Kathang-Isip

13 2 0
                                    

So during the end of school year when I was in 10th grade, one of my friends asked me to write a poem dedicated to another friend of mine whom he fancies. No actually, fancy is an understatement. He was very in love with her. It was the first time someone requested me to write something for someone and I LOVED the experience mostly because I got to hear his point of view and I couldn't turn down such an interesting subject. Not sure if he actually had the guts to give this to her but oh well.

Big shout out to the epitome of this poem who will probably get to read this hear. Hi Z! Hope you're reading this Luv lots!

~•~•~•~

"Kathang-Isip"

Apat na taong tayong dalawa nagsama
'Di aakalain na ika'y magugustuhan
Kay tagal sinubukan na pigilan ang nararamdaman
Ngunit 'di nagawa pagkat ika'y kahanga-hanga

Ako'y hihingi ng patawad sa aking mga pang-aasar
Ganoon lang ang aking paraan upang maiparamdam
ang pagmamahal na kay tagal pinipigilan
pagkat walang lakas na loob sabihin ng harapan

Ika-walong baitang ng aking nakita
ang angkin na kagandahan ng iyong kalooban
Oo kalooban, hindi lang ang iyong mukha
Unti-unting nahuhulog sa iyong karikitan

Pabiro 'man ako umaamin sa iyo
naway malaman mo na ito'y totoo
Ako ay may gusto sa iyo
higit pa sa inaakala mo

Ika-siyam na baitang totoo na ito
Nakapag-ipon na ng lakas ng loob upang manligaw sa iyo
Unti-unting napapalapit sayo
Unti-unti ring nahuhulog ang aking puso

Nahulog na ng tuluyan
Hinayaan, hindi pinigilan
Ang sarap makita
ng mga ngiti mong kaaya-aya

Ang sarap sa pakiramdam
makita kang masaya
Makitang ika'y aking napapatawa
Tunay ngang ika'y iba

Ako'y nagseryoso
dahil sa isang tulad mo
Dinarasal sa Diyos
na ika'y aking mapa-oo

Ngunit napakasakit
Ako'y hindi mo pinili
Ang puso ko'y nasawi
Hindi ako ang iyong napili

Sinubukang wakasan
ang aking nararamdaman
Ako'y talo na
Ito'y alam ko na

Ngunit bakit ganon?
Hindi pa rin ako sumusuko
Nais pa rin subukan
Kaya'y aking pinagpatuloy ang laban

Ika-sampung baitang
marami akong naging katunggalian
Ngunit ang puso ko'y patuloy paring lumalaban
Hindi susuko hangga't iyong ngiti'y aking nasisilayan

At muli, puso ko'y nasaktan
Pagkat iba na ang nagpapasaya
sa babaeng ninanais kong maging sinta
Ibang tao ang nagbibigay ng ngiti sa aking minamahal

Nakikita ko na iba ang saya na kanyang binibigay
Nakikita na ang pagmamahal mo sakanya ay tunay
Mas masakit, pagkat ako'y lumaban muli
Ngunit sa huli ako pa rin ay nasawi

Ito na talaga
Ako'y bibitaw na
Para sa iyong ikasa-saya
Hindi na ako manggugulo pa

Nalulong, naligaw, nasira ng kay tagal
Iniisip nalang na ika'y malaya na
Ngunit aking nabalitaan na ika'y niloloko lamang
Nais sumabog sa galit sa kanya

Anong karapatan niya na saktan ka, sinta?
Hindi ba niya nakikita ang iyong halaga?
Napakabobo, napakatanga
Nais kong sirain ang kanyang mukha

Akala ko masakit na ako'y hindi mo pinili
Ngunit mas masakit makita ang mga peke mong ngiti
Marupok 'man ako para sa iba ang aking gagawin
Ako'y muling sasabak sa pagpapasaya sayo, binibini

Nagbalik muli tayong dalawa sa simula
Naging makaibigan, nagkakatuwaan
Masaya akong marinig ang iyong malakas na tawa
Kay sarap sa aking pandinig na nagsisilbing musika

Magtatapos na ang apat na taon
Maaring 'di tayo magkita ng matagal na panahon
Ngunit sinta, naway iyong maalala
na lagi akong nadito upang ika'y mapasaya

~•~•~•~

The Thoughts of a Girl with a Pen and Paper: A Literary CompilationWhere stories live. Discover now