Tokhang

10 2 0
                                    

A sonnet paying homage to the families grieving due to Extrajudicial Killings.

~•~•~•~

"Tokhang"

Manong Pulis! Mano po, kamusta ka na?
Kay tagal na nung huli tayong nagkita
Alala mo pa ba ako at si ina?
Puno ng pighati sa iyong ginawa

Manong Pulis, pansin mo ang pagbabago?
Sa buhay ng pamilyang iyong ginulo?
Manong Pulis, nakatutulog ka pa ba?
Kahit nag-implanta ng bawal na droga?

O, manong pulis! Ba't ka kinakabahan?
Kanina lang puno ka ng kasiyahan
Huwag ka po masyadong pagpapawisan
Ang galit ko'y matagal ng naibsan

Pero hindi na lilipas ang hinagpis
Hindi 'toh nabubura tulad ng lapis
Hindi mawala ang dinadamang sakit
Hindi maglalaho ang lasa ng pait

Manong Pulis, sana maintindihan mo
Masalimuot na ang ikot ng mundo
Opo, alam ko na nagsisisi kayo
Ngunit hustisya'y nais naming matamo

~•~•~•~

The Thoughts of a Girl with a Pen and Paper: A Literary CompilationWhere stories live. Discover now