pumasok sa isip ko nang sabihin ni Raegan na nagka-split personality na naman siya. Pero hindi ko talaga kaya na malaman ni Mama yung mga pinag-gagagawa namin ni Raegan. Maybe in the future. Pero hindi pa ngayon. Masyadong pang maaga. Pero ano namang magagawa ko para tulungan si Raegan? Hindi naman ako lisensyadong psychologist.
"Okay, ganito na lang. Let's just say Oli comes up when we're cuddling in bed."
"You do realize what 'cuddling' can mean to doctora."
"I know. Pero we're toning it down kasi hindi pa talaga kaya ng kahihiyan ko na sabihin kay Mama na nag-aano na tayo."
Ngumisi si Raegan. "Nag-aano?"
BINABASA MO ANG
Split Again
RomanceGraduate na ng psychology si Genesis at nagtratrabaho na para sa isang malaking kumpanya. Si Raegan naman nasa college pa rin, naglalaro ng tennis para sa unibersidad niya at kasabay nito ay namamahala pa siya ng airlines na iniwan sa kanya ng pamil...