Alak ni Knight

28 3 0
                                    

This poem is written by my kuya dedicated to my friend whom he loved. I don't usually publish poetry that are not written by me but this is one of my favorites so might as well publish it.

~•~•~•~

"Alak"
Ni: Knight

Isang tagay pa
Para sa lahat ng alaala

Isang tagay pa
Para sa unang araw na tayo ay nagkita

Isang tagay pa
Para sa araw na sinabi mo saakin na mahal mo din ako sinta

Isang tagay pa
Para sa bawat mahal kita, miss na kita, at mag-iingat ka

Isang tagay pa
Para sa lahat ng pangarap nating dalawa

Isang tagay pa
Para sa pangako na habang buhay magsasama

Isang tagay pa
Para sa lahat ng problema na hinarap natin nang magkasama

Isang tagay pa
Para sa gabi na tumawag ka at sinabi mo na di mo na kaya

Isang tagay pa
Para sa gabi na sinabi mo na ayaw mo na

Isang tagay pa
Para sa lahat ng pangako mo sinta

Isang tagay pa
Para sa bawat mahal kita na 'di ko na masasabi sayo dahil wala ka na

Isang tagay pa
Para sa sakit

Isang tagay pa
Para sa lahat ng pait

Isang tagay pa
Para sayo sinta...

Isang tagay pa...
At isa pa...
At isa pa...
Hanggang sa makalimutan na kita

Isang tagay pa
Hanggang sa matanggap ko na wala na talaga...

Isa pa...
Isa pa...

Huling tagay na...

Pero bakit mahal parin kita?

~•~•~•~

The Thoughts of a Girl with a Pen and Paper: A Literary CompilationWhere stories live. Discover now