I'll Get Broken ni Rainbow

20 2 0
                                    

So this poem is written by the rainbow of my life which is my best friend. She wrote this poem for me reflecting the endless dramatic accounts of my life and I am so grateful for it. Words will never be enough to express my gratitude to everything that she has done for me expect these; I love you, I miss you, and I will always be here for you.

P.S. Don't let the title of the poem fool you because this is actually in Filipino. She's a little weird in that way but nevertheless, I love her for it. <3

~•~•~•~

"I'll Get Broken"
Ni: Rainbow

Sa bawat kuwento ng buhay

hinding-hindi  nawawalan ng kulay
Sa bawa't araw na binigay

Sa araw na ika'y hinihintay

Kasalungat ng lungkot ang saya

Saya sa tuwing ika'y kausap na

Sa mga oras na binibigyang halaga

hindi malaman kung ano nga ba ang dulot ng saya

Sa tuwing ako'y nakaimik ikaw ang naiisip

Laging hinihiling na sana wag mahulog at puso ko'y aking masagip

Sa mundong ating ginagalawan na sadyang masikip

Kasiyahan sa tuwing ika'y nakikita na sana'y isa na lang panaginip

Pero paano kung ako'y nahulog sa isang munting pagkakamali?

na gusto ko nang ibalik ang bawa't sandali

Laging sinisisi ang sarili kung bakit ikaw ang napili

Pero kailangan kong itago ang damdamin, para sa kaibigan kong iyong napili

Nung una sinisi ko ang tadhana

Pero mas pinahalagahan ko ang magparaya
Mas pinili ko ang iba para sa tunay na ligaya

Ako'y nalungkot at tila bumagsak ang mga luha na nanggaling sa aking mga munting mata

Pero mahal ko ang kaibigan ko

Hindi ako papayag na mangyari ito

Tuwing ako'y tahimik tila nagugunaw ang mundo

Hinihiling ko na sana bangungot lahat ng ito

Tinanong ko ang sarili ko kung bakit ikaw ang binigay

Inaamin ko mahal kita, pero hindi pwede dahil ganito ang lagay

Sa bawa't sakit na nagsisiksikan sa pusong bigo at walang saysay

Mas pinili kong saktan ang sarili ko ng pisikal

Bakit ko nga ba kailangang indangin ang bawat sakit ng malas na pagmamahal

Sinaktan ko ang sarili ko para maibaling dito ang sakit, mahal

Pero mas mahal ko ang kaibigan ko kumpara sa taong hindi ako mahal

Ginusto ko 'man na magpakamatay

Pero marami pang dahilan para ako'y mabuhay

Wala 'man kasiguraduhan sa ibinigay

Bumitaw man ako hindi ako iiyak kasi ako ay sanay

Pero tanggap ko ang bawa't katotohanan

At mas pinili ang mga bawa't kailangan

Nakapa ko na ang bawat katotohanan

Buti nalang sa una palang nakita ko na ang bahag-hari, pagkatapos ng pagkasawi sa ulan

~•~•~•~

The Thoughts of a Girl with a Pen and Paper: A Literary CompilationWhere stories live. Discover now