Bangayan

9 2 0
                                    

This poem is also part of the role play and by far my top most favorite. This poem depicts a fight between the two main characters which is the husband who was caught cheating by his wife. A big kuddos also to my group mates who portrayed this scene so well.

NOTE: The verses on the RIGHT is for the HUSBAND and the verses on the LEFT are for the WIFE.

~•~•~•~

"Bangayan"

Ano pa ba ang kailangan mong ipaliwanag o bigyang klaro?
Naiintindihan ko na ang lahat,
hindi mo na kailangan mag-imbento
Nagsawa ka na
Ayaw mo na
May iba ka na
Hindi pa ba sapat 'yon o gusto mo pa kong masaktan lalo?

Hindi ko sinasadya na masaktan ka
dahil kahit ganito tayo,
mahal pa rin kita
Pero hindi mo 'man lang ba naiisip na nangungulila ako sayo?
Ano pa ba ang dapat kong gawin para makuha ang iyong atensyon?

Hindi ba sapat ang mga pinapakita ko sayo?
Ang pag-aasikaso,
paglalambing,
at pagsusuyo?
Hinihintay kang umuwi kahit ako'y pagod na pagod
hahandaan ka ng pagkain at bibilhan ka ng bagong polo?

Hindi ko kailangan ng materyal na bagay
Nilalambing mo lang ako pag ikaw ay aalis at liliban
Nangako ka sakin na magiging katunggali kita
pero bakit hindi kita maramdaman o makasama 'man lang?

Hindi mo ba nakikita na para satin 'toh?
Nais kong mabigyan tayo ng maayos na pamumuhay
Nangako ka rin saakin na mamahalin mo ako ng tunay
pero ano ginawa mo?
Sa iba ka tumungo

Nung panahong kailangan kita
siya ang nandyan para ako'y alagaan
Siya ang nagpangiti sakin,
nagpapasaya
Hindi tulad mo na laging wala!

Napakababaw!
Napakatanga!
Yun lang ba ang iyong dahilan?!
Ang hinihiling ko lang ay ilang araw,
ilang linggo
Sabi ko babawi ako pag natapos ito

Asan na yung pagbawi mo?!

Wala na dahil ikaw ang unang sumuko!

Nais ko pang isalba ang ating pagsasama
Ngunit ang hirap pag isa lang ang lumalaban
Kilala ako bilang isang mandirigma
Ngunit ang mandirigmang ito'y susuko na't liliban
Malaya ka na
Salamat sa mga alaala

~•~•~•~

The Thoughts of a Girl with a Pen and Paper: A Literary CompilationWhere stories live. Discover now